Chapter Eleven

106 5 3
                                    

Ayan double update for today since hindi ako na ka update noong nakaraan. Votes and Comment are highly appreciated. Wag na ring kalimutan ang pag follow para sa update ng story na ito.

#TheDayYouSaidILoveYou
CHAPTER ELEVEN

Nasa loob kami ngayon ng kanyang sasakyan at gaya kanina tahimik parin kaming dalawa. Walang salitaan magmula kaninang nasa paaralan pa kami.

At nang tinanong niya ako kanina kung saan kami kakain sinabi ko naman na doon nalang kay Nanay Bebeng. It's a 24/7 karenderya na nag seserve ng iba't ibang klaseng lutong bahay at may barbeque din sila tuwing gabi kaya naisipan kung doon nalang since gusto kung kumain ng isaw at betamax ngayon.

He parked his car sa tapat ng karenderya ni Nanay Bebeng. Since may nakalaan naman talagang parking space doon dahil nga medjo sikat na itong kainan ni Nanay.

Aksidente lang din kasi naming nadiskubre ito ni Mina nang minsang wala na kaming makainan since it was a rush hour kaya napilitan kaming dumayo at sa mabuting palad may nakita kaming kainan at ito na nga ang Nanay Bebeng's Eatery 24/7.

Pagkababa namin sa sasakyan niya ay nag sabay kaming naglakad papasok ng kainan.

And as I go inside I felt nostalgic feeling na bumabalik. Yung mga panahong escape stress eating place lang namin ito ni Mina at hindi pa ito masyadong dinarayo at wala pang masyadong tao na kumakain.

Pero ngayon halos punuan na ang kainan ni Nanay.

May isa pang lamesa doon sa pinakadulo ng kainan kaya agad namin iyong inukopa.

"Wow ang ganda at maaliwalas naman dito Alli," mangha niyang sabi habang palinga linga parin ang mga mata sa loob ng kainan. Para siyang bata kung umasta dahil sa hindi parin makapaniwala sa mga nakikita.

"Lagi ka ba rito?" tanong niya ng medjo umokay na siya. "Oo, naging escape stress eating place kasi namin ito ni Mina kaya ganun na nga." sagot ko habang titigan siya sa mga mata.

Ngumite naman siya at umiwas na ng tingin at itinuon naman iyon sa pagpili ng kakainin.

Nang makapili na kami ng kakainin agad naman akong tumawag ng waiter para sabihin at maihain na ang mga iyon.

Pagkatapos naming sabihin ay pinaghintay nalang kami ng mga ilang sandali since ang iba sa mga inorder namin ay lulutuin pa.

And as we waited to our food to be served he asked me a question.

"Ang close niyo masyado ni Mina no?" tanong niya at binalingan ko naman ito ng tingin.

"Oo. Kasi naman siya lang naman diba yung kaibigan ko sa school." sagot ko sa kanya. Ngumite naman ito at pinaglalaruan ang mga daliri sa mesa.

"Ikaw sino ang mga ka close mo doon sa barkada mo?" balik tanong ko sa kanya.

Hindi lang kasi puro lalaki ang mga barkada niya pero meron ring mga babae.

"Wala. Kasi hindi naman kasi talaga nila ako tinuring na kaibigan." napabuntong hininga muna siya bago nagpatuloy. "Gusto lang naman nila akong kaibiganin dahil alam mo na, gusto nilang sumikat. Sikat kaya ako kaya para silang linta kung makadikit sa akin."

Natawa naman ako doon sa sinabi niyang sikat siya.

Oo sikat nga siya pero parang ang baduy lang noong siya na ang nagsabi. Lakas maka hangin.

"Grabe ka, hindi ka naman sikat ah? Hindi nga kita kilala noon e kung hindi mo pa ako inabangan sa cr noon." natatawa kung sabi sa kanya. Remembering all those moments na parang kahapon lang nangyari.

"E paano ba naman hindi mo ako makikilala kung puro libro at aral lang ang inaatupag mo?" natatawa niya ding sagot.

"E ano ba naman kasi ang gagawin sa paaralan kung di ang mag-aral diba?" tugon ko naman.

"Hindi rin naman kasi bawal ang makihalubilo sa ibang tao diba?" may pa taas taas pa siya ng kanyang kilay. Ang gwapo niya lang talaga. Yung tipong walang tapon lahat ng nasa kanya. Parang ginawa talaga siya para may depenisyon ang salitang perpekto.

"At tsaka bakit mo naman alam na libro at aral lang ang inaatupag ko aber?" pang aalaska ko sa kanya. Nag tataka din kasi ako kung bakit alam niya iyon. E hindi naman kami magkakilala dati.

"I was there in the library ng minsang napadaan ako. Nakatulog ka pa nga e, tulo laway pa." sagot niya ng biglang ikinagulat ko. Ako tulo laway hindi no! Ever!

"Huy hindi kaya ako tulo laway. Ang kapal mong damuho ka!" medjo pa hysterika kung sabi sa kanya.

Pero ang damuho tumatawa tawa lang. Sarap sakalin ng wala sa oras. Nag eembento na naman ito panigurado.

Dumating na nga ang  aming pagkain  at yun na nga ang aming pinagkakaabalahan. Busog na busog din kami pagkatapos.

Nandito kami ngayon sa seaside na harapan lang din ng kainan ni Nanay Bebeng. Sabi niya magpapatunaw lang din daw kami ng kinain namin.

Pumayag na rin ako since nakapag paalam naman na ako kay mommy na medjo matatagalan ako ng uwi.

We have a can of bear sa mga kamay namin habang dinadama yung simoy ng hangin at pinapakinggan ang habalos ng mga alon sa dagat.

"My mom," panimula niya. "She arranged me to someone na hindi ko naman kakilala. Of course tumutol ako dahil hindi ko naman mahal iyong babaeng iyon, at bata pa ako para sa mga ganung bagay. Ni hindi pa nga ako naka pagtapos ng pag aaral, papakasal na agad." frustrated niyang kwento.

I feel it too. Yung tipong you can't even control your life because you are just a puppet na kinokontrol.

You can't even have the rights of everything, even freedom kasi para kang nasa kulungan hindi makawala sa katotohanang bilango ka nito.

Tumahimik siya. At biglang nagsalita.
"Kasi may iba akong gusto pero naguguluhan parin ako kung bakit at paano pero tuwing kasama ko siya wala akong problemang pinoproblema kasi siya sapat na. Masaya ako tuwing kasama ko siya." at nang sabihin niya iyon diretso lang ang kanyang mga tingin sa akin.

Nasasaktan na naman ako. Nasasaktan dahil may iba na pala siyang mahal at parang mas pinapadama nito sa akin na kaibigan lang talaga kami at hindi na hihigit pa roon.

Pinipigilan kong lumuha dahil parang ang babaw naman ata kung iiyak ako dahil nasasaktan ako diba? Hindi ko maintindihan kung bakit ko pa ito mararamdaman parang hindi ko deserved ito. Ang sakit e.

At nang sandaliq ding iyon he occupied the space between us and he lift up my face and wiped away the tears na hindi ko namalayan na tumulo na pala.

Nakatitig lang ako sa kanya, ninanamnam ang bawat sandali at nagbabakasaling sana hindi nalang ito matapos.

He smiled at me and whispered something na siya lang ang nakarinig.

And the moment I closed my eyes. I feel his soft and sweet lips kissing my lips so slow. Nagulat ako sa mga nangyayari pero hinayaan ko nalang. Iniisip na sana hindi na ito matatapos magpakailanman.

At pagkatapos ng halik na iyon ay niyakap niya ako at bumulong ulit na ngayon ay rinig na rinig ko na.

I love you.

The Day You Said I Love You (TransgenderxStraight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon