"O-opo, Mama." Tugon ko.

"Pakilala mo naman sa amin sila ah." Sabi niya.

"Ma, ang isa sa kaibigan ko ay anak ni Fourth Chairman." Sabi ko.

"Anak ni Fourth Chairman?" Tanong ni Mama.

"Para lang din pala daw si Second Chairman noong teenager palang."

"Okay!" Tugon ni Mama.

"Ah... Mama, Si Ate Regine po?" Tanong ko.

"Nasa mission niya ngayon." Sagot ni Mama.

"Ah... okay! Sige na po at may training pa po kami, Ma." Sabi ko.

"Ingat ka anak at saka huwag mong pabayaan ang sarili mo ah." Paalala ulit ni Mama.

"Opo ma." Tugon ko.

Binaba niya ang Tawag tapos ako'y napaisip about kay Mama na may kasamang ngiti.

Masaya ako na si Mama ay nasa maayos na kalagayan, ito ang unang pangangamusta niya sa akin as a Special Force.  Ngayo'y nasa mission naman si Ate Regine, sana makayanin niya iyong mission niya.

-

ERIKA LANDEZ' POV

Hindi magawa nila Aron, Lala at Rona ang bagong challenge niya kaya pinabukas ko nalang para makapagpahinga sila.

Kakarating ko lang sa Office of the Chairman. May bitbit na documents para sa next mission ng iba pang Special Force.

"Hayzzz!!! Office, mapag-isa nanaman ako."

Binuhay ko ang T.V para may panglibangan ako pero may dumating.

*toktoktok*

"Pasok!!" Sigaw ko at dito pumasok ang isang babae, chinita siya at bilugin ang mukha. Nakasuot na black dress at may bitbit na bagahe.

"Tita Erika."

"Oh... Andito kana pala kaagad." Sabi ko.

Siya pala si Harlem Landez, ang aking pamangkin mula sa Nueva Ecija sa Mainland Luzon.

Nag-besuhan kaming dalawa at nagmano siya sa akin. "Kala ko ba sa makalawa ka pupunta rito??" Tanong ko sa kanya.

"May mission po kasi ako rito ngayon sabi ni Itay, ag natapos daw ang mission ko eh magbabakasyon muna ako rito." Aniya niya.

"Ah... okay!" Tugon ko.

"Si Richane po ba, musta na?" Pangangamusta ni Harlem sa aking Anak.

"Nagpapahinga muna siya dahil kakatapos lang niya ng mission niya noong nakaraan buwan." Sabi ko. "Nga pala Harlem, sa Condo ka muna tumira for a while."

"Dalawang buwan lang naman ako maninirahan rito kaya okay lang naman po." Sabi ni Harlem.

"Si-sige!" Tugon ko. "Kumain kana ba?"

"Ah.. Hi-hindi pa nga po." Sagot ni Harlem.

"Anong gusto mong foods?" Tanong ko.

"Ah... Kahit ano po basta makakain lang po." Ganito ang sagot ng Pamangkin ko. "Nakakahiya kasi pag pagpipiliin pa ako eh."

"Huwag kang mahiya, Harlem. Kapamilya ka pa namin eh kaya okay lang sa akin yun." Sabi ko at sabay nginitian ko siya.

"Si-sige po." Tugon ni Harlem at nilibre ko na siya sa isang Karinderya malapit lang sa Capital Palace.

Nga pala, Scout Agent din si Harlem. Pero sa Mainland Luzon siya naka-assign. Siya ang tanging Landez na nasa Out of the Capital State.

-

The Dream Match [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon