13. Responsibility

Start from the beginning
                                    

"Masama bang kumanta?" tanong agad ni Chancey habang isa-isa pa rin ang pagtipa sa piano keys. "Alam mo, noong nasa conservatory ako, dream kong makabili ng sarili kong piano."

Nagtaas agad ng kilay si Edric. Wala naman siyang tinatanong kung gusto nitong bumili ng piano.

"Yung mama ko, may violin. Tumutugtog siya para kay Marius."

"Music are Dalca's natural way to lure men, witch," sabi ni Edric at tumitig sa mataas na kisame ng receiving area na puno ng mural.

"Anong lure men ang pinagsasasabi mo?"

"You sing to lure them for your own will."

"Hoy, huwag kang mapambintang. Kung kumakanta ako para mang-akit ng lalaki, e di sana matagal na akong taken. Ang hirap kaya maghanap ng boyfriend!" Umirap agad si Chancey at napaisip sa mga pinagdaanan niya. Napatingin agad siya sa kanang itaas habang inaalala ang mga nangyari sa love life niyang non-existent noon. "Inisip ko nga, siguro ang pangit-pangit ko."

"Who told you that?" tanong ni Edric habang kunot ang noo.

"Inisip ko lang! Wala nga kasing pumapansin sa akin dati. Yung mga nagustuhan ko, hindi naman ako gusto."

"Humans probably are blind."

"Di mo naman masasabi ang taste ng tao. Saka si Donovan lang ang nagsabing maganda ako kaya ayos na sa akin 'yon." Ngumiti agad si Chancey nang matamis.

"Hey, I said that to you as well! How dare you canceled me out?"

Biglang nagusot ang mukha ni Chancey at napaurong sa inuupuan niya. "Hoy, excuse me, Edric Vanderberg. N'ong sinabi mong maganda ako, gusto mo 'kong patayin n'on."

"I wanted to kill until now, just so you know."

Nagkrus agad ng braso si Chancey at tinaasan ng kilay si Edric. "Kaya nga! So, bakit ka nagrereklamo na kina-cancel kita?"

"Because you are." Nagkrus din ng braso si Edric at tinaasan din ng kilay ang kausap. "And my intention to kill you is different than my intention to acknowledge how beautiful you are. So don't say Van is the only one who told you that because I also did."

"Si Donovan lang ang kino-consider ko, ba't ba?"

"You have to consider my words as well. I seldom compliment people based on their physical impressions. You should be grateful." 

Ngumiwi agad si Chancey sa sinabi ni Edric. "Alam mo, magpinsan nga kayo, pareho kayong inggitero. Ganyan din siya kapag may sinasabi akong related kay Eul e."

Tumayo na naman si Chancey at tinangay na naman ang bukas na pack ng marshmallow niya.

"Aakyat na ako sa kuwarto. Narinig ko na yung orasan. Malamang, alas-onse na."

May punto rin naman ang sinabi ni Chancey na bakit nga ba siya buntot nang buntot dito samantalang wala naman itong ibang ginagawa kundi mamasyal sa kastilyo at maghanap ng mangunguya nito.

May elevator sa Winglov at meron din namang mga hagdan. Madalas, hindi rin gumagamit ng pareho ang mga Vanderberg dahil lilipad lang sila nang deretso paitaas kapag tinamad-tamad na.

Kahit gustong magpaka-usok ni Edric at lumipad na lang pabalik sa kuwarto, sinundan pa talaga niya si Chancey sa elevator habang nguya-nguya na naman ang marshmallow na dala nito.

Kung tutuusin, hindi naman niya ito kailangang sundan. Pero sunod pa rin siya nang sunod dahil nga sinabi ni Alastor na malamang, nasasaktan ito pero hindi lang ipinakikita sa lahat.

Nararamdaman at naaamoy niya ang malakas na kapangyarihang nasa loob ng katawan ni Chancey, at sigurado siyang hindi lang siya ang nakararamdam n'on.

Prios 4: Living with the VanderbergsWhere stories live. Discover now