7

68 7 0
                                    

"Pag may tanong pa kayo tungkol sa lesson dont hesitate to ask, okay?"

Tumango tango pa siya bago tuluyang ibaba ang video call, online teacher sya sa math at sobrang busy nya ngayon wala nga syang panahon ngayon para mangulit, ibinaba na nya ang wireless headset at bahagyang inunat ang mga kamay pataas bago bumalik ulit sa kaninang ginagawa. Pansin kung suot nya ang bilog nyang eye glasses habang itinali naman nya pataas ang tuwid nyang buhok, napalunok ako ng muli kung pasadahan ang magandang mukha ni Talia well hindi ko itatanging sexy sya.

"Why?"
Tanong nya ng mapansing nakatingin ako sa kanya.

"Hindi kaba magbrebreak? Alas dose pasado na"
"Sorry beb, tapusin ko lang to kunti nalang"
Ibinalik na nya ulit ang buong atensyon sa kanyang laptop, maya maya ding may isinusulat sya na kung ano sa kanyang itim na notebook. Nakakamiss din pala ang kakulitan ni Talia.

"Talia?"
Tawag ko sa kanya, tumayo ako sa mahabang sofa para magtungo sa likod nya at silipin yung kanina nya pa ginagawa, mukhang nagsesend sya ng mga easy calculations sa mga estudyante.

"Yes beb?"
Wala ang atensyong sagot nya sa akin

"Im hungry, magluto kana please"
Niyakap ko sya sa likod at bahagyang inamoy ang mabango nyang leeg, matagal ko ng gustong gawin to at hindi ko maintindihan kung bakit.

"Clingy much Beb?"
Lumingon sya sa gawi ko dahilan ng isang dangkal naming pagitan, tila nahigit ang hininga ko ng marealize kung gaano kami kalapit sa isat isa. Napako saglit ang mga mata ko sa mapula nyang labi at tila dinadaya ako ng aking mga mata ng mapansing ganun din sya sa akin.

"A-ahem Beb? hindi ko alam na may pag nanasa ka sa akin"
Pilya syang ngumiti sa akin para tapusin ang staring contest namin, tumayo na ako at naglakad papuntang kusina para itago ang pamumula ng aking mukha hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Ui beb galit ka?"
Nakasunod sya sa bawat galaw ko kaya umiwas ako at nagtungo sa ref para icheck narin kung ano ang pwede kong iluto.

"Hindi"
"Bakit pala ang sungit mo?"
"Wala"
Inilabas ko ang isang buong manok at nilagay sa sink, ipririto ko nalang to ng buo, kidding.

"Wala daw pero ang sungit sungit naman"
Bulong nya na narinig ko naman.

"Para ka kamung ewan, ako na nga dyan"
Kinuha nya sa akin ang manok at padabog yun na hinugasan. Nag aaway ba kami?

"Talia?"
Hindi sya umimik

"Hindi ako galit"
Bakit parang ang ending ako ulit ang mali, lakas namang makaguilty.

"Ui?"
Niyakap ko sya mula sa likod admiring the curved that she have,

"Beb? Im sorry"
I even kissed her cheek malapit sa dulo ng kanyang labi, para akong nakiliti.

"Hindi ka galit?"
Umikot sya sa gawi ko, pero hindi parin ako humihiwalay sa pagkakayakap sa kanya.

"Hindi"
Ngumiti sya sa akin

"Good, hiwain mo yung manok ah tapusin ko lang yung ginagawa ko"
Napakamot ako sa dulo ng kilay ko ng ibigay nya sa akin yung kutsilyo at chopping board. Talia, naisahan mo na naman ako nangingiting sinimulan ko ng hiwain ang gawain na iniwan nya sa akin.

######

"Beb?"
"Oh?"
"May date ulit ako mamyang gabi ah"
Nabulunan ako sa kinakain

"Okay ka lang?"
Nasa tabi ko na sya at bahagyang hinihimas ang likod ko madali ko namang kinuha ang baso ng tubig para inumin.

"Im fine"
Umubo ako ng kaunti para alisin ang bara sa aking lalamunan, bumalik na rin si Talia sa kaninang kinauupuan.

"Dahan dahan ka kasi"

"Pang ilan mo na ba yan ngayong buwan?"

"Lima? Ewan ko I lost count"
"Tigil tigilan mo na yan Talia, nung una niloko ka, yung pangalawa mabaho kamo yung hininga, yung pangatlo muntik ka ng awayin nung tunay na asawa napapahamak ka sa ginagawa mo e"
Sermon ko sa kanya, halos dalawang buwan na syang nakikipagdate para daw hanapin ang true love nya.

"Beb promise iba tong si Dave, kapatid sya ng katrabaho kung teacher Im sure matino to"
Hindi na ako umimik ng tuloy tuloy syang magkwento tungkol sa asungot na si Dave.

"Beb, please?"
"No, sasama ka sa akin mamya walang pupunta sa date"

Hindi na ako nagbaling pa ng tingin sa kanya at tuloy tuloy lang sa pagkain. Alam kung hindi ko dapat sya hinahadlangan sa mga desisyon nya pero.... pero natatakot akong makuha sya ng iba at nakawin ang oras na para sa amin. Arrgghhh nababaliw na ata ako!

Pain of Yesterday (gxg)Where stories live. Discover now