Chapter 15

92 4 2
                                    

Iba ang pakiramdam ni Lorraine habang kinakausap nya ang isang investor, kinikilabutan siya sa mga tingin na ibinibigay sa kanya ng matandang lalaki.

Hindi siya pinanganak kahapon para hindi maintindihan na pinagnanasahan siya ng matanda.

Napapansin niya kasi na panay ang sulyap nito sa kanyang dibdib kahit na hindi naman daring ang suot nyang corporate suit.

Sadyang may pagkamanyak lang talaga ang matanda.

Gusto man niyang iwan na ang matanda sa restaurant pero hindi niya magawa dahil mahalaga ang pakay niya rito.

Nagfocus na lang ulit siya sa kanyang ginagawang pagpapaliwanag kahit pa naiilang siya sa malalagkit na mga titig nito pero hindi na niya natapos ang pagpapaliwanag dahil bigla na lang nagsalita ang matanda.

"You're smart Ms Atienza, but your intelligence will never be enough for me to agree with your proposal, I want something from you and you know what I mean." nakangising wika nito sa kanya na pinasadahan ng tingin ang kanyang buong katawan

Kahit nakaramdam siya ng matinding kaba hindi niya ito pinahalata sa matanda.

"I'm sorry Mr De Fac, But I don't understand what you mean. Maybe we can talk about it next time." pagmamaangan niyang sagot sa matanda.

Halos tumindig naman ang lahat ng balahibo niya sa katawan ng kapitan ng matanda at hinaplos ang kanan niyang kamay.

"Oh come on Ms Atienza, I know how much my investment can help your company to grow bigger. Just one night, and then you can have my investment." nakangisi pa ring wika nito.

"I don't offer that kind of service so please let go of my hand." seryoso niyang sagot sa matanda

Pero hindi pa rin nito binibitawan ang kanyang kamay hanggang sa nagulat na lang siya ng may isang braso ang humawak sa braso ng matanda at malakas na inialis ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Don't try to touch my girl again Sir, the next time you do that I will forget that you are older than me." seryosong wika ng binata at malakas na binitiwan ang kamay ng matanda.

Mabilis naman siyang tumayo at niligpit lahat ng gamit niya ng hawakan ng binata ang kanyang kamay at inaya na syang umalis.

Nang makalabas sila ng restaurant, hindi niya maiwasan na matakot sa nakikitang galit sa mukha ng binata, parang gusto kasi nitong kumitil ng buhay anumang oras.

Hindi na lang niya pinansin ang binata at tuloy lang na sumunod dito dahil hawak nito ang kanyang kamay.

Nang makarating sila sa harap ng kotse ng binata, halos lukubin siya ng kaba ng makita niya ang kanyang Mommy na kakalabas lang sa kotse nito na nakaparada sa tabi ng kotse ng binata.

Napatingin ito sa kanya at mabilis na binitawan niya ang pagkakahawak sa kanya ng binata nang mapadako ang tingin nito sa magkahawak nilang kamay.

Kahit alam niya na nagtataka ang kanyang Mommy, napangiti pa rin ito ng makita si Patrick.

"Hello Patrick, Nice to see you here." bati nito sa binata sa ngayon ay kumalma na ang ekpresyon ng mukha.

"Same here Tita." nakangiti nitong bati

"What are you doing here? At bakit magkasama kayo ni Lorraine?" tanong naman nito.

"I just want to clarify something about the terms and condition of our business partnership. At inalok ko na rin po sya na ako na lang maghahatid sa kanya nang malaman ko na nagcommute lang pala siya papunta dito." nakangiting sagot naman ng binata

"Ah ganun ba? Sige. I have to go. Ingat kayong dalawa." paalam ng mommy niya at saglit na tumingin sa kanya bago tuluyang umalis para pumasok sa restaurant.

The Adopted Daughter (COMPLETED)Where stories live. Discover now