Chapter 18

654 16 1
                                    

CHAPTER 18

“You can stay here for tonight.” Alok ni Tita Vazhly, and mommy ni Travis. “And give me grandchild.” Tuloy nito.

Mabilis na uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Ang mabigyan ng anak si Travis? Naiisip ko palang natutuwa na ako. Wala namang masama kung gusto na nila ng Apo. Kung aalukin rin naman ako ni Travis, hindi naman ako tatanggi.

“Mom, Ava is just twenty. She wants to take college and pursue her dream.” Tumingin sa akin si Travis na nasa tabi ko. Marahan niyang pinisil ang kamay ko at binigyan ako ng malambing na halik, para mapanatag ang loob.

“Edi before choosing her course, bumuo na kayo.” Ang mommy ni Travis, mukhang desidido talagang mag ka-apo.

Sumimsim siya sa hawak na wine at tahimik akong sinuri ulit. Bigla nanamang nanlamig ang kamay ko, buti nalang at hindi ‘yon binibitawan ni T.

“Vaz, don’t pressure Ava. T is right, she’s till young and has a lot of goal to pursue.” Sagot ng Ama niya. Umirap si Miss Vaz sa hangin, hindi matanggap ang di pag kampi ng asawa sa kaniya pero hindi narin naman namilit.

“Fine, after graduating college.” 

Mahinang natawa si Tito Ramon Del-cojuanco, and daddy ni T.

“Don’t mind yourother in law, Ava. Ganiyan lang talaga ‘yan, nakakita lang na nag kaka-apo na ang mga kapatid niya gusto niya rin makigaya.”

“Excuse me?” Madiin pero puno ng himutok na si Tita Vaz. “Are you porpusely saying na gaya gaya ako?”

“No, love.” Agad humalik ang lalaki sa pisngi ng asawa. Kumalma sa Tita dahil dito.

Tahimik pero kinikilig ko silang pinagmasdan. Kung gaano ka-lambing si Tito Ramon sa maganda siyang asawa. Kung paano napapakalma ng lalaki ang taas-noong si Tita Vaz kapag nasisimula na itong mainis. Kahit may pagkakataon na tumataas ang boses ng babae, kalmado parin at natatawa lang si Tito.

Ganito rin kaya kami ni Travis kapag tumanda? Nagsisimula palang kami ni Travis pero nakikita ko na ang sarili namin sa kanilang dalawa. Nakakatuwa.

“I’m very sad because your leaving already.” Ngumuso si Tita Vaz at binigyan ako ng halik sa pisngi sa huling pagkakataon. Binigyan niya ako ng isang yakap at nakangiting bumitaw sa akin. 

Ngayon, naguguluhan na ako kung totoo ba ang pinapakita sa aking ugali ng mga magulang ni Travis. Bakit sa kwento ni Czarina, lagi siyang inaapi ni Tita? Na hindi siya kailanman tinaggap at puro panghuhusga ang binigay sa kaniya?

Kung meron mang mas magugustuhan si Tita sa amin ni Cza, alam kong siya ‘yon. Sa ganda, yaman, at talino, mas higit si Czarina kaysa sa akin. Pero bakit parang mas tanggap pa nila ako?...ang bait nila sa akin. Ni hindi ko naramdamang mababa pala ang antas ko sa buhay.

“Magkikita parin tayo sa Anniversary  nila Lola.” Sagot ni Travis sa Ina.

Naging maayos at disente ang unang beses kong nakasama ang mga magulang ni Travis, malayong-malayo sa inakala ko. Iba sa dinanas ni Cza sa kamay nila Tita Vaz.

“How’s our first dinner with the Family?”

Tanong ni Travis sa akin habang magkatabi kami, tanging kumot lang ang nagtatakip sa hubad naming katawan. Dumaan ang daliri niya braso ko bago bumalik ang tingin sa akin.

“Kinabahan ako. Akala ko talaga masungit sila.”

Sumiksik ako sa leeg niya at niyakap siya ng mahigpit sa bewang. Alam kong hindi ko pagsasawaan ang ganitong mga oras na kasama ko si Travis at mag katabi kami sa iisang kama, habang mag kayakap, pagkatapos pagsaluhan ang kagustuhan ng katawan.

The Taste of Potion ✔️Where stories live. Discover now