5

47 38 30
                                    

"Ate, m-magic ba 'yan?" tanong ng batang lalaki na hula ko'y nasa sampung taong gulang na.

"Uh, ano... kase..." I was nervously looking for the right words to say without revealing the truth.

Will that even be possible, though?

I felt my palm sweating and my heartbeat gradually raising from the normal level. God, I need to calm down.

Nakuha kong tingnan ang gulat na reaksyon sa mukha ni Axiel na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa nagdidikitang magnets. He has been staring there for God knows how long while the two kids were debating on what sorcery was behind this.

"Hala! Baka may powers si Ate Ganda!" dugtong pa niya.

"Nakikinig ka ba kay Ma'am? Nasa Science natin 'yan, e. Ang engot mo talaga!"

"Anong Science pinagsasabi mo diyan, hindi ka ba naniniwala sa himala ng Diyos?!"

Agad namang napailing ang batang babaeng kabangayan niya. At sa wakas, nakuha na ring magsalita ni Axiel.

"N-nako, si Ate Ganda niyo kasi may tinatagong... k-kayamanan sa tiyan niya. Kaya dumidikit ang mga magnets. Ang galing 'di ba?" pagsisinungaling nito.

"Ah! Baka wala nang kalalagyan ang kayamanan ni Ate Ganda. Kaya naman pala," saad pa niya habang nakaawang ang bibig.

"Alam mo, tumahimik ka nalang Clyde," sabay irap ng batang babae.

I could have laughed at both of them if only I wasn't on the brink of losing shit on myself.

Pasimple kong hinawakan ang mga magnets at dahan-dahan itong tinanggal. Isa-isa ko itong inihulog sa sahig at hindi naman sila umalma dito. Tahimik lang silang nakatitig sa aking ginagawa na para bang pinag-aaralan ang bawat kilos ko.

"Clyde! Xiela! Nasaan na naman ba kayo nagsususuot?" narinig naming sigaw kung saan.

"Kayong mga bata talaga! Parati nalang kayong tumatakas para magla-"

Mula sa entrance ng playground, iniluwa nito ang isang nurse na matagal ko na ring kakilala dahil kay Alister.

"N-nandiyan ka pala M-ma'am Nayeli," sabay yuko nito.

Alister once told me he had this companion ever since. Kababata niya at pareho pa sila ng landas na tinahak. Kung kaya't hindi na nakakapagtataka kung bakit sila naging malapit sa isa't-isa at maging dahilan ito para mabuo ang isang one-sided na pag-iibigan.

And she obviously can't blame me for that.

"Wow, nurse Aia! Magkakilala kayo ni Ate Ganda?"

We had eye contact for a second and I timidly smiled at her. Hindi nagtagal ang paningin niya sa akin dahil sinuri niya rin ang lalaking kasama ko.

Shifting her gaze, bumalik ang atensyon niya sa mga bata.

"Ikaw talagang bata ka, 'wag ka na tanong ng tanong diyan! Halina't pumasok na tayo sa loob, baka di na ninyo maabutan si Kuya Zero niyo!" panenermon nito.

"Oh my god! Makikita ko na naman ang poging mukha ni Kuya Zero!" tili pa ng batang si Xiela.

"Mas pogi naman ako doon."

Bago paman makasagot si Xiela, tinakpan na ni Aia ang bibig nito at saka ginuyod ang mga bata papasok sa hospital.

"Ah, mauna na kami, ma'am," saad niya saka naglaho na sa dilim kasabay ng mga batang nag-uunahan sa pagtakbo.

I was left alone with him and I could say the atmosphere was embarrassing and... awkward. We were both staring at the shadows of the kids slowly fading downstairs before he tilted his head on me.

The Alphabet of Breaking HeartsWhere stories live. Discover now