🍁 LUTT 24

5 0 0
                                    

Someone

"Everything is ready, your Highness.. Hinihintay na lang po ang inyong hudyat.." Tumingin ako sa pinuno ng mga kawal..

"Maya-maya, sisimulan na natin ang paglalakbay.. siguraduhing lahat ng kagamitan ay handa na.." rinig kong sagot nya mula sa likuran ko.. yumuko ang kawal sa amin bago lumabas ng silid..

"Are you okay, your Highness?" Ibinalik ko ang tingin sa kanya na ngayo'y seryosong nakadungaw sa bintana ng terrace..

"Okay lang ako iho. Hindi lang talaga ako makapaniwalang malapit na namin syang makita.. I just hope na hindi pa huli ang lahat.." he sign..

I hope so too..

"Kamusta na po si tita?" Tumabi ako sa kanya at tahimik na tinanaw ang kapaligiran..

"She's not okay.. She's been crying ever since you told us about her. Gustong-gusto nyang sumama pero delikado kaya hindi ko sya pinayagan.." nilingon nya ako..

"Ayos lang ba sa mga magulang mong sumama ka sa misyong ito?" Tumango ako..

"Opo, kamahalan.. Panatag naman po si mama dahil kasama ko si papa.." He smiled at me.

"Sobrang nagpapasalamat talaga ako sayo iho. Dahil sayo, nabigyan ulit kami ng pagkakataon na makasama sya. Isang malaking tadhana ang pagkakatagpo ninyo sa isa't-isa. Salamat dahil nanduon ka at inalagaan sya sa mga panahong kasama mo sya." I nodded at him while smiling..

Of course.. I'll do everything for her. Napapasaya nya ako at pasasayahin ko rin sya. Sana nga lang hindi pa huli ang lahat.

I looked at the bracelet in my hand..

Konting tiis na lang.. magiging maayos na ang lahat..

Mia

I sat silently in front of my mirror. Nakikipagtitigan lang ako sa repleksyon ko habang ay abala sa pag-aayos sa akin..

Yeah right... It's my wedding day...

Should I be happy?

Pinatayo ako ng isang servant at iginaya papalapit sa wedding gown ko. Inalalayan nila ako sa pag-suot nun kahit kaya ko naman..

Dapat nga maging masaya ako eh. Dahil isa to sa pangarap ng mga babae na maikasal sa taong mahal nila. Unfortunately for me, hindi ako ikakasal sa taong mahal ko. I'm still on the process of accepting my fate, pero hindi ibig sabihin nun na sang-ayon na ako dito.

I still hate this setup!

Sino ba namang hindi? Eh gagamitin ka sa paghihiganti laban sa mga tunay mong magulang!

I sign..

"Tapos na po mahal na prinsesa.." pinagmasdan ko ang ayos ko..

Hmm. Not bad.. hindi naman nila kinapalan ang make up ko. My hair is in a half-bun. Yung mga natirang buhok na nakalugay ay kinulot nila.

Hindi rin nila nakalimutang ilagay ang belo na nakakabit sa maliit kong korona. My wedding gown is, as usual, color white.. kung ako lang sana masusunod blue ang kulay nito eh. Or much better, black na para sa suot pa lang ng bride, malaman na nila ang katotohanan..

Oh, and one more thing... hindi ako naglagay ng liquid contact lens. Wala na akong paki-alam kung makita nila ang pagbabago ng kulay ng mata ko. Hindi pa kasi tuluyang nawawala ang effect nung liquid kaya, black pa rin sya hanggang ngayon.. Gusto ko lang maramdaman na there are small things that are still under my control..

Ilang minuto pa akong naghintay sa kwarto bago may pumasok na kawal at inabisuhan kaming magsisimula na ang ceremony..

Pinauna ko na munang lumabas ang mga kasama ko dito sa kwarto ko. Nang ako na lang mag-isa, naglakad ako papunta sa terrace. Tahimik lang ako habang nakatanaw.

Love Underneath The Tree ✔Where stories live. Discover now