Tumango na lang si Gerald. Naalala niya , ito din yung babaeng nakita nila sa may swimming pool nuong minsang nag swimming sila ni Ashley.  

"Well, come one, hinila na nito si Gerald. Walang nagawa si Gerald kung hindi ang pagbigyan na rin si Meera.  

Napatingin si Ashley sa kanila ng makita niya ang mga ito. Hindi alam ni Gerald kung sinadya pa nung Meera na tumabi kina Ashley.

Napatingin si Ashley sa kanila. Nagkatinginan silang dalawa. Napansin ni Ashley na very uncomfortable ang kasintahan. Alam na agad nito na napipilitan lang ang kasayaw lalong lalo na at nakita niya kanina ang pagtingin tingin nito kay Gerald nuong kadarating pa lang nila.

Tinanguan ni Ashley si Gerald at iniba na ang tingin nito. Halatang walang kagana ganang magsayaw si Gerald. Madalas itong nakatingin kina Ashley. Kahit gusto ni Ashley na umiwas ng tingin kina Gerald ay hindi nito magawa.

Bigay todo ang pagsasayaw ni Meera na kahit hindi naman kailangang magkadikit sila habang nagsasayaw ay pilit na idinidikit ang sarili kay Gerald. Nakakaramdam na ng inis si Ashley sa nakikitang masyadong pagdikit ni Meera sa boyfriend kaya ng magpalit ng music ay bumulong ay sinabi kay Matt kung pwedeng umupo na sila. Nakakaramdam na siya ng pagod.

Naramdaman naman agad ni Gerald ang pag iba ng mood ng kasintahan kaya huminto na rin ito ng pagsayaw at aayain na sana niya si Meera para umupo pero lalong kumapit sa kanya ang babae at hindi bumitaw, patuloy pa rin ang paggiling ng katawan nito na nakayakap kay Gerald.

Napahinto sa paglakad si Ashley. Bumalik at tinapik ang babae sa balikat.

"Excuse me, do you mind if I talked to him?" Nakangiting sabi nito kay Meera.

"Matt, please may sasabihin lang ako kay Gerald. Parang sinabi na rin ni Ashley na pwede ba ikaw na muna makipagsayaw sa babaeng ito. Tutal kaibigan mo naman sa halip ay binulungan na lang niya ang binata. "I think it is best iuwi mo na siya, mukhang naparami na ang inom."

Hinila na ni Ashley ang kasintahan palayo sa dance floor.

"Wheeww thank you sweetheart for saving me." Gerald put his arms around Ashley while walking back to their table.

"Pasalamat ka nakita ko na kanina, kadarating pa lang nila, masama na ang tingin niya saiyo." Sagot ni Ashley.

"Nagselos ka din ba kahit kunti sweetheart?" Biro ni Gerald pagkaupo nila.

Ashley made a face at him." Muntik ko na ngang hilahin ang buhok ng makita kong talagang dinidikit niya sarili niya saiyo habang sumasayaw eh hindi dirty dancing ang music." Inis na sagot ni Ashley.

"Sarap naman ng feeling na nagseselos ka din pala." Tukso pa ni Gerald.

"Pasalamat ka dahil umpisa pa lang alam ko na but beware, if I know you are cheating on me, will be out of your life before you even realized it." Pormal na sabi ni Ashley.

"That I can be certain, it will not happen."Confident na sabi ni Gerald at walang sabi sabing dinampian ng halik ang dalaga sa labi.

Nahampas ni Ashley si Gerald sa ginawa. "Ikaw talaga, baka mamaya ma headline tayo dito."

"Meron kayang magkakalakas ng loob na i headline kayo in bad taste ngayong alam na nilang tunay kang anak ni Charlene Santos Concepcion?" Tanong ni Jase na hindi nila namalayang nakatayo na at nakataas ang kilay na pinanonood sila.

"Maybe not tonight." Si Colin ang sumagot.

"Oh well, hindi siguro maiiwasan talaga na lumabas ang katotohanan lalong lalo na at willing naman silang malaman ng lahat. Kung ako lang , ok lang na tayo tayo lang nakakaalam. Kahit anong mangyari, anak pa rin ako ng mommy at daddy ko."

"Do you mind if we go ahead? Jase and I decided to go to Cebu for the week end."Tanong ni Colin.

"You are?" Gulat na tanong ni Ashley. Tumingin ito kay Jase.

"Kanina lang namin napagkasunduan.Hope you don't mind, change of plans sa plano nating mamasyal together? Kasi naman nung nagplano tayo, wala pa sina Gerald at Colin sa picture." Paliwanag ni Jase.

"Of course not! I am so happy for both of you. Sana forever na rin yan ha." Biro ni Ashley.

"Sana, we are both new to this kind of relationship. We are just starting to know each other and like you said, even if just ended as bestfriends, it's still awesome." Dagdag ni Colin.

"Yap, you both are awesome. Good luck my friends, and i love you both very much." Hinalikan ang pisngi ni Jase then si Colin. "I think its a good time to go for us too. Gerald has an early day tomorrow too, don't you?" Nilingon si Gerald na all smiles watching the three friends.

"Ok lang sweetheart, sanay ako sa puyatan, pero kung gusto mo ng umuwi,mas maganda para makapagpahinga ka na rin."

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon