Chapter 4

77 2 0
                                    

Hindi mapigilan na haplusin ni Patrick ang maamong mukha ni Lorraine na mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Hindi nya maiwasan na pakatitigan ito, mula sa matangos nitong ilong hanggang sa mapupula nitong labi. Dapat hindi na sya naaakit sa dalaga, alam nya kasi kung ano ang pwedeng gawin nito sa kanya sa oras na mabaliw na naman sya dito pero kahit anong pigil nya sa kanyang sarili na huwag na lumapit dito eh kabaliktaran naman nito ang nangyayari.

Katulad na lang kaninang umaga ng inihatid nya ito sa opisina, hindi nya magawang ituon ang kanya buong atensyon sa pagmamaneho dahil panay ang sulyap nya sa magandang mukha nito at ang masama pa nito, hindi nya napigilan ang sarili na halikan ang mga labi nito.

It was definitely a bad move, ika ng isip nya pero kabaliktaran naman ang nararamdaman ng puso nya.

Tumayo na sya sa pagkakaupo sa gilid ng kama bago pa niya hindi mapigilan ang sarili at baka may magawa ito dito na hindi dapat mangyari.

Iniayos muna nito ang kumot na nakapatong dito bago tuluyang umalis ng kwarto.

Paglabas nya ng kwarto ay dumiretso sya sa kusina para maghanap ng alak na pwedeng inumin, pero pagbukas nya ng ref, wala ni isang bote ng alak ang nandoon. Bigla nya tuloy naalala na hindi pa pala sya nagrogrocery, tanging frozen foods na lang ang tirang stocks sa ref nya.

Pumunta sya sa sala at kinuha ang susi ng kotse nito, kailangan nya talaga uminom ng alak para makatulog ngayong gabi. Kanina pa kasi tumatakbo sa isip nya si Lorraine at ang hindi nya maintindihan na nararamdaman nya para dito. Alam nya na alak ang solusyon para makalimutan nya ito.

Paglabas nya ng kanyang unit, sakto naman napadaan si Greg. Magkalapit lang sila nito ng Condo Unit, kay Greg kasi sya humingi ng tulong noong isang araw para maghanap ng Condo Unit nya noong umuwi sya galing San Francisco dahil ito ang uri ng business ng kanilang pamilya at sakto namang may available na unit sa building na ito kaya ito na lang ang inioffer nito sa kanya.

"Hey Bud? Saan ang punta?" tanong ng kaibigan nya dito.

"Sa labas, bibili lang ng alak. Naubusan ako ng stocks eh" sagot nya dito.

"Mukhang may problema ka bud ah? Tara sa unit ko, kakagrocery ko lang, marami akong beer doon" suhestyun nito sa kanya.

Hindi na sya nag-atubili na tumanggi, at isa pa kailangan nya rin ng makakausap dahil mababaliw sya kapag hindi nya nailabas ang gumugulo sa kanyang isipan.

Pagpasok ng unit ni Greg, dumiretso sila sa kusina. Umupo lang sya sa may stall chair at si Greg naman ay dumiretso sa ref nito para kumuha doon ng alak.

"What is it Bud?" Tanong ni Greg sa kanya ng iniabot nito ang isang boteng San Mig beer sa kanya.

Uminom muna sya bago sumagot.

"It's about Kate" walang buhay nitong sagot.

"Totoo nga ang sabi sa akin ni Fred kanina na kaya ka wala noong dumating ako doon eh dahil hinatid mo sya." sagot naman nito.

"Yeah, nasa condo ko sya ngayon."

Halata ang gulat nito sa mukha.

"Bakit nasa condo mo sya? May nangyari na ba sa inyo?" malisyoso nitong tanong sa kanya.

"Wala Greg, at ayaw kong may mangyari sa amin." ayaw nya talaga na may mangyari sa kanila baka kasi lalo lang lumalim ang pinipigilan nyang nararamdaman sa dalaga.

"Mahal mo pa?" Seryosong tanong nito sa kanya.

Ilang minuto syang natahimik bago napatingin sa kaibigan na tahimik lang na nakatingin sa kanya. Halatang naghihintay ito ng sagot.

The Adopted Daughter (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora