6

91 10 0
                                    

"Samantha?"
Lumingon sya sa akin at mabining ngumiti ng magtama ang aming paningin, nasa rooftop kami ng school building at minamasdan ang papalubog ng araw.

"Uhmm?"
Saglit ko syang minasdan bago nagsimulang maglakad palapit sa kanya, isinasayaw ng hangin ang mahaba at alon alon nyang buhok na umaabot sa kanyang beywang.

"You are so gorgeous"
Niyakap ko sya sa likod at itinago ang mukha ko sa kanyang balikat, tumawa sya ng mahina ng maglakbay ang kamay ko sa flat nyang tyan. Dahilan, para magsiliparan ang paru paru sa aking tyan sya lang ang may kakayanang magparamdam sa akin ng ganito.

"Im so inlove with you Samantha"
"And I love you more, You and your sweet words"
Humarap sya sa akin at masuyong hinaplos ang aking pisngi,

"Come back to me Jackie"

Biglang gumuho ang building na kinatatayuan namin at nagkukulay dugo na ang buong paligid, takot ang naramdaman ko ng magsimula syang malaglag sa kawalan pilit kong inaabot ang kanyang kamay ngunit unti unti ng kinakain ng dilim ang kanyang pigura.

"Hanapin mo ako, mahal na mahal kita"
Alingaw ngaw nalang ang tangi kong narinig ng tuluyan na syang mawala sa karimlan.

"Samantha!!!!!!"

"Beb?"
Mahinang uyog ang naramdaman ko sa aking balikat, pulling me back to reality.

"Hey?"
Bati ko kay Talia ng makita ang nag aalala nyang mukha, sa sofa na naman pala ako nakatulog kagabi. Hinawi ko ang blanket na nakatakip sa akin dahilan para malaglag ito sa carpeted floor, hindi ko na muna pinagka abalahang pulutin yun at inuna ko munang icheck ang schedule ko sa cellphone.

"Bad dreams?"
Nagsimula na syang maglakad patungong kusina, nakasuot lang sya ng malaking tee dahilan para itago ang magandang hubog ng kanyang katawan, nakatali din pataas ang buhok nya exposing her sexy nape.

"Yeah, Samantha"
Tiniklop ko ng maayus ang blanket at pinagkaabalahan ko na ding ayusin ang sala.

"W-what about her?"
Mahina ang pagkakabigkas nya na halos hindi ko maintindihan but I manage to hear the last word.

"Uhm, what about it?"

"Nothing, may lakad ako mamyang gabi ah, but dont worry ipagluluto na kita ng dinner bago ako umalis"
"You dont have to, papadeliver nalang ako later"
"Wag kang makulit dyan, mas masarap ang luto ko"
I agree, umupo ako malapit sa island table at nangalumbaba habang pinapanood sya, kasalukuyan nyang inaayus at inihahanda ang mga rekado sa iluluto itinabi nya ito matapos para kumuha ng tasa at magtimpla ng kape, kumunot ang noo ko if I remember correctly hindi sya nagkakape.

"Oh"
Ibinaba nya sa tapat ko ang mainit at mabangong kape, I smiled at her mukhang nasasanay na ako sa pag aalaga nya.

"Thank you, saan nga pala ang lakad mo mamya?"

"Mabuti tinanong mo"
Huminga sya ng malalim, ang weird nya ata ngayon well lagi naman pero parang mas weird sya ngayon.

"May blind date ako!"
Tumaas ang kanyang boses, bahagya din syang tumalon na parang bata dahil sa excitement.

"Are you not happy for me? Magkakalove life na  ang beshy mo sa wakas"
Lumapit sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit, 23 palang sya pero parang nagmamadali na sya sa relasyon.

"Saan mo nakilala ang pangit na yan-Ouch Talia!"
Muntik ko na ding matabig yung kape dahil sa pagkakabigla ng kagatin nya yung tainga ko. Sinamaan ko sya ng tingin pero inirapan lang nya ako, bakit parang kasalanan ko pa? Geez girls.

"FYI sobrang pogi nya and his name is Brian, half american sya like me at nakilala ko sya 1 month ago sa Insta"

"Ihahatid kita mamya, and I'll be around hangat di ko sigurado na safe ka"
Humigop ako ng kape, mabilis na naglakbay ang mainit na pakiramdam sa inaantok ko pang katawan.

"Nooooooo!!!! You will ruin our evening"
Exaggerated pa syang pumadyak, but no hindi tatalab sa akin yan.

"Wag mo akong artehan Talia Gomez"

#########
Talia

Wala na din akong nagawa ng ihatid ako ni Jackie sa restaurant kung saan ko kikitain si Brian, 5 minutes bago ang napag usapan naming oras.

"Im so nervous, paano pag di nya ako nagustuhan"
Hindi ko na maitago ang nararamdamang kaba.

"Maganda ka Talia, dont worry to much every men will go gaga pag nakita ka"
Pinisil nya ang kamay ko bago ako halikan sa noo, sa totoo lang arggh! ayoko ng isipin stop brain! stop!

"You know what to do pag ginawan ka ng masama, right?"
Itinago nya ang ilang buhok ko sa likod ng tainga ko sliding her slender fingers to my chin, slowly brushing it using her thumb, and It felt so weird ng may maramdaman  akong kuryente na galing sa kanya dumaan yun sa bahagi ng katawan ko.

"Yes ma"
Ngumiti sya sa lame joke ko, pansin kong napapadalas na ang pag ngiti nya its a good sign right?

"Wait lang"
Nagtataka akong tumingin sa kanya ng lumabas sya ng kotse para umikot sa side ko at pagbuksan ako ng pinto.

"Thank you"
"Susundan kita sa loob pag hindi ako naka receive ng messages galing sayo after 10 minutes okay?"

Napakaparotective naman, tumango nalang ako sa kanya bago tumalikod at maglakad papasok ng restaurant confident about my looks.

Malayo palang ay nakita ko na si Brian, but wait! Teka teka lang! mabilis ang hakbang na nagtungo ako sa table kung saan may kalaplapan sya. What a fucking asshole!

"Excuse me?"
Tawag ko sa atensyon nila, mabilis namang nagbitaw ang mga labi nila halata ang gulat sa mukha ni Brian ng magbaling sya ng tingin sa akin para pa akong may nakitang laway na bumanyoyok sa pagitan nila. Gross

"Hello Brian, and to you miss?"
"Cassandra"
Ngumiti sa akin ang babaeng mukhang pinick up lang sa isang bar dahil sa kapal ng kanyang make up.

"Hello Cassandra, oh and Im sorry Mr. Brian mukhang mali ang timing ko"
Ngumiti ako sa kanya flipping my hair like a bitch bago tuluyang iwan ang table nila naramdaman ko nalang na nakasunod sya sa akin habang tinatawag ang pangalan ko.

"You got it all wrong Talia, wait up!"
Mabilis na hinanap ko ang kotse ni Jackie pagkalabas ng restaurant agad ko naman yung nakita dahil nasa labas sya ng sasakyan at cool na cool na nakasandig dun.

"Whats happening?"
Hindi pa ako nakakalapit sa kanya pero kita ko na agad ang salubong nyang kilay, mabilis nyang binuksan ang pinto at agad itong isinara ng makasakay ako sa loob.

"Talia?"
Katok ni Brian sa bintana ng kotse

"Im sorry, who are you?"
Rinig ko ang malakas at intimadating na boses ni Jackie, binuksan ko ng bahagya ang bintana para madinig ang pag uusap nila

"Im sorry mate, I just need to talk to Talia"
"Was it not yet obvious? She doesnt want to, dont bother her again"

Puno ng pagbabanta ang tinig ni Jackie, serves him right mukha syang kulugo ng ihatid nya ng tingin ang papalayo naming sasakyan. I cant believe it nag ayus ako para sa mahilig na yun ewwwww!!! Ayoko nga ng babaero che!!

Pain of Yesterday (gxg)Where stories live. Discover now