06 | Dorm Luna

4.6K 313 11
                                    

Mabilis na nakahinga ng maluwag ang karamihan at kahit si Mika na nasa aking gilid nang mawala ang apoy na nagwawala sa buong arena kung nasaan kami, habang ako'y natitigilan at mabilis na nagawi ang tingin sa paligid, hinahanap kung mayroong napuruhan ngunit wala! Sa ilalim ng kanilang takot na mga mata ay may mga ngiting nakapiskil sa kanilang labi na lubos kong ikinalito.

Hindi ba sila natakot na masunog sa apoy na iyon?

“It's a great honor to be consumed by Prince Nixon's blazing flames!”

Nagawi ang aking tingin nang marinig ang salitang iyon, at hindi lamang iyon ang nagsasabi nang kaparehong kahulugan ngunit sa ibang paraang pagkakasabi! At lahat ay may natutuwang emosyon sa mukha na para bang kanina ay hindi sila mamatay sa takot na masunog mula sa napakainit na apoy na iyon!

But right, his flames earlier weren't hot, it was welcoming with its warm feeling, embracing my skin with the heat it's releasing.

What about if those flames directly touch my skin, right?

Kaya't hindi na ko magtataka kung ganito ang mga pinapakita ng mga nakapaligid sa amin noong oras na iyon.

I still couldn't believe what happened earlier, even though we're out of that place and is now walking towards this vast field since Mika's touring me around this school that I didn't even realize how she pulled me away from that place. However, my mind couldn't focus on my beautiful surroundings as my consciousness was left inside that arena, couldn't get over what happened.

I mean, I've known ever since that Nixon Kaellus Vail is strong, but not this strong to the point that he could make an entire room— a spacious and huge one, covered with his own fire! And knowing what he just did earlier without even feeling fatigued of using too much mana, that what he did was nothing to him!

Like if he could, he will do it over and over again!

“Hey, are you alright?” Feeling nudged by Mika woke me up from my thoughts occupying my head. She laughed at my blank expression, realizing what's running in my head by just seeing my face.

“If you're thinking about what happened earlier, don't worry about it. Mas malala kapag nagsimula ang pasukan kung saan malamang, puro payabangan at pataasan na naman ang aatupagin nila.” My gaze found her when she said it and caught her rolling her eyes.

Right, matagal na syang nandito kahit nasa kabilang building sya ay malamang hindi maiiwasan ang ganon.

“Tell me about it,” I said, after all, I shouldn't face something while being oblivious to it.

Kailangan kong malaman kung ano ang takbo nitong akademiya upang mabilis akong makasunod.

It's really a huge school with high standards, and of course, only those who have privileges can enter inside.

Maswerte ka kung mapipili ka, iyon ay kung nagustuhan ng kataas-taasan ang pinapakita mo o ang kakayahan mo, ngunit kakaunti lamang ang mga sinuswerte sa gan'ong paraan, sabi ni Mika.

“Well, you could see, I just graduated from Junior so I don't really know. But based on kuya, he said that there's a ranking.” Napatango-tango ako sa kanyang sinabi.

Magkakaiba ang building ng Elementary, Junior at Senior at magkakalayo rin sa isa't-isa. At base mula kay Mika, hindi maaaring tumapak ang mga bata sa paaralan ng matatanda.

Sa aking pagkakaalala mula sa sinabi ni Calixus noon ay apat na taon sila rito, ibig sabihin ay kami rin. At sa oras na makagraduate kami, maaari na kaming magtrabaho sa malalaking kompanya o kaya'y depende sa aming gusto.

Karamihan ay kumukuha ng trabaho kung saan sila'y tutulong sa pagpapatakbo at pagpapanatili ang kapayaaan sa aming mundo. Sila'y tinatawag na Citizen. Habang karamihan naman ay sumasali sa Adventurer, na mula sa tawag rito ay iyong mha sumasabak sa adventures, kung saan sila'y ipapadala sa iba't ibang lugar upang makipaglaban, lalo na't hindi iyon maiiwasan dahil malawak ang aming mundo.

Seraphic of the Dawn ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon