Chapter 11

711 20 2
                                    

CHAPTER 11

“Sa’n tayo pupunta?” Binuksan ni Tyrell ang sasakyan saka ako inakay papasok sa loob. 

“Sa unang gate.” Sagot niya bago sindihan ang sasakyan.

“Hindi ako pwede doon.” Agad nag panik ang kalooban ko. Tinawanan lang ako ni Tyrell.

“Huwag kang mag-alala.” Meron siyang kinuhang case sa likurang upuan. Nanlaki ang mata ko ng iabot niya sa’kin ang isang gold card. “Pwede ka na.”

“Pero--.” Hindi ako makapaniwala. Tinignan ko pa ng matagal at dinama ang gold na linya sa paligid ng card. “Pa’nong--.”

“Ako pa.” Proud siyang kumindat sa akin. “Wala si Lolo kaya nakalusot ako.” Anito.

Parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya at hindi ito bawal.

“Anong mangyayari kung malaman niya ang ginawa mo?” 

“Edi bye Hacienda.” Natatawa nitong sagot. Mukhang hindi naman siya apektado o kaya ay natatakot.

“Bakit mo pala ako isasama sa unang gate?” Pilit kong tinago ang saya sa boses ko. 

Hindi ko inakala na malilibot ko rin ang ibang bahagi ng Hacienda Del-cojuanco. Luminga ako sa tinatahak naming daan. Nasa Huling gate parin kami, kung saan nakatayo ang mga mansion ng Del-cojuanco.

“Miss ka na raw ni Boyfie mo eh.”

“Boyfie?” Kunot-nuo kong tanong sa kaniya.

Mahina lang siyang tumawa. Hindi ko talaga makuha ang mga biro ni Tyrell. Pero alam ko naman na mabait siya katulad ni Travis. Ang pinagka-iba nila, may pagkaseryoso si Travis. Siya naman ay mapagbiro.

“Boyfie. Boyfriend. Nobyo. Bebe loves. Honey bunch. Babyboo.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Wala naman akong Nobyo.”

Kailan pa ako nagkaro’n ng hindi ko man lang nalalaman?

“We?” Anito “Di kayo mag-jowa ni Travis?”

“Jowa.” Ulit ko. “Ang jowa ba ay Nobyo?”

“Oh! Tignan mo na. Edi umamin ka rin.”

“Ha?” Tumaas ang sulok ng aking labi at kumunot ang  noo ko. 

“Sus, ngayon idedeny tapos sa susunod na araw, aamin din. Pa-showbiz pa.” 

Huminga ako ng malalim at sinandal ang likod sa upuan. “Hindi talaga kita maintindihan.”

Binaling ko nalang ang tingin ko sa daan. Ilang minuto na kaming bumabyahe pero narito parin kami sa ika-apat na gate. Napaka-lawak nga talaga ng lugar na’to.

Possible bang makita ko pa ang bulaklak na ‘yon?

“So pa’no ba nagsimula ang love story niyo ng pinsan ko?” Hindi pa pala kami tapos mag-usap.

“Nagkita kami sa pader ng Hacienda. Doon sa dulo.” 

“Di nga? Lagi naman akong dumadaan doon pero hindi ako nakahanap ng jowa ah.”

“Hindi ko naman Nobyo si Sir.” 

“Hindi pa.” Pagtatama niya. “Pero magkaka-inlaban rin kayo. Mare-realized niyo na mahal niyo na pala ang isat-isa at magka-kaaminan ng feelings. Tapos magsasama habang-buhay. Naks!"

Bakit ba ang kulit ni Tyrell?

“Hindi niya ako nililigawan at wala ring namamagitan sa aming dalawa. Kasambahay niya lang talaga ako.”

The Taste of Potion ✔️Where stories live. Discover now