Awkwardness Level 100

Start from the beginning
                                    

Medyo nag-isip pa ako bago sumagot.
"Kung pupunta kayo edi pupunta na rin ako. Para lang matigil sila kakakulit sa akin. Matinding sermon na naman ng mama ang maririnig ko kapag di ako pumunta."

"Buti alam mo. Sige, we'll pick you up tomorrow dyan sa house mo. See ya."

"Bye!" I said and hung up the call.


"Mukhang may lakad kayo mam ah." Sabi ni Calli na nagpapaikot ikot sa inuupuan niyang bar stool.

"Yup. Wala naman akong choice eh." I said.

"Ay ate! Gusto mo ayusan ka namin bukas? Para gorgeous ka sa event." Suggestion ni Tarra. "Ay oo nga po mam. Ayusan ka namin para ikaw ang pinakamaganda dun." Nag - apir naman sila Tarra at Calli.

"Sige. Kung di makakaabala sa inyo." I said. "Sure na sure mam. No problem."



Calli's POV

Ayun tambay lang kaming tatlo dito nila mam Amara at ni ate Tarra sa kusina. Nakatulala kaming tatlo habang naghahalo ng chocolate. Parang problemado kaming tatlo eh. Hahahaha.

~~~~~~~~~~~~~

7 pm na at kanina pa nagluluto si lola Carina. Ang saya kasi dito magdidinner si ate Tarra. Sayang at wala si ate Pretty. Iingay na naman mamaya sa dining room. Hahahaha.





"Tulungan na kita dyan." Kinuha ni ate Tarra yung bowl ng sinigang at pinatong sa mesa. Kinuha ko naman sa ref yung iced tea at nilagay din sa table.

"Hmmmm. Ang bango ah. Sinigang! Namiss kong kumain nito." Sabi ni mam Amara na kakagaling lang sa kwarto niya.



"Sige na umupo na kayo para makakakain na tayo." Sabi ni lola Carina kaya umupo na kami kasama nila ate Lea at ate Vera. May sinigang, tinola tsaka shrimps. Hmmmmmm. Ang sarap!



Nagpray muna kami at nagsimula nang kumain.

"Hmmm. Ang sarap ng luto niyo Manang. Kayo talaga ni manang Helen ang dalawa sa pinakamasasarap na magluto." Compliment ni ate Tarra pagkatapos humigop ng sabaw ng sinigang.

"Hindi naman. Natututunan din yan. Pero salamat. " Pahumble pa si lola. Eh magaling naman talaga siya magluto.

~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna kami ng konti sa sala bago umuwi si Ate Tarra.

"Ay teka. May ipapauwi pala ako sayo." Sabi ni mam Amara at pumunta sa kusina. Pagbalik niya ay may dala siyang tupperware ng cookies. Isa yan sa mga maraming tupperware ng mga nabake namin ni mam Amara.

"Ay may padessert? Thank you po."


"Ang dami kasi namin nabake ni Calli kanina. Eh hindi naman namin mauubos yan lahat."


"Masarap yan te. Lasang kamay namin. Hahahaha." Pangjojoke ko.

"Grabe naman. Naghugas naman tayo ng kamay. Pero if ever na lasang kamay, sabihin mo lang. Hahaha." Sabi ni mam Amara kaya natawa kami.


"Sige po ate, Calli. Salamat ah. Uwi na po ako. Hinihintay na ako sa bahay eh. Thank you po sa dinner tsaka dito sa cookies." Hinatid na namin siya sa kotse dahil ihahatid siya pauwi ng driver ni mam.

"What a great day! Day off from work pero sobrang productive. Thank you Calli!" Awwww ang sweet ni mam Amara.

"Wala po yun mam. Basta kapag magpapatulong ulit kayong magkalat ng harina sa kitchen counter, tawagin niyo lang po ako. Hahaha." Pagbibiro ko.

Sa Bawat ArawWhere stories live. Discover now