"Kumusta ka naman?" I asked him dahil kakagaling lang niya sa one week vacation niya sa states.

"I'm fine. Ikaw?"

"Ok naman. Bakit ba ang tahimik moooo???" Pangungulit ko.

"I was just wondering kung bakit ka nakajeans and tshirt?" Binaba ko yung utensils ko and tumingin ako sa view at nagpout. Eh eto ang naisip kong suotin eh. Bakit ba?

"Eto naman, nagsungit agad. Nagtatanong lang eh." Pasensya na kayo ah. Mabilis talaga akong magsungit.

"Hmmphh. Eh sa eto ang gusto kong suotin eh."

"It's fine. I was just asking. At least this will be a memorable date." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Actually, it feels a bit awkward dahil nga magkakakilala na kami. Though, hindi kami yung tipo ng magkakaibigan na laging nagkikita pero close kaming apat.

~~~~~~~~~~~~~

Tapos na kaming kumain at nagkukwentuhan nalang kami while looking at the view. Andaming stars tsaka ang liwanag ng buwan.

"Let's go?" Tumayo na ako sa upuan ko at sinabayan siya sa paglakad.

"Hatid na kita sa inyo." He told me nang makalabas na kami.

"Nandyan kasi yung driver namin eh. Pero thanks. Sige. It was a fun first date. See ya." Sumunod naman siya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse namin.


"Ingat." He said bago isara yung pinto.

Bago umandar ang kotse, napalingon ako sa kanya. My O My, why am i smiling?

~~~~~~~~~~~~~~

"So ano? Kamusta ang first date niyo ni pareng Alex?" Ria said over the phone. Ganun kasi tawag niya kay Alex. Pare.


"It was greattt. Actually, i wore jeans and tshirt tapos tinanong niya ako kung bakit yun ang suot ko." Sagot ko habang inaayos yung mga damit na kinalat ko kanina.

"My goodness, girl. Nagjeans and tshirt ka? Sa first date ninyo? Dapat pala bukas na ako pumunta dito sa Hongkong para naayusan kita."

"Komportable naman yung suot ko tsaka ok naman daw kay Alex." I told her.

"Hayyyy. Sa second date niyo, ako na mag-aayos sayo ah. Nakakaloka ka." Alam ko itsura ng mukha ni Ria habang sinasabi niya yun.

"Yahhh. Sure. Sige na babye. " Nag babye na rin siya and i hung up the call.

Bakit ganun? Kanina pa ako nakangiti! Ganito ba talaga pagkatapos ng first date?

End of Flashback

Teka. Why am i even reminiscing that? Erase erase erase. Wala yun. Kalimutan niyo na yun. Eto kasing si Alexander eh. Pinaalala pa kanina.


Forget about that. Baka malate na naman ako ng gising bukas. Sige na, see you later!






Calli's POV

Namiss niyo ba ako? Jokeee. Busy kasi ako sa pagtitinda. Actually, pauwi na ako ngayon. Naglalakad ako sa madilim na kalsada ng village nila Mam. Naging horror? Hahahaha.


Pagdating sa bahay ay pinagbuksan ako ni ate Vera.

"Ikaw talaga. Napakasipag mo. At dahil dyan, nakahanda na ang hapunan!" Nahahawa na sa akin si ate Vera. Hahahahaha.



Sa Bawat ArawWhere stories live. Discover now