10

68 6 1
                                    

"Miguel anong gagawin ko?"
Sya ang una kong tinawagan para ikwento ang nangyari kaninang madaling araw.

"Bakit mo kasi hinalikan? Binigla mo yung tao e, isa pa sabi ko mag isip ka muna"
"Bakit mo ako pinapagalitan?"
"Pambihirang bata are, pinagsasabihan lang kita, anyways andyan kana wala na tayong magagawa kailangan mo nalang na iparamdam at ipakita sa kanya na sensiro ka sa ginawa mo at nararamdaman .. oh sya sya may meeting pa ako balitaan mo ako"
"Miguel-
toot toot toot

"Arrghhh Miguel!!!"

Mababaliw na ata ako, hinagis ko sa kabilang dulo yung cellphone na hawak at pabagsak na isinandal ang katawan sa sofa, hindi pa lumalabas ng kwarto si Talia mag aalas dos na ng hapon hindi pa yun kumakain at nagugutom na rin ako, hindi pa kami nakakapag usap mula kaninag umaga. Gusto kong malaman kung anong nasa isip nya, paano ko ba mapapatunayang totoo ang nararamdaman ko gaya ng sinasabi ni Miguel?

"Magluto kaya ako? Ipagluto ko sya"
Natuwa ako sa naisip kaya mabilis akong nagbangon para simulan ang maganda kong ideya, well marunong naman akong magluto yun nga lang madalas na wala akong oras o kaya naman ay tinatamad ako.

Hindi ko napansin ang oras dahil sa naging busy ako sa kusina, pero syempre masarap na natapos ko ang chicken adobong iniluto at sobrang proud ako sa sarili ko.

"Talia?"
Tawag ko sa labas ng pintuan ng kwarto niya, mahina ko pa yung kinatok para marinig at makuha ang kanyang atensyon.

"Talia? Ui Beb, gutom na ako"
"Wala sa akin ang kaldero!"
Sigaw nya sa kabilang pintuan, natawa ako ng mahina dahil sa sagot nya.

"Alam ko, pero gusto kong sabay tayong kumain"
"Kumain kang mag isa hindi ako gutom!"
"Nagluto ako ng adobo"
Mabilis na nagbukas ang pinto ng kwarto ni Talia, mariin syang tumitig sa akin na akala mo may krimen akong ginawa ang cute lang kahit nakasuot pa sya ng pantulog.

"Nagluto ka???!"
Hinawi nya ako sa may pintuan at mabilis ang paang naglakad papuntang kusina, nakakatawang ine inspeksyon nya ang stove, mga kaldero at ang exhaust, akala ba nya masusunog ko ang kusina?

"Silly, marunong akong magluto kahit kunti at marunong akong gumamit ng mga yan, halika na kain na tayo nakahanda na ang lamesa at may tea kana din dito"
Pinanghila ko sya ng upuan para hindi na sya makatangi, naka irap syang umupo dun.

"Masarap yan"
Proud at nakangiti kung anunsyo sa kanya sinusubukan ko ding gawing masaya ang awra ko para kahit paanoy mawala yung mabigat na hangin sa pagitan namin. Hinintay ko syang makasubo, at medyo nakampante ako ng tumango tango sya indikasyon na masarap yung luto ko at nagustuhan nya. Tahimik kaming kumain, maya't maya din akong nagnanakaw sa kanya ng tingin ngunit kahit isang beses ata hindi nya ako sinulyapan, nagsisimula ng ma apektuhan ang mood ko nalulungkot ako parang nanakit yung lalamunan ko dahil sa malaking bara.

"Talia?"
Nag angat sya ng tingin sa akin

"Yung tungkol kaninang madaling araw?"
Kinakabahan may ibinukas ko na din ang topic, kailangan namin tong mapag usapan.

"Ipaliwanag mo ang sarili mo Jackie kasi hindi ko maintindihan kung bakit mo yun ginawa"
Napalunok ako dahil sa seryoso nyang awra, ang layo sa usual self nya.

"K-kasi Talia gusto kita"

"Jack"

"Hindi ko alam kung kailan nagsimula at kung paano, nalaman ko nalang nagseselos na ako sa lahat ng lumalapit sayo na masaya ako pag kasama kita"
Nakatitig ako sa mga mata nya at naghihintay sa magiging reaksyon ng mukha nya.

"Baka naguguluhan ka lang"
Malalim syang bumuntong hininga

"No, no Talia alam mong seryoso ako higit kanino man ikaw ang nakaka alam kung kailan ako seryoso at kung kailan hindi"
Nakabibinging katahimikan ang namagitan sa amin matapos, pakiramdam ko yun yung pinakamatagal na segundong lumipas sa talaan ng buhay ko.

"Talia? Wala ka bang isasagot sa sinabi ko I just confessed my feelings to you atleast say something, please"
May lungkot at bigat na mababanaag sa boses ko.

"Sige, kung seryoso ka sumama ka sa akin sa Sunday, may pupuntahan tayo"
Parang iba ang pakiramdam ko dito, but okay sige kahit saan pa yan sasama ako para lang malaman ko ang magiging sagot ni Talia sa akin, muli ko syang tinignan at tinitigan ngunit wala akong galit na makapa sa asul nyang mga mata, ngunit sa halip na galit lungkot ang nakapaskil dun.

"Talia, Kung hindi mo ako gusto maiintindihan ko"

"After ng lakad natin at hindi pa nagbago ang nararamdaman mo sa akin saka tayo mag usap ulit"

"Anong nangyayari? May dapat ba akong malaman?"
Sobra akong naguguluhan, kailangan ko ng sagot pero hindi na sya ulit nagsalita at iniwan na nya ako nang magsimula syang maglakad para pumasok sa kanyang kwarto.

Pain of Yesterday (gxg)Where stories live. Discover now