"Don't mind it, hijo. Have you eaten already? I preferred some foods."

Pumunta kami sa kusina, kahit kakakain lang namin ni Havier. Kumain pa rin kami. Baka kasi magtampo si Tita. Ang dami pa naman niyang niluto. Nagluto siya ng ginisang ampalaya. Iyon kaagad ang kinain ko.

Nagtatawanan kami habang nagkwe-kwentuhan. Ito kasing si Havier, magaling magpatawa. Binibiro-biro si Tita Ginnie. Mabilis pa namang matawa si Tita.

"Mom?"

Nahinto kami sa pagtatawanan ng may tumawag kay Tita Ginnie. Nakita ko si Gariel na paparating sa pwesto namin. Masama ang tingin at magkasalubong ang kilay.

"Sane is here, Gari," usal ni Tita Ginnie. "Here, join us."

Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya at binaling ito sa pagkain ko. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na umupo siya sa tapat ko.

"It's been awhile, Hellpig. How are you?"

"Okay na—"

"P'wede na ulit makipag-away?" putol niya sa akin. Napairap naman ako sa kaniya. Narinig ko siyang ngumisi ng matunog.

"Hey, why is he calling you hellapig?" bulong ni Havier. "That's gross."

I shrugged.

"Hellapig, huh? That's so corny.."

"Mahilig kasing mambansag 'yan."

Napailing na lang si Havier. Nagpatuloy siya sa pagkain hanggang sa tumunog ang cellphone niya. Nakakunot-noo niyang tiningnan iyon. May meeting na naman siguro siya.

"Mrs. Aeñoso, I have to go." Tumayo ito kaya napaangat ang tingin naming lahat sa kaniya. "Dito muna po si Valentina, I'll fetch her by eight pm. I have an urgent meeting po."

"Gano'n ba, hijo? O, siya, sige..."

"Sorry po, I enjoyed staying here po kahit konting oras lang."

"No problem, hijo. You can go here anytime you want. You're welcome here.”

"Thank you po, Mrs. Aeñoso." Havier bowed his head and smiled. "I need to go now. I will visit again if I have free time. See you later, Val.”

Nakipagbeso siya sa akin at tinapik ang aking likod. Muli siyang nagpaalam kay Tita Ginnie at saka nagmamadaling umalis.

"Ang sweet naman ng cousin mo, Sane."

"Napapanahon lang po ang pagiging sweet no'n, Tita. Madalas pong bugnutin 'yon."

Natawa si Tita Ginnie. "Anyway, I have good news for all of you.."

"What is it, Mom?" si Gariel. "Are we going on a trip abroad?"

"No," nakangiting iling ni Tita. Na-curious naman ako. Ibang-iba ngayon ang kaniyang ngiti. Sobrang genuine. "Guess it, kiddos."

Napatingin ako kay Gariel. Nakakunot ang noo niya. Halatang hindi niya rin alam ang sinasabi ng nanay. He shrugged.

"Say it, Tita Ginnie!" Dumukot ako ng isang slice ng pizza. "I'm not good at guessing.."

Gariel whined. "I'm starting to get curious. What is it?"

"I'm pregnant!" 

"Ahhh," halos na sabay naming wika ni Gariel. Ngunit namilog ang aking mga mata nang mapagtanto ang sinabi ni Tita.

"Pusanggala!" Napatayo ako. "Pusanggala, Tita!" 

Natawa si Tita sa naging reaksyon ko. Hindi ko iyon pinansin at nilapitan siya para yakapin. 

"I'm so happy for you, Tita!" 

"Oh, thank you!" 

"How many months or weeks?" kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at muling bumalik sa pagkakaupo. 

MADNESS IN LIFETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang