Pagkarating sa school, dumaan ako kay Mrs. Delman. Nagtanong ako kung anong balita sa issue ni Anjoe. May pinakita siyang picture galing sa CCTV footage, nagulat ako nang makita kong si Ashio ang nandoon sa rooftop. 

Punyeta ka talaga, Ashio! Sakit ka ng ulo sa lahat! 

Nagmadali akong lumabas ng office ni Mrs. Delman at halos patakbo nang umakyat sa fourth floor. Mula sa bintana, sumilip ako, nakita kong may teacher na sa loob at nagsisimula na ang klase. 

Ang malas ko naman! Si Mr. Tengco pa ang first subject ngayon! Bengga na naman ako nito! 

Napabuntong hininga ako at saka kinalma ang sarili. Mamaya ko na lang kakausapin ang hinayupak na iyon! 

Binuksan ko ang pinto at saka pumasok. Napunta ang mga tingin nilang lahat sa akin.

“I'm sorry, I'm late,” usal ko.

“Why are you late, Miss Beindz?” dumagundong ang malalim niyang boses sa apat na sulok ng silid.

“Traffic po.”

“What? Traffic?!”

“Opo, tapos na-flat-an pa po ng gulong 'yung sinasakyan kong tricycle—”

“Whatever, Miss Beindz! Go to your seat, now!”

Napakamot ako ng ulo at saka napapahiyang tumungo sa upuan ko. Pansin kong hindi pa inaalis sa akin ni Mr. Tengco ang paningin niya. Nag-angat ako ng ulo at saka tumingin sa kaniya. 

“Miss Beindz, where's your special project for my subject? Wala ka bang balak habulin ang grades mo?”

Napatayo ako. “Mr. Tengco, nagpasa po ako last week. Nilagay ko po sa table niyo…”

“I didn't see anything on my table, Miss Beindz!”

“Nagpasa na po ako, nilagay ko po sa table niyo. May mga teachers pa pong nakakita sa akin.”

“Are you sure, Miss Beindz?”

Tumango ako. “Nagpasa po talaga ako, Mr. Tengco.”

“Okay, I will check it later.”

“Sige po.” 

“You may sit.”

Sumunod naman ako sa sinabi niya. Nagpatuloy siya sa pagdi-discuss niya. Kinuha ko ang libro sa bag ko at nagsimulang hanapin ang tinuturo niya. 

Tahimik lang kaming nakikinig sa kaniya hanggang sa may kumatok sa pintuan. Napatingin ang ilan doon. Tinuon ko naman ang atensyon ko sa libro. 

Ano ba naman 'to? Hindi ko maintindihan!

“Good morning, Mr. Tengco,” bati nung kung sino mang dumating. “Can I excuse Miss Beindz, for a while?”

Napakunot ang noo. Kinalabit ako ni Jahm at may nginuso siya. Sinundan ko ng tingin iyon. 

“For what reason, Mr. Villahermosa?” dinig kong tanong ni Mr. Tengco. 

Nakita kong ngumiti si Syrone. “I have something to tell her, Mr. Tengco. It was all about in school project this coming month of October.”

“Okay,” sa akin napunta ang tingin ni Mr. Tengco. “I'm giving you 10 minutes, Miss Beindz.”

I sighed. 

Tumango ako sa kaniya, nagmadaling akong lumabas ng silid at hinarap si Syrone. 

“Anong meron?” bungad kong tanong. 

He smiled. “We will have a meeting later at the gymnasium with the classroom presidents.”

“Anong oras?”

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now