Chapter 17

95 3 0
                                    

Dahil sa sobrang malalim na pagiisip hindi namalayan ni Lorraine na tumigil na pala ang kotse na sinasakyan nila ng binata kung hindi pa nagsalita ang binata sa tabi niya.

"So this is really the end for the both of us?" wika ng binata na masuyong nakatingin sa kanya

Napatingin naman siya rito at napatango na lang dahil hindi niya kayang salubungin ng tingin ang mga mata ng binata na puno ng kalungkutan.

"Yeah," mahina niyang bigkas sa binata

Hindi na nakasagot ang binata, nanatili lang silang tahimik dalawa at nang hindi na nagsalita ang binata, nagpaalam na lang siya at bumaba na ng sasakyan.

Habang naglalakad siya papuntang gate ng kanilang bahay hindi pa rin umalis ang kotse ng binata.

Nang mapalingon ulit siya sa kotse nito, napansin niyang bumukas ang pinto at lumabas dito ang binata na seryoso ang mukha na mabilis na naglalakad palapit sa kanya.

"Pat..." hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil paglapit sa kanya ng binata, sinakop agad nito ang kaniyang mga labi gamit ang mga labo nito.

Gusto man nyang pigilan ang binata sa ginagawa nito, ayaw naman siyang sundin ng kanyang katawan na para bang may sariling isip na kusang tinugon ang mga halik ng binata.

Mga ilang minuto silang nasa ganoong sitwasyon at nang halos maubos na ang kanilang hininga, ang binata ang unang nagpakawala sa halik.

"Paano ba kita makakalimutan Kate? Dahil sa oras na ito, iniisip ko pa lang na hindi na kita makakasama bukas, nababaliw na ako. Mahal na mahal kita Kate....." Hindi na nagawang maituloy ni Patrick ang sasabihin niya ng may narinig sila parang may nahulog na kung ano malapit sa kanila at ng sundan nila ng tingin kung saan ito naglikha ng ingay.

Nabalot ng kaba ang kanyang buong sistema nang makita ang kapatid na galit na galit na nakatingin sa kanila na patuloy na umaagos ang luha sa mga mata.

And when they eyes met, lalong gumuhit ang galit nito sa kanyang mukha and without saying any words tumakbo ito ng mabilis sa kanyang kotse at pinaharurot ito ng sobrang bilis.

"Sundan natin siya Pat, baka may mangyari sa kanyang masama." wika niya sa binata ng puno ng takot at kaba.

Mabilis naman siyang hinatak ng binata sa kotse nito at nang makasakay silang dalawa ay mabilis na pinaharurot ito ng binata para sundan ang direksyong tinungo ng kanyang kapatid.

Kahit sobrang bilis na ng takbo nila, para sa kanya tila mabagal pa rin ito dahil hindi nila maabutan ang kotse ng kanyang kapatid.

Habang mabuti niyang sinusundan ang kotse ng kapatid sa daang tinutungo nito, binalot siya ng matinding kaba at kalaunan ay naging matinding takot nang mapansin nila na biglang gumilid ang kotse ng kapatid at bumangga sa isang malaking puno.

Mabilis na nagpreno ang binata at siya naman ay nagmadaling lumabas ng kotse para puntahan ang kotse ng kapatid.

Mabilis naman sumunod sa kanya ang binata.

Nang makarating siya sa kotse ng kapatid, halos hindi siya makagalaw ng makitang walang malay ang kapatid sa driver seat at maraming dugo na ang umaagos sa kanyang ulo.

Agad namang nagmadali ang binata para tulungan ang kanyang kapatid na maialis sa kotse at mabilis na inilipat sa kanilang kotse.

Agad naman siyang sumunod sa binata at inalalayan ang kanyang kapatid sa backseat na maraming dugo na ang nawawala.

Yakap lang niya nang mahigpit ang kanyang kapatid habang mabilis namang pinahaharurot ng binata ang kotse patungo sa pinakamalapit na hospital at habang nasa biyahe, hindi na siya matigil sa kakaiyak dahil sa nangyaring trahedya sa kapatid.

The Adopted Daughter (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz