12

67 5 0
                                    

"T-Talia? Pwede mo bang ipaliwanag sa akin kung bakit tayo nandito? Anong ginagawa natin dito?"
Halata ang panginginig at takot sa boses ko at  aminado akong hindi ko na makontrol ang nararamdaman ko. Palinga linga ako sa paligid na parang may hinahanap at iniiwasan, nasa labas kami ng isang kwarto at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong pumasok dun. Tahimik ang buong pasilyo at may mangilan ilan lamang na mga doktor at mga nurse ang paroon at parito tingin ko ay mga pribadong kwarto ang nandito.

"Im sorry Jack pero sana maintindihan mong para sayo ang ginagawa ko, kailangan mong balikan lahat ng iniwan mo 3 years ago"
"Talia I-I cant Im scared"
May pakiusap na mahihimigan sa boses ko.

"Para sayo to Jackie, pag katapos nito at may nagbago sa mga desisyon mo, igagalang ko yun. Pero pag ganun parin lahat, alam mo kung saan ako matatagpuan, sige na Jack para sa akin nalang, please"
Hindi ko alam kung anong mahika ang binigay sa akin ni Talia para mapapayag ako, natagpuan ko nalang na pinipihit ko na ang doorknob ng pinto, minsan pa akong tumingin kay Talia at ang mga ngiti nya sa akin ang nagbigay ng lakas bago ko tuluyang buksan ang pinto ng kwarto.

Saglit na tumigil ang mundo ko ng sa wakas ay tumambad at mapagsino ko ang nakahiga sa hospital bed, para akong mabibingi sa sariling pintig ng puso na umaabot hangang sa aking ulo.

"S-Samantha?"
Parang pakiramdam ko natuyo ang lalamunan ko at hindi marinig ang sariling boses, habang palapit mas lalong nagiging malinaw sa akin ang pigura nya. Kulay mais parin ang mahaba nyang buhok naaalala ko kung paano lagi nya itong ipinupusod dati, may nakakabit na oxygen sa matangaos nyang ilong para tulungan syang huminga ng maayus halata sa magandang hugis ng kangyang labi ang pamumutla nito. Hapis ang dati nyang  may laman na pisngi ngunit ganun pa may litaw parin ang angkin nitong ganda.

Gulong gulo ako, pakiramdam ko nahulog ang puso ko dahil sa nararamdamang awa kay Samantha, bakit sya nagkaganito? Anong nangyari sa tatlong taong pagkawala ko? Parang gustong sumabog ng dibdib ko dahil sa halo halong emosyon. Nanginginig ang katawang umupo ako sa tabi ni Samantha kinuha ko ang kamay nya para haplusin ito ng malumanay.

"Samantha andito na ako"
Pabulong na kausap ko, nakapikit parin ang kanyang mga mata

"Uhmmmmm?"
Pumiling ng kaunti ang kanyang ulo, bago binuksan ng tuluyan ang kanyang namumungay na mga mata, akala ko hindi ko na ulit makikita ang kulay berde nyang mga mata.

"Jack? Is this a dream?
Mahina ang pagkakabigkas nya at halata ang panghihina.

"No Samantha, this is not a dream Im here"
Hinalikan ko ang kanyang kamay, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata at nasa kin ang kanyang tingin exploring every corner of my face.

"Sorry Baby hindi ako nakapag ayus hindi tuloy ako maganda ngayon"
Parang kinirot ang puso ko at hindi na napigil ang kanina ko pa pinipigil na iyak, suminghot ako ng maraming beses at inangat ng kaunti ang aking mukha para pahintuin ang tuloy tuloy na pagbagsak ng aking luha. Ang sakit sakit ng dibdib ko hindi ko alam kung paano ito ilalagay sa mga salita.

"N-no no, ikaw parin ang pinakamagandang babaeng nakita ko"
Inilapit ko sa aking mukha ang kanyang kamay

"Binobola mo nanaman ako, alam mong mas maganda ka sa akin, lalo na ngayon na nagbago na ang katawan ko"

"Ssssshhhhhhhh"
I hush her

"Alam mo ba nung umalis ka, parang hindi ko na alam kung paano mabuhay but I wont go to details masyado ng madrama yun. You know I hate dramas"
Malalim syang huminga, pero ipinagpatuloy nya parin ang pagsasalita

"But Talia encouraged me not to give up that she will look for you and everything will be fine soon. God knows how I wish for this day araw araw nagdarasal ako sa Kanya humihiling na makita ka ulit."
Pumikit sya at dinama ang kamay ko sa kanyang pisngi, she smiled afterwards

"But 7 months ago I was diagnosed that I have Leukemia, nasa fashion event ako ng bigla akong matumba at mawalan ng malay dinala nila ako sa ospital at dito nga naclarify yung sakit na meron ako."
Ibinukas nya yung mga mata nya at minasdan akong mabuti ang dating matingkad na kulay ng kanyang berdeng mga mata ay unti unti ng nawawalan ng kulay.

"Naalala mo ba dati lagi tayong tumatambay sa rooftop ng school"

"Oo naalala ko, lagi tayong pinupuntahan ng guard dun dahil tayo nalang ang hindi pa umuuwi"
Pareho kaming natawa sa alaala ng kahapon

"Kasi hinihintay nating lumubog ang araw dahil naniniwala tayo sa kasabihan ng matatanda na pagsabay na pinapanood ng magkasintahan yung paglubog ng araw magsasama sila hangang dulo, k-kaya Jackie gusto kung magsorry sayo"
Lumunok sya at ilang beses ding kumurap para pigilin ang pag bagsak ng kanyang luha.

"Uhmm? Bakit naman"
Halata ang pnginginig sa aking boses, gusto kung sumigaw at sisihin ang sarili ko sa mga nakaraang taon nawala ako sa tabi nya.

"Kasi hindi ko na matutupad yun, hindi ko alam kung ilang buwan, lingo o araw nalang ang meron ako, pasensya kana hindi na kita masasamahan sa pag iikot mo dito sa San Isidro, na hindi ko na maaalis yung masasakit at masasama mong alaala dito "
Masaganang bumuhos ang kanyang luha at umaalingaw ngaw sa tahimik na kwarti ang mahihina nyang paghikbi, hindi ko narin napigil ang pagyugyug ng aking balikat at pinawalan ko ang mahinang pagtangis.

Pain of Yesterday (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon