3

83 8 0
                                    

"Wag mo na akong ihatid sa taas, kaya ko na to"
"Sigurado ka?"
"Sige na kuya-
"Ops anong sabi ko sayo tungkol sa pagtawag sa akin ng kuya?"
"Hindi kita ituturing na kaibigan pag tinawag kitang kuya"
"Kaya ang tawag sa akin ay?"
"Miguel"
"Good, sige na akyat kana sa taas"
"Whatever"
"Tawagan mo ako pag may problema"
"Oo"
Mula ng dalhin nya ako sa syudad para ilayo kay papa pinilit na din nya akong tawagin syang Miguel at hindi kuya para daw mas maging komportable at open ako sa kanya tulad ng isang kaibigan. Tumalikod na ako para magsimulang maglakad, malalim na ang gabi at wala na rin halos tao sa labas ng apartment ngunit maliwanag naman dahil sa hatid na ilaw ng buong building, hindi ko na halos napansin ang oras dahil naging napakadaldal nya.

"Finally"
Ramdam ko ang pagod ng sa wakas ay mailapag ko sa island table ang dalawang box na may mga lamang gulay at prutas galing probinsya.

"Grabeng init"
Agad na hinubad ko ang pantaas at pambabang damit gaya ng madalas kong ginagawa, tanging itim na panloob na lamang ang syang natitira kong saplot sa katawan. Agad na dumiretso ako sa ref para kumuha ng maiinom at maibsan ang uhaw na kanina ko pa nararamdaman nasa ganun akong posisyon nang bumukas ang ilaw sa buong sala.

"Jack?"
Tila tumigil ang aking mundo ng marinig ang pamilyar na boses.

"What are you doing?"
Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko ng makita si Talia sa tapat ng kanyang pintuan at ngayo'y nakatingin sa kabuuan ko, parang saglit na nakalimut ako kung paano gumalaw para akong ipinako sa kinatatayuan, hindi naman sa wala akong ipagmamalaki maganda at fit ang build ng katawan ko, pero ang tanga ko lang talagang makalimutang hindi na ako nag iisa at may kasama na ako sa apartment. Agad na ibinalik ko sa ref ang bote ng tubig, madali na pinulot ko ang damit na nakakalat sa lapag at tuloy tuloy na nagmartsa patungong kwarto.

"Pottah naman Jack! pinahiya mo nanaman ang sarili mo"
Mahina at madiin kong kausap sa sarili ng maisara ko ang pinto.

"Jack? Jackie?"
Kasunod nun ang mahihinang katok, hindi ko mawari kong iniinis ba ako ni Talia dahil sa mga nangyayari o may iba pa syang balak. Nagsisimula na namang gumapang sa sistema ko ang inis at hindi ko na nga napigilan ng kusang gumalaw ang aking mga kamay para buksan ang pinto ng kwarto.

"What?!"
Madiin na tanong ko sa kanya

"Kain tayo nagluto ako ng sinigang na hipon"
Nakatingin sya sa mga mata ko at nakikiusap

"Kumain kang mag isa"

"Please"
Typical Talia

"Hintayin kita"
Hinagod pa nya ako ng tingin pababa at taas pabalik sa mukha ko dahilan para ma conscious ako ng sobra, but hey hindi ako nag eexercise for nothing.

"Nice bod by the way"

"I didn't know that your into girls now Talia"
Ngumisi ako sa kanya at nakakainis lang dahil ibinalik nya yun sa pamamagitan ng matamis na ngiti. Okay now Im starting to feel bad.

"Sunod ka nagugutom na ako"
Iyon lang at tumalikod na sya sa akin palayo, just like before when I needed her most. My heart ache when the memries of yesterday started to flash.

"Youre a diagrace to this family!"
Dumadagundong na sigaw ni papa pagkapasok ko sa sala kagagaling ko lang ng eskwela kaya wala akong alam kung bakit sya nagagalit, naguguluhan may sinalubong ko ang mga tingin nya, hindi maitago ng malamlam nyang mga mata ang nagliliyab nyang galit sa akin.

"Pa? Whats going on? Ma?"
Baling ko kay mama na nasa tabi ni papa pilit nya itong pinapakalma, pansin ko ding kumpleto kaming magkakapatid ngunit tahimik silang naka upo sa sofa at sa iba nakabaling ang mga tingin nila. Lalo itong nakadagdag sa kaba at takot na nagsisimula ko ng maramdaman.

"Kuya Miguel anong nangyayari?"
Tanong ko dito ng hindi sumagot si mama, puno ng pag aalala ang kanyang mukha ngunit tikom din ang kanyang bibig.

"Shit"
I gasped for air , pakiwari koy may malaking kamay na nakapulupot sa leeg ko struggling me to death.

"Hindi mo alam? Wala kang alam? Wag mo akong nilolokong bata ka! Ginagago mo ako!"
Nanginginig ang katawang lumapit sa akin si papa, segundo lang ang binilang ng lumapat sa kaliwa kong pisngi ang palad nya. Halos mawalan ako ng panimbang dahil sa lakas ng pwersang natangap ko, alam kong dumudugo ang labi ko ngayon dahil sa naglasang kalawang ang nilulunok kung laway.

"Arturo! Anak mo ang sinasaktan mo!"
Katabi ko na ngayon si mama habang yakap yakap ako ng mahigpit.

"Hindi ko maintindihan ma, bakit?"
Kusang umagos ang masagana kong luha dahil sa halo halong emosyon, pakiramdam ko din ay unti untinng tumatakas ang sarili kong lakas.

"Wala akong anak na lesbiana! Umalis ka sa pamamahay ko! Umalis ka! Nakakadiri ka"

"Jack?"
Tawag ni Talia sa likod ng pinto, bumalik ang sustento ng hangin sa aking dibdib unti unti ko iyong nilanghap hangang sa maging stable na ulit ang paghinga ko.

"Andyan na"
Pinunas ko ang luhang naglandas sa aking mukha akala koy malalagutan na ako ng hininga lihim na nagpasalamat ako kay Talia dahil sa nangyari, inayus ko muna ang sarili at nagpalit ng damit bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Pain of Yesterday (gxg)Where stories live. Discover now