Chapter 13

672 13 7
                                    

CHAPTER 13

Hindi nga nagbibiro si Czarina no’ng sinabi niyang gusto niya akong maging kaibigan. Kada umaga, bumibisita siya rito. Mas late nga lang ng kaunti kaysa nang unang beses niyang punta. Ayaw ko nalang isipin na baka iniiwasan niya si Travis. Hindi na rin kasi siya naabutan ni Travis. 

Mayro’n rin siyang dalang pagkain sa tuwing darating rito. Minsan ulam. Madalas ay dessert. Lahat ng ‘yon ay first time niya lang niluto. Nag-aaral palang kasi siya. Dati kasi ay hindi naman talaga ito namamalagi sa kusina. Sinubukan niya nalang ng siya na ang mag-manage ng coffee shop.

“Try mo itong chocolate cake with leche flan.” Hindi pa nga ako tapos sa ube waffles na pinatikim niya sa’kin, nilagay niya na sa harapan ko ang bago. Gusto niya ba akong magkaro’n ng diabetes? Buti nalang at masarap ang mga dinadala niyang pagkain. “Ano? Masarap ba?” Kagat niya ang kaniyang kuko. Kabado sa sagot ko.

“Masarap, pero sobra sa tamis.” Puno na ang bibig ko ng pagkain. Inabot niya sa akin ang baso ng tubig. Halos mabulunan na ako.

“Hinay-hinay lang.”

“Pa’no naman ako maghihinay-hinay? Bigay ka kaya ng bigay.” Natawa siya ng malakas sa sagot ko. 

“Sorry, na-excite lang!” Sumalumbaba siya at tumikim rin nang chocolate cake. “Sobra nga sa tamis.” 

Napangiti nalang ako. Halos dalawang linggo nang ganito ang set-up namin. No’ng una mabigat pa ang loob ko sa kaniya. May halong pagdududa. Iniisip ko na si Travis naman talaga ang pakay niya at hindi ako. Pero nararamdaman ko na ngayon ang senseridad sa kaniya. Hindi naman rin siya nagtatanong tungkol kay Travis o kung ano mang meron kami.

“Dapat maperfect ko ‘yan para mabenta ko sa shop.”

“Ayos naman ba ‘yong huli mong pinatikim sa akin? ‘yong caramel waffle with chilli-avocado Ice cream?” Hindi ako mahilig sa maanghang pero tinikman ko parin. 

“Ayaw ni Tita eh.” Ang tinutukoy niya ay ang Mommy nina Sir Travis at Dylan. “Ah,” Nag-isip siya. “Wala naman ‘yong gusto sa mga suggestion ko.” Tumingin siya sa akin. “Iniisip ko tuloy kung napipilitan ka lang sabihing masarap ang gawa ko tapos hindi naman.”

Ngumuso ako. “Hindi naman ako marunong mag sinungaling.”

“Sabi ko na nga ba, si Tita ang sinungaling. Biro lang!" Bawi niya agad. "Wala naman akong nagawang tama para sa kanilang lahat." Bulong niya.

Nag paalam rin siya pagkatapos. Naging ganito ang takbo ng buhay ko rito. Sa gabi sabay kaming kumain ni Travis. Habang wala siya, naglilinis ako ng bahay. Nilalakad ko rin sina Boomer pag-alis ni Cza.

Umiikot rin ako minsan para hanapin ang bulaklak ngunit hanggang ngayon, hindi ko parin ito nakikita. Binigyan rin ako ng cellphone ni Travis. Tinatawagan niya ako minsan at kina-kamusta.

"Ava, busy ka ba?" Si Callista ang nasa kabilang linya.

"Paano naman ako magiging abala, wala ho akong trabaho." Meron naman pero hindi gano'n kabigat. Ako lang naman mag-isa sa mansion. Hindi naman gano'n kadami ang kailangan linisin.

"Can you accompany me to the grocery? Kain narin tayo after that. Sa second gate lang naman. Ipapasundo kita kay T!"

"Sige. Ikaw ang bahala."

Hindi lang si Travis at ate Melissa ang naka-kasalamuha ko ngayon, pati narin si Callista at Czarina. Bakit kaya hindi nalang din sila maging magkaibigan?

"Goodevening." May dala pang Attache case si Travis ng dumating.

"Gutom ka na ba?" Ngumiti siya at tumango.

The Taste of Potion ✔️Where stories live. Discover now