🍁 LUTT 19

2 0 0
                                    

Mia

Abala ako sa pag-aayos upang makababa na nang marinig ko ang mahinang katok sa pinto..

"Mia? Tapos ka na ba?" Kuya Nico? Himala at napa-aga ang bisita nya.

I walk towards the door.

"Kuya! Anong ginagawa mo dito? Ang aga pa po... Wala po ba kayong training?" Bungad ko agad sa nya..

"Your father gave us a day to rest from training.  Pinapatawag ka na pala ng hari. Nasa dining hall na siya kasama ang mag-ina."

Oh right. Bumisita na naman pala sila tita. And I think, may importante silang pag-uusapan ni papa kase formal meeting eh. Kaya siguro walang training ang mga kawal para mai-display ni papa dito sa palasyo..

Hehehe...

Tapos naman na akong mag-ayos kaya tumungo na kami ni kuya sa dining hall.

Nga pala, 3 weeks na pala ang nakalipas nang sagutin ko si Zach. Wala namang nagbago bukod sa status naming dalawa. Wala namang nagbago sa pakikitungo namin sa isa't isa. Ay meron pala, mas lalo syang naging maalaga. Syempre nung sinabi namin sa kambal, naging masaya sila para sa amin. Parang mas kinilig pa nga ata si Kelly kesa sa akin eh..

At eto pa.. Nung si kuya naman ang sinabihan ko, batok naman ang inabot ko. Ilang minuto pa ako sinermunan.. Kesyo nagpadalos-dalos daw ako ng desisyon.

"Pinag-isipan ko naman po kuya. Tsaka handa naman na ako. Di ba ikaw mismo nagsabi sa akin na siguraduhin ko munang handa na ako bago sya sagutin?" Pag-tatanggol ko sa sarili..

"Aba. Di ko naman akalaing agad-agad kang magdesisyon eh.!!"

Natagalan pa nun bago ko napakalma si kuya. Alam ko naman na kahit ganun yung reaksyon nya, deep inside eh masaya sya para sa amin. Naku if i know, kaya lang sya naging O.A. kasi wala syang girlfriend. Nainggit lang yun sa akin.. Hahaha..

Pagkahatid sa akin ni kuya sa dining hall, hinintay nya munang makapasok ako bago umalis at pumunta sa pwesto nya. Agad naman akong bumati kay papa at kela tita bago umupo sa usual seat ko. Nagsimula na kaming kumain pagkatapos ng kamustahan. Di naman maiwasan na magkaroon ng konting usapan tungkol sa business nila..

"So, when will be the wedding?" Bigla akong napatingin kay tita dahil sa tanong nya.

Wait... Sinong ikakasal?? Did I miss something here??

"If possible, mas mabuting ikasal sila agad. Maybe next month, para naman kahit papano we still have enough days for preparations." Mas lalo akong nagtaka sa sagot ni papa. Anong kasal ba ang pinag-uusapan nila??

Tignan ko si David na wala man lang reaction sa naririnig.

Don't tell me, may ideya na sya sa pinag-uusapan nila papa kaya ang kalma nya lang??

"I agree.!! Basta ako ng bahala sa isusuot nila ah?? Lalo na ang gown ni Mia.!! Oh my gosh, I'm so excited!!!" Bumalik ang tingin ko kay tita. Mas lalong kumunot ang noo ko  dahil talagang hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila papa.

Papalit-palit lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Hanggang sa hindi na ako makatiis.

"Ano po bang pinag-uusapan nyo? Sinong ikakasal? Bakit po nasama pangalan ko?" Singit ko sa kanilang dalawa. Tita look at me in shocked.

"Wait.. You didn't know iha? Hindi mo pa ba sinasabi sa kanya Xanor?" Baling nya kay papa. Anong kailangan kong malaman?

Bumalik ulit ang tingin nya sa akin nang wala syang nakuhang sagot.

"We decided that you and David will be marrying each other.. " saglit akong nabingi sa sagot ni tita. Tumingin ako kay papa na hindi makapaniwala. Parang ayaw pa iproseso ng isip ko ang narinig.

Love Underneath The Tree ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon