Mam, nandito po kanina si sir Wilson. Tinanong kung nasan po kayo.






I texted her back.


Me: anong sinabi mo?




After a few seconds ay nagreply na agad siya.




From: Calli


Sabi ko po nasa business trip kayo. Wala na po akong maisip na excuse eh. Hehehehe. 😂😂





Me: good. Salamat. Matulog ka na
Gabi na.



Calli: sige po. Goodnight.




"Who was that? At parang ngiting ngiti ka." Tanong ni Alex.




"Si Calli." I answered then i turned off my phone.





"You seem so attached to Calli."





"Siguro dahil mabait siyang bata at madali siyang pakisamahan." I told him.






"I agree with you. Kahit hindi ko pa siya nakakasama ng matagal or nakakakwentuhan, alam ko na mabait siyang bata." That's what i'm saying. Yung hindi mo pa siya nakakasama ng matagal pero, hindi mo maexplain.






"Like, being reunited with someone."
I continued.






"Like... Isabella?" I looked at him nung banggitin niya ang pangalan na yun.





"Yes. Like Isabella." I don't know why pero nag aagree kami ni Alex unlike before na pinagaawayan namin siya.






"Baka masyado mo lang namimiss si Isabella that's why you see her in Calli." Baka nga.



"But you know what, i can see you in Calli. Pareho kayong simple and smart." That's the thing. I can also see myself in Calli. Nung bata pa ako.





"Sometimes, i would look at Isabella's pictures at mapapaisip kung ano kayang itsura niya ngayon? Mas kamukha mo kaya siya? Or maganda like me? Hahaha."





"I'm sure she'll be as pretty as her mom."





"Bolero. Nagbibiro lang naman ako sa part na yun. Hahaha."



"Well, atleast nandyan si Calli to give you company. Nakakatawa ka na nga eh. Nakakapagbiro pa." He said while laughing.




"Yeah. Simula nung dumating yung batang yun, ang saya na umuwi sa bahay. May kakwentuhan ako, kakulitan. You should meet her." I said.





"Sure. Pagbalik natin sa Manila. So that means i can visit at your house?" Sabi niya tapos ay tumawa.




"Pwede naman po sa office diba? Para paraan ka ah." Pagbibiro ko.





"Okay ms. Amara. Sa office nalang po. Hahahaha."
We laughed as we walked into the pool area. Wala nang tao at ang ganda ng effect nung water na tinatamaan ng ilaw. May water refractions.





Umupo kami sa bench malapit sa pool and i just stared at the water.




"May i ask, bakit parang asar na asar ka sa akin kanina?" Tanong ni Alex habang nakatingin din sa pool.





"Ewan ko. Kilala mo naman na ako. Mabilis magsungit." I laughed as i said that.






"Yahhh. I know. Mabilis magsungit, mabilis pa uminit ang ulo." Hinampas ko siya ng mahina sa braso.




We both laughed at what i did. "Alam mo naman pala eh. Tinatanong mo pa." I told him.






"But seriously, ngayon nalang kita ulit nakikitang ngumingiti ng ganyan." Sabi niya while looking at me. Awkwardness.





"Kaya sulit sulitin mo na habang good mood ako. Baka masungitan na naman kita bukas." Sabi ko.





I wanna sit by the pool kaya tumayo ako at tinanggal ang tsinelas ko tsaka inilubog ang paa ko sa tubig at umupo. Gumaya naman si Alex at tumabi sa akin.






Pinaglaruan ko yung tubig at naririnig kong tumatawa ng mahina si Alexander. Ano na naman?





"Why are you laughing?" I asked him.




"Nothing. May naalala lang ako." He answered.





"Ano yun?"





"You remember nung aalis ako nun for a business meeting nung hindi pa tayo? I told you na magmeet tayo sa park bago ako pumunta ng ibang bansa. Then pagdating ko dun, nakita kitang pinaglalaruan yung tubig sa fountain. Kaya paglapit ko sayo, basa yung damit mo." Ohhh. I remember that.






"Ahhh. So tinititigan mo na pala ako noon bago pa naging tayo?" Sabay wisik ko sa kanya ng tubig. Hinarang naman niya yung kamay niya sa mukha niya.






"Hey, hey. It's not my fault na ang aga mo dun kaya pagdating ko, nakita na kita agad." Pangangatwiran niya.







"Pero hindi mo ako agad nilapitan."






"And i would just like to tell you na dun ko nalaman na ikaw na talaga." Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya at natatawa.







"Kacornyhan mo Alexander ah." Sabay kumuha ako ng handful of water at hinagis sa kanya. Hahahaha. Basang basa na damit niya. So he also splashed water on me.







"Tama na. Hahahahaha. Wala akong dalang towel." I told him.






"Sino ba nagsimula?" Tapos ay winisikan niya ako ulit ng tubig.







"Bumalik na tayo sa taas. Basang basa na ako oh. Ang daya mo eh. Mas malaki kamay mo kaya andaming tubig na tumatalsik sa akin." Tumayo na siya and inalis ko na sa tubig yung paa ko at sinuot ang tsinelas ko. Pagtayo ko ay dumulas sa tubig sa tiles yung suot kong tsinelas kaya bumagsak ako kay Alexander.






WHAT.JUST.HAPPENED?






I froze nang marealize kong nakayakap pala ako kay Alex dahil sinalo niya ako sa pagkakadulas ko. Walang kumikibo sa aming dalawa.





Dumiretso ako ng tayo at umiwas ng tingin. Why do things like this keep happening kapag tapos na kaming mag usap? Like nung sa office, na kinalimutan ko na.





"Ehem. We should probably go back." Sabi niya kaya nauna na akong lumakad at parang gusto kong tumalon mula dito papunta sa balcony ng kwarto namin. That was so embarassing!





~~~~~~~~~~~~~~~




"Goodnight. See you tomorrow." He said. Hindi ko pa rin siya tinitignan.




"Goodnight." Sabi ko at pilit na binubuksan yung pinto gamit yung card. Bakit ba ayaw bumukas? Lumapit naman si Alexander at kinuha yung hawak kong card.






"Baliktad kasi." He said tapos ay binuksan niya yung pinto ng room namin ni Ria.






I just laughed awkwardly and pumasok na ako sa loob at mabilisang sinara yung pinto. Sumandal ako while thinking about what happened.




Amaraaaaaaa. Na naman?





~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa Bawat ArawUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum