Chapter 5

821 15 8
                                    

Chapter 5

Unang araw ko bilang kasambahay ni Sir Travis, maaga akong gumising para makapagluto ng agahan. May agam-agam pa ako kung makakapag-luto ba ako ng pagkain o masusunog ko ang buong kusina.

Mabuti nalang at nakinig akong maigi kay Ate Melissa. Kahit paminsan nag papanik ako, sinikap ko paring gawin ang pagluluto sa tulong ng papel na hawak ko. Nandito kasi ang mga mahahalagang bilin sa akin ni Ate.

Masaya kong pinunasan ang mesa at inilapag ang mga pagkain dito. Suot ko ngayon ang puti kong bistida. Ito rin ang suot ko nang una kaming mag kita ni Sir Travis sa mataas na bakod ng Hacienda Del-cojuanco. Inipit ko ang buhok ko gamit ang panyo para hindi humarang sa aking ginagawa.

“Magang Umaga Sir!” Matamis kong bati sa kanya.

Kasalukuyan niyang inaayos ang kaniyang kurbata habang mayro’ng tinitipa ang isang kamay sa cellphone. Hindi ako nag atubili na lumapit sa kanya. Gulat siyang napatingin sa akin ng tulungan ko siyang mag-ayos ng kurbata.

“Ako na po rito.” Masuyo kong sabi bago itinuloy ang pagtutupi ng kurbata.

Tumikhim siya bago nag salita. “Salamat, Ava.”

“Walang anuman po!” Saglit niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Pati tuloy ako ay napatingin sa suot kong damit.

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya kaya agad na akong nag salita. “Ito po ‘yong suot ko no’ng una tayong nag kita!”

Napatango siya. “You look good in your dress.”

Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. “Salamat.” Pabulong kong sagot. 

Sunod na napunta ang atensyon niya sa mga nakahaing pagkain sa hapag.

“Ikaw ang nag luto ng mga ‘yan?” May bahid ng pagkamangha sa boses niya.

“Opo!” Pagmamalaki ko. “Tikman niyo po ang mga niluto ko. Masarap ‘yan.” Taas-noo kong sagot.

Umupo siya at sinimulang tumuhog ng hotdog at itlog sa plato.

“Masarap ba talaga ‘to?” Sumulyap siya sa akin. Naupo na rin ako sa katapat niyang upuan. Tumango ako habang nakangiti. “Paano mo naman nasabi?” May tinatagong ngiti sa gilid ng labi niya.

“Kasi nga po luto ko ‘yan!” Masigla akong sumandok ng kanin at ulam.

Tinawanan niya ako. “Pinirito lang ang lahat ng ito diba?” Mangha niyang tanong. “May pag kakaiba ba kung ikaw ang nag luto?” 

“Niluto ko ‘yan ng may halong pagmamahal.” Pumikit ako at niyakap ang sarili.

Narinig ko ang mahina niyang pag tawa. Nakatitig na siya sa akin ng idilat ko ang mga mata. Bigla rin tuloy akong napatitig sa mukha niya.

“Ay oo nga pala!” Bigla akong napatalon sa kinauupuan ko. “’yon palang kape ninyo. Nakalimutan kong mag timpla!” Dali-dali akong nanakbo sa kusina.

Nawala sa isip ko ang habilin sa akin ni Ate. Huwag ko raw kakalimutan na ipagtimpla ng kape si Sir T.

“Thank you.” Tumingala siya sa akin at ngumiti ng ilapag ko ang tasa ng kape.

“Always welcome Sir!” Bibo kong sagot bago bumalik sa pwesto ko.

Naging tahimik na kami habang kumakain. Mayro’n na rin kasing kausap si Sir sa selpon. Mukhang tungkol sa negosyo  kaya nanahimik na rin ako at itinuloy nalang ang pagkain.

“Yes Marcus. Kindly send it to Dylan... No.” Bahagyang tumaas ang boses niya na ikinaangat ko ng tingin.

Kunot na ang noo niya. Nang mahuli  niya akong pinapanood siya, naging malambot ang ekspresyon niya. Humugot siya ng malalim na pag hinga.

The Taste of Potion ✔️Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin