"Hi.. yes? Hello? Oo.. nandito pa ako. Sige... magfifillup lang ako ng form."

Binabaan ko siya ng tawag at bumaling sa laptop ko para magsagot ng registration form.

"Wow! Busy na busy, darling?" napatingin ako kay Ate Remy.

"May sasalihan po kasi akong org. Since pagraduate na ako, I need to attend some seminars na pina-assign sa akin ng prof ko."

"Ah, okay... I get it... 4th year student kana ba?"

"Opo...."

"Saan ka ba nagaral ng 3rd year? Bakit parang hindi kita madalas na makita sa condo unit na 'to?"

"Two years sa Chulalongkorn saka two years sa Ateneo. Nanghihinayang nga po ako sa business ad." bumuntong hininga ako at tinapik-tapik niya yung likuran ko.

"Ano ka ba! Huwag mong panghinayangan ang bagay na hindi mo nakuha. Panghinayangan mo yung bagay na kinuha mo pero hindi ka masaya. Nagistay ka pa kahit alam mong masakit kaya bitaw na."

"Alam kong out of concentration ka, dzai! Kaya get rest and think. Isipin mo yung mga bagay na ginawa ni Felix sayo, 'wag ka kasing one sided point. Mahal na mahal kana nga yata noon. Galit lang yon kasi syempre nasaktan siya sa nasabi mo."

"Sige... salamat... ate, Remy!"

"Are you thinking him again?"ngumiti ako at tumango ng marahan.

"Oh... sigurado akong namimiss ka rin noon. Magpapalipas muna ng oras yon para sa sarili niya."

"Nasaan si Chanon?"

"Kasama ng ate niya, namamalengke yata. Sinabi ko naman sa Ate mo na may ginagawa kang importante sa kwarto mo kaya hindi kana niya inakyat at inistorbo. Mahal na mahal ka ng ate mo 'no?"

"Syempre... mga bata palang kami ni Chanon ay siya na nagalaga sa amin. We have a wide age gap. Kaya more on practical magisip si ate. Mga essential needs mga iniisip."

"Ah, nagfamily planning muna? Grabe, eh no? Mabuti pa kayo good as one and whole family."

Biglang lumungkot yung mukha ni ate Remy.

"Ako kasi.. maagang naulila sa magulang kaya tiyahin ko ang nagpalaki at nagalaga sa akin. Alam mo ba, si Felix ang tumulong sa akin para makapagbayad ng buo sa condo ko ngayon. We used to like each other pero dzai, hindi nagwork out kasi ayaw ko pa. Magbestfriend kami... pangit tignan."

"Ganon po ba..."

"Hoy! Nawawalan ka ba ng ganang makipagusap sa akin?" niyugyog niya ako.

Ah wait lang... si ate Celine tumatawag.

Scene 13{Conversation of two siblings through call}

"Oh? Ate... nasa bahay ako at nagluluto, bakit?"

"Gabi na kami makakauwi ni Chanon..."

"Okay... ate... dito na rin kayo kumain mamaya."

Pinatayan ko na siya ng tawag.

---------

3rd POV

Nagkamot ng bunbunan si Felix at hindi mapakali sa paghiga. Tanging ginagawa niya ay babalik sa dating pwesto tapos babalikwas.

"I'm not comfortable in this room."

Nagkamot ng ulo ang binata at sumilip sa kwarto ng kanyang tita. Agad niyang hinanap ang susi ng kanyang kotse. Sa swerte nito'y nakalabas naman siya sa bahay ng kanyang Tita sa Batangas.

"I go home. I'm not going back here. This is not my place, feels like that I missing one thing."

Ngumiti ng malawak si Felix at pinaandar ang kotse nito at nagmaneho pabalik ng condo nila Chakri ngunit nagstop over siya sa isang convenience store malapit sa bahay nila Chakri.

The Beginning of After(Ang simula ng pagkatapos)Where stories live. Discover now