Chapter 10

84 4 2
                                    

Samu't saring kaba ang nararamdaman ni Lorraine habang naglalakad papunta sa opisina ng ama, ngayon nya kasi sasabihin rito na hindi sya nagtagumpay sa pangungumbinsi sa binata na tanggapin ang inaalok nilang business proposal. Alam nya na buo na ang desisyon ng binata at hindi na mababago iyon. Isa pa, hindi na ulit nya hahayaan ang sarili na magmukhang desperada sa harapan ng binata. Once is enough and twice is too much.

Nang malapit na sya sa opisina ng ama, napansin nyang hindi nakasara iyon dahil may kawang ito ng kaunti.

Tahimik syang naglakad papunta roon at kita mula sa kawang na iyon na kausap nito ang kapatid ng ama na tumatayong vice president ng kompanya.

Aalis na sana sya dahil wala naman syang balak istorbohin ang dalawa pero bigla syang napatigil sa pagalis nang marining nya mula sa kapatid ng ama ang pangalan nya.

"You're too much trusting Lorraine Kuya. Bakit mo ba pinagkatiwala ang project na ito sa kanya, you know this project will be our big lost if she will not succeed to do it." wika nito sa ama nya

"She's my daughter Philip and I have so much believe that she can do it dahil kilala ko ang anak ko, she never dissapoint me at all times. If you worry because she is just my adopted? Stop it already, I am his father, and a father should have trust on his child, so stop making it a big issue. I know my daughter too well."

"I'm sorry Kuya, I'm just worried because of the news I received this morning that Gomez Insurance Company, our biggest competitor will offer the same kind of proposal to PFC, and they have a big chance to get the deal." may pagaalala nitong wika.

After hearing those words came from his father, hindi nya magawang maluha sa sobrang saya ng kanyang naramdaman. Ito kasi yung unang beses na narinig nya ang ama na pinuri sya at pinagtanggol pa sa ibang tao.

Dahan-dahan syang umalis roon at dumiretso sa pinakamalapit na rest room. Kailangan nya kasing mag-isip kung ano ang kanyang gagawin, kung kanina handa na syang harapin ang dissapointment ng kanyang ama dahil kung papayag sya sa kagustuhan ni Patrick, si Claire ang masasaktan.  Pero dahil sa nalaman nya kung gaano kalaki ang tiwala ng ama sa kanya at ayaw nya mawalang kwenta lang iyon, hindi na nya magawang sabihin dito ang gusto nyang sabihin dahil mas gusto na nyang gumawa ng paraan para magbago ang isip ng binata sa business proposal nya.

"This is really stressing me out, hindi ko kayang manimbang kay Claire at kay Dad. They are both important to me." kausap nya sa sarili habang nakakulong sa isang cubicle.

Natigil lang ang pagiisip nya ng naramdaman nya na may taong pumasok.

"Alam mo girl parang gusto ko nang maniwala doon sa tsismis na kumakalat na ampon lang si Ms Lorraine." wika ng isang babae

"Bakit naman?" tanong ng kausap nito.

"Noong isang araw kasi nakita ko sina Mam Beatriz at Ms Claire na pumunta sa opisina ni Sir Henry. At kamukhang kamukha ni Ms Claire ang ina nito at may anggulo ito na kamukha naman ni Sir Henry, samantalang si Ms Lorraine, ang layo ng itsura nya sa mag-asawa, idagdag mo pa yung kulay asul nyang mata na hindi ko alam kung saan nya namana, wala namang blue eyes sa magasawa di ba?" kwento nito sa kausap niya.

"Medyo may point ka, Curious din ako sa blue eyes ni Ms Lorraine. Pero alam mo kung sakaling totoo ang tsismis na yan, ang swerte ni Ms Lorraine kasi napunta sya sa isang magandang pamilya. Kaya kung ako sa kanya dapat hindi nya iddissapoint ang pamilya niya kasi baka saang kangkungan sya pulutin kung sakali." sagot naman nito sa kasama nya.

"Tama ka girl speaking of dissapointment, alam mo bang nagkaroon ng BOD meeting sila Sir kahapon at hindi kasama si Ms Lorraine. Ayon sa narinig ko, kapag di daw napapayag ni Ms Lorraine ang PFC sa business proposal nito, papalitan na daw sya sa pwesto nya bilang COO, eh di ba umayaw ang PFC nung isang araw. Kung sakaling mangyayari yun, siguradong madidissapoint sa kanya si Sir Henry, dahil si sir Henry daw nagbigay ng project na yun sa kanya." kwento nito sa kasama niya.

The Adopted Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon