Chapter 13

81 2 1
                                    

Napatayo si Kate at napabitaw sa hawak ng kamay kay Patrick dahil sa frustrasyong nararamdaman nito sa binata.

Hindi nya tuloy maiwasan na pagsisihan kung bakit naisipan nya pang sabihin sa binata ang totoomg nararamdaman nya para dito, akala nya maiintindihan nito ang sitwasyon nya pero mas lalo lang lumala.

Maglalakad na sana sya paalis ng bigla syang napalingon sa binata dahil kinapitan ulit nito ang kaniyang kamay para pigilan siya.

"Ano na naman Pat?" may iritasyon niyang tanong dito

Ang seryosong mukha ng binata ay bigla na lang napalitan ng abot-tengang ngiti nang makita ang nakabusangot nyang mukha.

"Anong nginiti-ngiti mo dyan?" inis na naman nyang tanong sa binata

"Ang ganda mo pa rin kasi kahit na nakabusangot yang mukha mo. I just remember the time that I saw you in my Mom's boutique." nakangiti nitong sagot sa kanya.

Hindi nya maiwasan na mapatahimik sa sinabi ng binata pero saglit lang ito at seryosong napatingin sa kanya.

"Seryoso ako sa sinabi ko Pat, I love you but it doesn't mean na pwede na maging tayo. Ayaw kong masaktan ang pamilya ko. I just tell you all of this because this time, I want to be honest with myself and to you as well." seryoso nyang paliwanag sa binata.

"And I'm serious too Kate for what I told you before. Mahal kita Kate, noong sinaktan mo ako, akala ko madali kitang makakalimutan pero iba ka sa lahat ng mga babaeng nakilala ko Kate. Ikaw lang ang tanging nagpabaliw sa akin ng ganito. Nagagalit ako sa tuwing naalala ko ang ginawa mo sa akin noon pero sa tuwing nasa harapan na kita at nakikita ko ang mga ngiti mo, lahat agad nakakalimutan ko. It was already 7 years ago but my feelings for you still the same the first time I met you kaya patawarin mo ako Kate dahil hinding-hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito na maging masaya ang puso ko sa piling mo Kate" wika ng binata habang masuyo na nakatitig sa kanyang mga mata.

Napayuko na lang siya sa sinabi ng binata. Masaya ang puso nya sa narinig sa binata pero hindi maaalis nito ang alalahanin sa isipan nya na kung sakaling hahayaan nyang sundin ang puso nya ay may mga tao na masasaktan.

"I don't deserve it Pat. As much as I want to follow my heart but my mind telling me that It is not the right thing to do. I'm sorry Pat" malungkot na sagot nya sa binata.

"Kailan pa naging mali ang piliin kung ano ang dinidikta ng puso mo ha Kate?" seryosong tanong ng binata sa kanya.

Nanatiling tahimik lang siya sa tanong ng binata. Kailan nga ba? Kailan nga ba naging mali ang piliin ang tunay na magpapasaya sa iyo? She don't know the answer. The only thing she's sure about is hurting her family will never be a right option.

"You know what Kate, this conversation is over." sersoyong wika ng binata sa kanya ng hindi na nya magawang makapagsalita.

"Pero Pat...." hindi na nya natapos ang saaabihin nya dahil pinutol agad ito ng binata.

"Nakapagdesisyon na ako, we still have agreement right? You will be my girlfriend for 3 months. Payag na ako sa tatlong kondisyon mo pero kailangan mo ring pumayag sa isang kondisyon ko." seryosong wika ng binata bago tumingin sa kanyang mga mata.

"Sa loob ng tatlong buwan na yun dapat wala kang iisipin ng kung sino kundi tayo lang dapat dalawa. Wag mong isipin ang mga tao na pwede mong masaktan sa magiging relasyon natin. At sa loob ng tatlong buwan na yun gagawin ko lahat para turuan ka maging matapang sa nararamdaman mo at kung hindi mo talaga kaya. I'll promise to you that I will leave you for good and give up my feelings for you." seryosong wika ng binata bago bumalik sa pagkakaupo sa blanket na nilatag nito.

Bagsak naman ang balikat nyang napatingin sa binata na seryoso lang umiinom ng alak sa bote na hawak nito. Ano pa nga ba ang iniexpect nya sa binata, Patrick will never be Patrick kung hindi matigas ang ulo nito. Gusto lagi nito na sya ang nasusunod.

The Adopted Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon