Chapter 6

76 3 0
                                    

Nagising si Kate sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng kanyang kwarto.

Hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya dahil sa kakaiyak.

Nang dumating kasi sya sa bahay nila kanina ay tanging mga katulong lang ang naabutan nya na ipinagpasalamat nya naman dahil hindi nya alam kung paano ipapaliwanag sa kanyang pamilya kung bakit hindi sya nakauwi kagabi.

Bumangon na sya sa kanyang kama para pagbuksan ang taong kumakatok.

Pagbukas nya, sumalubong sa kanya ang mukha ng kapatid na bakas ang pag-aalala.

"Where have you been? Bakit ngayon ka lang umuwi? Sabi ni Dad, hindi ka naman daw nagpapalipas ng gabi sa kung saan, yun daw yung unang beses mo na hindi ka umuwi. I was very worried about you Ate" mahabang litanya nito bago sya yakapin ng mahigpit.

Hindi nya maiwasan na mapangiti sa pagiging sweet and caring ng kapatid nya.

"Ano ka ba Claire? Hindi na ako bata, baka nakakalimutan mo na mas matanda ako sa iyo?" natatawa nyang wika sa kapatid, kung makapagalala kasi ito sa kanya para syang isang teenager na wala pang kamuwang muwang sa mundo.

Napakalas naman sa pagkakayakap ang kanyang kapatid at masama siya nitong tinitigan pero sa pabirong paraan.

"Bakit kasi naiwan ang cellphone mo? Alam mo bang muntik ko na masisante ang driver natin ng dinelete nya yung number na pinantawag mo sa kanya kahapon nung nagpasundo ka sa kanya." Inis na litanya nito.

Ang totoo siya mismo ang nagpadelete ng number ng binata sa driver. Hindi man niya inaasahan na magtatagpo ulit sila ng binata pero mabuti na lang at ginawa niya na ipadelete ang numero nito dahil sa oras na malaman ni Claire na nagkita sila, hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ito.

Hindi alam ni Claire na magkakilala silang dalawa ni Patrick, ang alam lang nito ay parehas sa iisang unibersidad lang sila pumasok.

Kasi noong oras na gusto na nyang ipakilala ang binata sa kanya dahil sasagutin na nya ito after ng graduation nila, ay dito naman nya nalaman na si Patrick at ang lalaking nagugustuhan nito ay iisang tao lamang.

Patrick knows she has a sister minsan na nyang nabanggit ang kapatid sa binata, but he never had the opportunity to meet her personally even in the picture. And he don't even have an idea that she is only an adopted daughter.

She wanted to tell him all the truth about her noong oras sana na sasagutin nya na ito, doon nya kasi malalaman kung mahal ba talaga sya ng binata at kung handa pa rin ba sya nito tanggapin sa kabila ng pangit nyang pagkatao pero ayun nga ang nangyari hindi rin natuloy dahil nga sa ayaw nyang masaktan si Claire. And her secrets will still remain from Patrick. At wala na syang balak pang sabihin ito sa binata dahil ano pa ang kwenta nito, sira na silang dalawa dahil sa kaduwagan nya.

Pinisil lang ng dalaga ang ilong ng kapatid para tumigil na ito sa pagaalala sa kanya.

"Don't do that to our driver, kukurutin talaga kita sa singit" pananakot nito sa kapatid nya.

"Kasi naman, sobra akong nagalala sa iyo kagabi. Tapos hindi ko pa makausap ng ayos si Mom kagabi dahil nagtatampo kay Dad dahil di natuloy ang family bonding namin next week" sagot naman nito sa kanya.

"About nga pala doon, I'm sorry. It was my entire fault." malungkot na sabi nya sa kapatid. Sya naman talaga ang may kasalanan kung bakit hindi sila matutuloy.

"Ano ka ba Ate, I understand Dad. Hindi mo kailangan akuin lahat ng responsibilidad sa kompanya kung hindi mo kaya." pagpapaliwanag ng kapatid nito sa kanya.

"I still want to say sorry, kasi pinaasa ko kayo." paghingi nya ulit ng tawad dito.

"Ganto na lang Ate, ipagluto mo na lang ako. Namiss ko na luto mo eh. Nagtext kasi sa akin si Daddy na may dinner date daw silang dalawa ni Mom, gusto yatang bumawi. Kaya hindi daw sila dito magdidinner at malelate ng uwi." Nakangiting wika nito sa kanya.

The Adopted Daughter (COMPLETED)Where stories live. Discover now