🍁 LUTT 02

3 0 0
                                    

Mia

Kakausapin ko lang si papa pero grabe na ang kaba ko. Hihingin ko lang naman sa kanya yung pangako nya pero bakit parang ayoko ng ituloy?

Ilang beses na ako nagbuntong hininga habang hawak ang doorknob ng pinto ng room ni papa. Nangangalay na rin ako kakatayo sa kadahilanang kanina pa ako ng madaling araw dito, naghihintay ng tamang oras para kausapin si papa.

Nang makapagisip na ako ng maayos, kumatok na ako ng tatlong beses.

"Who is it?!" Rinig kong sabi nya na may pagkairita.

Pumasok na ako at nadatnan ang isang aligagang lalake sa pagaasikaso sa anumang bagay na di ko alam.

Napatigil sya ng konte nang makitang ako ang pumasok.

"Uhm pa--..."

"What do you need? Can't you see?!
I'm busy!" Iritang sabi nya. Halatang abala nga sya. Nagkalat ang ibang gamit nya sa mesa at hindi na rin ganun kaayos ang itsura nya.

"P-pa, n-naalala ko lang p-po kasi yung p-promise nyo--..."

"Wag ngayon Mia, wag ngayon!!" Pagputol nya sa sasabihin ko habang may kinakalikot sa isang box.

"But you promise--..."

"Lumabas ka na muna!"

Pero may nahagip ang mata ko na makintab na bagay sa isang cabinet katabi ng library nya.

Wait. Is that.. A gold bars...??

Nilapitan ko iyon at tinitigang mabuti.

Ilang piraso ng gold bars na nakalagay sa isang itim na supot.

"Pa? Saan po galing ang mga ito?" Confused kong tanong sa kanya

Bigla syang humarap sa direksyon ko at dali daling kinuha ang mga ginto para itago.

"Diba sabi ko lumabas ka na?! Why are you still here?!"

"I'm sorry po." Napayuko ako.

"Just, get out." Sabi ni papa ng nakatalikod.

"Opo."

Lumabas ako na bagsak ang balikat. Di man lang kami nakapagusap ng matagal. Siguro next time ko na lang kakausapin si papa tungkol dun.

Pinagmasdan ko ang pinto ng room nya. Galit sya, stress, pinainit ko ang ulo nya.

Sya si Xanor Natsmeg. King of Natsmeg palace. My Father. Medyo close kami nung bata pa lang ako. May time sya para sa akin na makipag-bonding. Pero mula nung magkaisip ako, unti unting nawala yung closeness namin. Lagi na syang wala at busy. Minsan, kahit nandito sya sa palasyo at walang trabaho sa kung saan, meron naman ginagawa na di ko alam kung ano. And that makes him busy. Again.

Di ko alam kung bakit nagkaganun ngayon si papa. May pinangako pa naman sya sa akin nung bata ako. Yung ay ang makalabas at makita kung ano ang nasa kabila ng batong pader na yan. Sa loob ng 18 years, hindi nya ako pinapayagan na lumabas.

Pero mukhang di ko pa yun ngayon makukuha.

Lumabas ako ng palasyo at pumunta sa gate. Nagbabakasakaling yung mga kawal ang sinabihan nya na palabasin ako.

"Pasensya na mahal na Prinsesa pero mahigpit na ipinagbabawal ng hari ang palabasin ka."

Pero laging yan ang sinasabi nila sa akin. Napabuntong hininga ako. Kailangang si papa mismo ang makausap at pumayag tungkol sa pangarap ko. Siguro tyetyempohan ko na lang na nasa mood sya.

Napagdesisyunan kong pumunta sa tambayan ko dito sa palasyo. Ang attic.

Sa tuwing nagtatry akong lumabas ng gate at di pinapayagan, dito lagi ang deretso ko.

Love Underneath The Tree ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon