Chapter 3

927 21 3
                                    

CHAPTER 3

Kinabukasan,  wala si Sir Travis ng magising ako. Ang sabi sa’kin ni Ate Melissa, umalis raw ito para mag trabaho.  Buong araw, kami lang ni Ate Melissa ang nasa bahay. Nanghiram rin ako sa kaniya ng selpon upang balitaan si Lola na ayos lang ulit ako nang hindi siya mag-alala. Tumulong rin ako sa mga gawaing bahay.

“Ay, jusko!” Napaurong ako ng tumunog ang isang bagay. Malaki ito at may butas sa tiyan. Pinagmasdan ko ang pag ikot ng mga damit sa loob. Tinawanan ako ni Ate Melissa na nasa likuran ko.

Gumapang akong ulit palapit sa salamin kung sa’n mo makikita ang mga damit.

“Automatic washing machine ang tawag diyan, Ava.”

“Automatic washing machine.” Ulit ko.

Hinimay ko sa isipan kung pa’no ito gumagana. Walang ganito sa bahay namin. Napakaraming gamit rito na bago lang sa paningin ko. Buti nalang at narito si Ate Melissa. Mangha kong pinanuod ang pag ikot ng mga damit sa loob. Gayun rin ang tubig na nakahalo.

“Oo. Halika at tuturuan kitang gumamit.” Inabot niya ang kamay niya para tulungan akong makatayo. “May ibat-ibang pindutan rito, depende kung anong klaseng tela o damit ang dapat mong labhan.” Ipinakita niya sa’kin ang mga nakasulat sa bawat pindutanng parisukat. “Kung pambatang damit, ito ang pipindutin mo.”

Kumikinang ang mga mata ko habang pinakikinggan siya. May iilan pa siyang tinuro sa akin at pilit ko itong pinasok sa memorya ko.

“Ilalagay mo lang ang mga maruruming damit rito, siya na ang bahalang mag lagay ng tubig at mag patuyo ng damit oras na pindutin mo ito.” Itinuro niya sa akin ang dapat pindutin para roon. “Dito ka naman maglalagay ng powder at dito ang fabric conditioner.”

“Sige po.” Tanging nasabi ko nalang.

“Ava, kailangan mong matutunan ang mga kagamitan rito sa bahay ni Sir. Ikaw ang maiiwan dito kasama niya.” Nakagat ko ang aking labi sa sinabi niya.

“Sisikapin ko pong matutunan ito.” Ngumiti siya sa akin at tinapik ang  braso ko.

“Huwag kang mag-alala, hangga’t nandito pa ako, ituturo ko sa’yo ang mga dapat mong malaman!”

Para ito kay Lola. Oras na mahanap ko na ang pakay ko, makakauwi na ako sa kanya. Dapat ko na itong mahanap sa mabilis na panahon. Pero hangga’t wala ako no’ng card na sinasabi ni Sir Travis, hindi ko maiikot itong Hacienda.

Gabi ng mag luto si Ate Melissa. Hindi ko na muna siya tinulungan dahil ito ang gusto niya. Panoorin ko muna raw ang ginagawa niya at kung pa’no ba gamitin ang mga bagay sa modernong kusina ni Sir.

Minsan, napapakamot ako sa aking ulo. Minsan naman, napapatakbo ako sa likuran ni Ate dahil nabibigla ako sa pag gana ng mga banyagang gamit sa’kin.

“Aray ko po!” Inagaw ko ang aking kamay at tinignan ito. Namumula na.

“Ayan, napaso ka tuloy!” Lumapit sa’kin si Ate upang suriin ang palad ko. “Halika, lalagyan ko ng ointment ‘yan.” Napailing siya.

Inanyayahan niya muna akong maupo. Stool raw ang tawag rito. Hinintay ko siya hanggang sa makabalik sa’kin.

“Bakit mo naman kasi nilagay ang kamay mo do’n sa electric stove? Mainit ‘yon dahil kakapatay ko lang eh.” Nilalagyan niya ang palad ko ng gamot.

Napanguso ako. “Wala naman pong apoy. Nagtataka lang ako pa’no naluto ang pagkain. Parang magic!” Inosente kong sagot. Nabuntong-hininga siya.

The Taste of Potion ✔️Место, где живут истории. Откройте их для себя