Chapter 11

77 4 1
                                    

Masayang minamasdan ni Lorraine si Patrick habang nagluluto. She can't stop herself na pakakatitigan ang gwapo nitong mukha habang masayang nagluluto ng kanilang pananghalian.

"Masyado na ba talaga ako gwapo sa paningin mo at hindi ka nanawa na pakatitigan ako kanina pa" tanong ng binata sa kanya na hindi tumingin sa kanya, nanatili lang itong nakafocus sa paghahalo ng niluluto nya.

"Hindi lang ako makapaniwala na marunong ka ng magluto, sabi mo noon sa akin na muntik mo ng masunog ang kusina nyo noon ng magattempt ka magluto." ngiting komento nya naman sa binata.

"All things can be learn Kate, anong silbi ng mga culinary schools dyan kung hindi mo papasukan para matuto di ba?" ngiting sagot naman ng binata bago kumuha ng lagayan para isalin doon ang ulam na niluluto nya.

"Nag-aral ka talaga?" manghang tanong nya dito.

"Yeah, mukha bang self-learning lang ito?" natatawang wika sa kanya ng binata habang nagsasalin ng niluto nya sa lagayan. Nang matapos ito sa pagsalin, nilagay na ng binata ito sa lamesa.

"Punta ka na sa lamesa, I'll just get some rice" wika ng binata sa kanya na tumungo sa rice cooker para kumuha ng kanin.

Sinunod naman nya ang binata at umupo malapit sa kung saan nakapwesto ang niluto ng binata na Chili Garlic Prawn. Hindi nya napigilan ang sarili na amuyin ang mabangong aroma nito.

"Amoy palang halatang masarap na. I can't wait to taste this" komento nya sa binata na kakalapag lang ng lagayan ng kanin sa lamesa.

"Then try it, ano pa bang hinihintay mo?" natatawang komento ng binata sa kanya.

Napangiti naman sya at agad na kumuha ng isang pirasong hipon para tikman ito.

And when she savor the taste of it, napathumbs up na lang sya sa binata.

"This is really great! Alam mo kung sino man yang nagmotivate sa iyo na magaral magluto, pasasalamatan ko talaga sya." masayang komento nito sa binata

"Then thank yourself" nakangiting sagot ng binata sa kanya. Bigla naman syang napatigil sa pagkain at kunot noong napatingin sa binata.

"Bakit ako? Wala naman akong natatandaan na pinilit kita sa isang bagay na ayaw mong gawin eh. And I know how much you hate cooking." takang wika nito sa binata.

"You told me before that you want a man that can cook for you when we were still in College, noong una tayong magusap sa campus" sabi ng binata na nagsisimula ng kumuha ng kanin sa lagayan.

"I already motivated you just like that?" takang tanong nito sa binata.

"Yeah, this may sound pathetic but when you told me that you loved someone else, I thought it was because this man can cook for you unlike me that only knows is how to burn kitchen" he said with a little bit mixture of sadness.

Hindi nya maiwasang mapangiti dahil sa sinabi ng binata but a part of her feeling guilty about it. Because of what she done to him, she made him doubt to himself.

"Salamat" nakangiting wika niya sa binata. This is all she can do to pay him back with his effort for her.

Ngumiti lang sa kanya ang binata at nagpatuloy na sa kanyang pagkain.

"Pat?" kuha nya sa atensyon ng binata na tahimik na kumakain. Napatingin naman ito sa kanya.

"Why?" Tanong naman nito sa kanya.

"Can we talk about this 'thing' later after we finish eating?" Tanong nya sa binata. She's talking about his condition for her business proposal.

"What do you mean by that?" takang tanong ng binata sa kanya.

"I mean, this relationship you wanted must have condition and timeline. We can't do this forever." wika nya sa binata

The Adopted Daughter (COMPLETED)Where stories live. Discover now