“Uy, nandito ka na pala!” si Louisa, may kung ano pa siyang ipinahid sa mukha niya. “Ang aga mo, ah! Wala kang pasok?”

“Wala.”

“Nagtatanong lang ako, 'wag kang nagagalit!”

Hindi ko na siya pinansin. Tinapos ko na ang paglilinis sa mga inidoro at naghugas ng mga kamay. Nagdaan ang ilang mga oras, nagdagsaan ang mga tao. Balik ulit ako sa pagse-serve ng mga pagkain.

“Can I have another soup?” old woman said.

“Ikukuha ko po kayo.”

“Okay, I will wait!”

Bumalik ako sa counter para kumuha ulit ng isa pang soup at binigay sa kaniya.

“Thank you!”

Tumango na lang ako sa kaniya at nagpatuloy ulit sa ginagawa. Nang mapatingin ako sa wall clock, humigit alas dos na pala.

“Oh, tapos na shift mo,” wika ni Louisa. “Mag-oover time ka?”

“Hindi, tapusin ko lang ito saglit.”

Sinerve ko ang mga na-iready ng pagkain. Matapos no'n, nagpalit na ulit ako ng damit. Nagpaalam na rin ako kay Manang Chara bago umalis. 

Nasa Plaza ako nang biglang sumagi sa isip ko si Anjoe kaya agad-agad akong naghanap ng masasakyan para pumaroon.  

Nang makarating sa ospital, dumiretso ako sa kwarto ni Anjoe ngunit napahinto ako sa tapat ng pinto para ayusin muna ang bangs kong magulo at ang mukha kong naglalagkit. 

Nakakahiya naman kung haharap ako sa kaniya na mukhang dugyot, 'di ba? Ang linis-linis ni Anjoe, baka sabihin niyang kaybabae kong tao, hindi ako marunong mag-ayos. 

May isang nurse ang nagtatakang tumingin sa akin dahil siguro nakanguso ako sa harap ng cellphone habang nagpapahid ng lipblam at pulbos. Hindi ko siya pinansin, tinago ko na ang mga hawak ko sa bulsa ng bag at kumatok sa pintuan. Ako na rin mismo ang nagbukas. 

Sumalubong ang nanunuyang tingin ni Asher. “Ano pakiramdam ng masuspende? Masaya ba?” 

Inismiran ko siya. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto. Naabutan kong kumakain si Anjoe.

“Hi!”

“Hi,” bati kong pabalik. “Kumusta?” 

“You broke your promise,” he uttered. “I'm a bit disappointed to you.”

“I'm sorry,” bahagya akong napayuko. “Gusto ko lang ipaghiganti ka sa hinayupak kong kaklase. Hindi ko naman alam na magsusumbong pala ang duwag na 'yon kay Mrs. Nalandress.”

“Pero mali 'yon, you put yourself in danger. Plus, inaway mo pa ang school principal. Tell your reason kung bakit mo inambahan si Mrs. Alegre?”

“Sabi ni Arion kagabi, may nasabing masama ang principal n'yo kaya lalong nagalit si Rosane,” siya namang singit ni Asher. “Sinong hindi magagalit? Pagsabihan ka ba namang baliw at may sira sa utak sa harap ng maraming tao!” 

“Did she really said that?” halata ang gulat sa mukha ni Anjoe. “She's so...”

“'Wag mo nang intindihin 'yon, Anjoe.”

“May anger management pala 'tong kapatid natin,” asar na sabi ni Asher. “Kanino ka ba nagmana? Ang tigas kasi ng bungo mo!”

“May malambot bang bungo?” Inirapan ko siya. Kumuha ako ng mansanas sa basket at kinagatan iyon. “Kailan ka madi-discharge?” 

Kinuha ni Asher ang pinagkainan ni Anjoe at nilagay ito sa sink.

“Thursday pa,” sagot ni Anjoe. “I guess, next week pa talaga ako makakapasok sa school.”

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon