Chapter 12

72 5 1
                                    

Napatigil sa paglalakad si Lorraine nang makita ang binata na mahimbing na natutulog sa nilatag nitong blanket habang nakasuot ang earphone.

Dahan-dahan syang lumapit para hindi magising ang binata at tahimik na inalapag ang bitbit nyang nakabox na cake na binili nya sa paborito nyang cakeshop bago dumiretso dito sa sementeryo.

Hindi na nya ginising ang binata dahil ayaw nito istorbohin ang mahimbing nitong tulog. Dahil nainggit sya sa binata, humiga na rin sya sa tabi nito at tumagilid ng pwesto para pagmasdan ang maamo nitong mukha habang natutulog, maingat nyang kinuha ang isang pares ng earphone na nakalagay sa kanang tainga nya at pinakinggan ang musikang tumutunog rito.

Nang mapakinggan nya ang musika, gulat na napatingin sya sa natutulog na binata.

Siya mismo ang kumakanta ng musika, at tanda nya ang kanta nyang ito. Ito ang kanta na inawit nya for her last performance sa restong pinagpartime-an nya bilang singer noon matapos ang insidenteng dahilan kung bakit kailangan nyang itigil ang kanyang hilig sa pag-awit.

Ang ibig bang sabihin nito. Hindi ang pagkikita nila ni Patrick sa boutique ng Mommy nya ang unang beses na nakita sya nito?

Pero bakit hindi nya nabanggit sa kanya ang tungkol sa bagay na ito

Dahil wala rin naman syang makukuhang sagot, inayos na lang nya ang pagkakahiga nya at masayang pinagmasdan ang kulay orange na kalangitan na nagpapahiwatig na malapit ng gumabi.

Habang nakikinig sa musika na sya mismo ang kumakanta. Hindi nya namalayan na napapasabay na pala sya. Namiss nya talaga ang pagkanta, ito ang nagpapasaya noon sa kanya tuwing nalulungkot sya.

🎶🎶So you could give me wings to fly

And catch me if I fall
Or pull the stars down from the sky
So I could wish on them all

But I couldn't ask for more
'Cause your love is the greatest gift of all🎶🎶

Napatigil lang sya sa pagsabay ng marinig ang baritonong boses ng binata na nagsalita.

"Namiss ko pakinggan ang boses mong kumanta sa personal" wika ng binata.

Napalingon naman sya rito at muntik na nyang mahalikan ang binata dahil sobrang lapit na pala ng mukha nito sa kanya.

"Kanina ka pa ba gising?" tanong nya sa binata

"Hindi naman, nagising lang ako ng may narinig akong magandang boses na kumakanta. I thought I am just dreaming, but you actually here." ngiting sagot naman ng binata

Napaiwas naman ng tingin ang dalaga sa binata. Naiilang na kasi sya sa lapit ng mukha nila.

"I'm sorry nga pala for almost forgotting your birthday and my promise to you." wika niya sa dalaga

"It's okay, ang mahalaga nandito ka na." sagot sa kanya ng binata

Dahan-dahan naman syang tumayo mula sa pagkakahiga para kunin ang binili nitong cake sa kahon nito at sinindihan ang kandila nakapatong rito bago humarap sa binata na nakaupo na sa blanket.

Natatawa namang napatingin sa kanya ang binata ng makita ang hawak nitong cake.

"Nagabala ka pa talaga ha." natatawang komento ng binata

"I have to, muntik ko na kaya makalimutan ang birthday mo, this is the least I can do." malungkot nitong wika s binata

"Thank you Kate" ngiting sagot nya lang dito.

"Blow your candle and make a wish na." ngiting utos nya sa binata.

Ngumiti naman ang binata at saglit na pumikit bago tuluyang hipan ang sindi ng kandila.

The Adopted Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon