11

70 8 0
                                    

"Mahal kita Jackie"

Madamdamin ang pagkakabigkas ko ng bawat salita na animoy kaharap ko lang ang taong matagal ko ng mahal. Oo matagal na, high school palang kami ng makaramdam ako ng kakaiba sa twing kasama ko si Jackie, yung parang may malilikot na paru parung hindi mapakali sa tyan ko sa twing kasama ko sya. Yung simpleng ngiti lang nya kinikilig na agad ako, yung bawat halakhak nya ligaya ang hatid sa akin, at ang bawat luha nya bigat ng dibdib ang dulot sa akin. Ako ang unang taong nakaalam ng pag kagusto nya sa babae at sa totoo lang lihim akong natuwa dahil akala ko pwede, pero hangang akala lang ako ng naging sila ni Samantha. Pinilit kong maging masaya para kay Jackie dahil masaya sya sa relasyon na meron sila ni Samantha.

"Sa bawat araw wala akong ibang inasam kung hindi ikaw, sinubukan kung pigilan pero hindi ko kaya"
Humarap ako sa salamin para makita ang sariling repleksyon, medyo maitim na ang ligid ng mata ko indikasyon na wala pa akong masyadong tulog, pakiramdam ko din ay bumagsak ng kaunti ang katawan ko. Hinubad ko ang suot na damit at itinakip ang puting tela sa kahubdan ko. Kahit ano pa ang maging desisyon ni Jack matapos ang lakad namin sa lingo igagalang ko, kung kailangan kong lumayo kahit masakit titiisin ko.

"Im sorry Samantha, huli na to"
Mahinang kausap ko sa sarili bago magsimulang maglakad palabas ng kwarto tanging ang ilaw lamang sa kusina ang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng apartment. Inilibot ko ang paningin sa paligid pakiwari koy kinakapus ako ng hangin ng isa isang maglaro sa utak ko ang masayang mukha ni Jackie, kung paano sya matuwa sa mga simpleng paandar ko at kung paano nya sinasabi sa akin ang matatamis na salita. Napapikit ako ng mariin ng parang sunod sunod na sinusuntok ang dibdib ko gusto kong umiyak at sumigaw, hindi ko maikukumpara ang sakit na nararamdaman ngayon nung una akong mahulog sa kabayo.

"Jackie"
Malamyos ang pagkakatawag ko sa pangalan nya, sinundan ko yun ng mahihinang katok sa labas ng pinto ng kanyang kwarto.

"T-Talia?"
Halata sa boses nya ang pagtataka ng makita ako sa labas ng kwarto nya na tanging manipis na tela lamang ang takip sa aking katawan.

Tumingin ako sa mga mata nya salamat sa hatid na ilaw sa kusina na nagbibigay liwanag sa amin ni Jackie. Kagaya ko halata din sa mukha nya na wala din syang matinong pahinga, ilang araw na ba kaming hindi nag uusap? Akala moy hindi magkakilala, ako din naman ang may gusto nun dahil lalo lamang bumibigat ang dibdib ko lalot malapit ng magbago ang lahat.

"I forbid you to speak"
Tinangal ko ang puting tela na syang nagtatago ng kahubdan ko at hinayaang dumausdos yun pababa sa aking katawan, bahagya ko pang naramdaman ang malamig na hanging dala ng de kuryenteng pampalamig ng sa wakas ay malantad ang aking katawan. Kitang kita ko kung paano  ang naguguluhang mata ni Jackie ay dagling napalitan ng paghanga. Ikinawit ko ang dalawang kamay sa kanyang leeg at madaling syang hinila palapit sakin, rinig ko ang bawat pagtambol ng aming fibdib at ang nangangarera naming paghinga ay tila pinag isa. Minasdan kong maigi ang kanyang mukha bawat angulo ay gusto kong ikabisa, palapit ng palapit hangang sa naramdaman ko na ang malambot nyang labi na kumikiliti sa akin.

"I miss you so much Talia"
She manage to say it between our kisses, gustong gusto kong sumagot at sabihing namiss din kita higit sa inaakala mo pero pinilit ko nalang na hindi umimik at mas hinila lamang sya palapit sakin, gusto kung ibigay at iparamdam sa kanyang mahal ko sya at natatakot ako sa bawat araw na hindi ko sya makita at makasama. Kusang kumawala ang kanina ko pa pinipigil na luha dahil sa mga naisip.

"Talia? May problema ba?"
Umiling ako bilang sagot

"Iparamdam mo sa akin na gusto mo ako"
Bulong ko na sa bandang tainga nya, mabilis na gumalaw ang eskperto nyang mga kamay at agad akong pinangko para dalhin sa kanyang kama, nakaramdam ako ng hiya ng pagmasdan nya ako mula ulo hangang talampakan ng ilapag nya ako.

"Napakaganda mo Talia"
Gusto kong isiping mahal na mahal nya ako sa paraan ng kanyang pagkakatitig, na ako ang pinaka importanteng babae para sa kanya. Ipinikit ko ang aking mga mata ng kumilos si Jack para angkinin ang lahat sa akin.

###########

Jack

"Talia, bakit hindi nalang yung kotse ko ang gamitin natin?"
"May naka usap na akong maghahatid sa atin, hintayin nalang natin sandali"
"Sige"
Maya maya pay may pumaradang puting sasakyan sa harap ng apartment, ng masiguro ni Talia na iyon nga ang sasakyan mabilis na kaming sumakay dun. Mukhang alam na din ng drayber kung saan kami pupunta dahil hindi na sya nagtanong para iconfirm yung destination namin.

"Talia? Gusto mo bang matulog muna? Wala ka pang masyadong tulog mula kagabi"
Namula ako ng maalala ang nangyari kagabi, at hindi maitago ang ngiting nagbaling aq ng tingin sa bintana. Para mang teenager pero talagang kinikilig parin ako, hindi ko mailalagay sa salita ang mga paliwanag ngunit isa yun sa mahalagang nangyari sa buhay ko.

"Ikaw magpahinga ka muna, nangingitim na yung ilalim ng mata mo, medyo malayo yung pupuntahan natin, may dala akong sandwich pag nagutom ka"

May isang oras na rin kaming nasa byahe, at hindi ko na namalayan ang bawat detalye ng unti unti na akong igupo ng antok at pagod netong mga nakaraang araw. Gusto ko nalang isipin ngayon na okay kami ni Talia at magiging maayus din ang lahat.

"Jack? Nandito na tayo"
Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa aking balikat.

"Uhmm sorry nakatulog ako"
Ngumiti sya sa akin, ng masigurong nakapag adjust na ako galing sa tulog inaya na nya akong bumaba na sya ko din namang ginawa at ganun na lamang ang panghihina na naramdaman ko ng makita ang nakasulat sa entrance ng building SAN ISIDRO HOSPITAL.

"Anong ginagawa natin dito Talia?"
Sari saring empsyon ang agad umukupa sa sistema ko at hindi ko maitatagong kaba at takot ang nangunguna dito. Matagal ko tong iniwasan bakit kami nandito?? Anong ginagawa namin dito???

Pain of Yesterday (gxg)Where stories live. Discover now