Chapter 10

730 19 4
                                    

Chapter 10

“Aym payn. Tenkyu.”

“Wag po kayong masyadong magpapagod diyan, La.”

“KK ko na ito. ‘wag ka ng mag-alala sa’kin.”

“Ano po ‘yong KK?”

“KK. Kering-keri.” Narinig ko ang pag-tsk ni Lola sa kabilang linya. “Ikaw, mag-iingat ka riyan. Babalitaan mo ako ng kundisyon mo.” 

Napatingin sa’kin si Travis ng marinig ang pag-singhot ko. Nagbabadya nanaman kasi ang pag-iyak ko. Miss na miss ko na si Lola pero hindi gano’n kadaling pumasok at lumabas sa lugar na ito. Isang pagkakataon lang ang meron ako kaya kailangan kong lakasan ang loob ko.

“Opo, La.”

“Lavender huwag kang umiyak, riyan.” Banta ni Lola. 

Mahina akong natawa at nagpunas ng butil ng luha.“Opo.” 

Simula bata ako, tinuruan na ako ni Lola na maging matapang na sumuong sa kahit anumang ibato ng buhay. Pero kahit anong turo niya na maging malakas ako, hindi ko parin maiwasang manghina kapag siya ang pinag-uusapan.

“Huwag kang pastress at laging uminom ng gatas.” Narinig ko ang iilang
boses sa kabilang linya. “May costumer ako Apo. KTK nalang.”

“KTK?”

“Kitakits!” Sagot niya. Napakamot ako sa ulo ko. “Hindi ko alam pa’no natin natagalan ang isat-isa eh hindi naman tayo nagka-kaintindihan.” Napanguso ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. “Oh, huwag mo akong ngusuan, Lavender.” Kahit wala ako sa harapan niya, kilalang-kilala niya ako at ang reaksiyon ko. “Osiya. Mahal na mahal kita Apo. BRB.”

Wala na akong nagawa kundi magpaalam nalang. Alam kong abala si Lola sa ganitong buwan. Buwan kasi ng mga puso kaya maraming costumer ang dumarating. Malapit narin pala ang kaarawan ko! Pinanganak kasi ako sakto sa araw ng mga puso.

“Thank you po Sir.” Ibinalik ko kay Travis  ang selpon niya. 

Sabay kaming nag-umagahan. Hiniram ko saglit itong selpon niya habang kumakain siya para naman ma-kamusta ko si Lola. Miss na miss ko na kasi siya. Hindi ko pa nahahanap ang bulaklak na kailangan niya at mas lalong hindi ko alam kung ga’no pa katagal ang pamamalagi ko rito sa Hacienda.

“Okay na?” 

Tumango ako at ngumiti. Saglit akong tumitig sa pagkain sa pinggan ko. Pinag-titimbang ko ang mga bagay. Kailangan ko bang itanong sa kaniya kung binuhat niya ako papasok sa kwarto ko?

Nakatulog kasi ako kagabi habang nanunuod kami ng Palabas sa Netflix. Nagising ako kaninang madaling araw, nasa kwarto ko na ako at nakakumot pa. 

“Are you ok, Ava? Tulala ka.” Puna niya sa akin. Ga’no ba ako katagal tulala? At ga’no na siya katagal nakatingin sa akin? “May problema ba?”

Dapat ko pa bang tanungin ang bagay na halata naman? Kagat-labi akong nag-angat ng tingin at bumaling sa kaniya. Pinagmamasdan niya ako, naghihintay ng sagot.

“Pasensiya na kung nakatulog ako kagabi.” Kumalma ang nagpapanik kong kalooban ng ngumiti siya sa akin.

“It’s okay. I understand. Marami tayong ginawa kahapon. Nakakapagod naman talagang maghanap no’ng bulaklak na kailangan mo. Mahimbing ba ang tulog mo?”

“M-mahimbing naman.”

“Good to know.” Aniya bago tinuloy ang pagkain. 

Bakit kailangan niya pang itanong sa akin kung naging mahimbing ang tulog ko? Nag-aalala ba siya para sa akin? Umiling ako at isinantabi ang naisip ko.

The Taste of Potion ✔️Where stories live. Discover now