4

83 7 0
                                    

"Alam mo ang awkward nito"
Simula ni Talia, ibinaba nya ang kutsarat tinidor saka ibinaling sa akin ang buong atensyon.

"Pwede kang umalis if you find it awkward"
Sumandal ako sa kinauupuan matapos ilapag ang baso ng tubig sa pabilog na lamesa blangko akong tumingin sa asul nyang mga mata. Gusto ko syang batiin sa pinapakita dahil pinipilit nyang maging kalmado kahit pa halata sa mga ikinikilos nya ang halo halong emosyon na nararamdaman.

"Please Jackie mag usap tayo ng maayus, like a matured person"

"Oh yeah?"
Ngumisi ako at umiling

"Hindi na tayo mga bata

"Pwede mo ba akong pakingan?"
Para na syang pipiyok dahil sa pinipigilang pag iyak, nagsisimula na ding mamula ang ligid ng kanyang mga mata.

"I dont know, parang wala ata ako sa mood"
Kunwari akong humikab para ipakitang hindi ako interesado sa mga sasabihin nya.

"Pasensya kana Talia gusto ko ng matulog"
Tumayo na ako sa kinauupuan para simulang ligpitin ang mga pinagkainan ako ang nakatukang maghugas dahil sya ang nagpresentang tiga luto, tatlong lingo na ang mabilis na lumipas mula ng lumipat si Talia dito sa apartment ngunit mabibilang lamang sa daliri ang mga pagkakataong nag uusap kami kahit pa sabihing sa bahay lang kami madalas dahil parehong online ang trabaho namin.

"Nahihirapan na ako, its suffocating"
Halata sa boses nya ang garalgal ilang beses pa syang lumunok para siguro tangalin ang nakabara sa kanyang lalamunan. Gusto ko mang umupo at kausapin sya kagaya ng dati malaking parte ng kalooban ko ang humahadlang, sorry Talia pinatigas na ng panahon ang ilang bahagi ng puso ko.

"Ganyan ka na ba katigas?"

"Goodnight Talia"
Inilagay ko na sa sink ang mga plato mukhang bukas ko na sila mahuhugasan.

"Jackie Lacuesta nag uusap pa tayo!"
Tumigil ako sa paghakbang at muling humarap sa kanya nakatayo na sya ngayon at namumula narin ang makinis nyang pisngi, tinawag na nya ang buong pangalan ko indikasyon ng kanyang galit. Ang hot nyang tignan baliw ba ako kung sasabihin kong gusto ko syang tinititigan pag nagagalit.

"Nakakairita na yang pinapakita mo! Magkasama nga tayo dito pero para naman akong hangin kong itrato mo! Ginagawa ko naman ang lahat para bumalik tayo sa dati pero twing humahakbang ako sayo palapit pinaparamdam mong may malaking pader sa pagitan natin! Jackie bestfriend tayo we are best from the best anong nangyari?"

"We used to Talia 3 years ago, hindi na ngayon "

#####
Talia

Para akong sinaksak sa dibdib ng paulit ulit, inaasahan ko na ang mga ganitong eksena at ang matatalim nyang salita na tumatagos hangang sa buto ko idagdag mo pa ang mga pinapawalan nyang ngiti na hindi naman umaabot sa magaganda nyang mata. Pero iba parin pala pag nasa mismong sitwasyon kana nakakapanghina yung tipong gusto mo nalang takasan yung sitwasyon, o kaya naman ay gumising dahil para itong masamang panaginip. Pero hindi e ang layo layo na ni Jackie sa dati kong nakilala at nadudurog ang puso ko dahil sa mga pinapakita nya. Nasasaktan akong makita na ganito sya binago ng insedenteng yun 3years ago.

"Kuya Migs? Nasaan si Jackie? Bakit sya Nagdrop out sa school? Lilipat na ba sya?"
Sunod sunod na tanong ko ng sa wakas ay kausapin nya ako, napilitan syang bumaba sa sinasakyang motorbike ng harangin ko iyon sa daan. Isang lingo na ang mabilis na dumaan pero ni anino ni Jackie hindi ko na nakita buhat ng naghiwalay kami sa tapat ng gate ng school.

"Kuya Migs please sabihin mo sa akin kong nasaan si Jackie"
Bumagsak na ang kanina ko pa pinipigil na pag iyak halata na rin sa akin na wala pa akong halos maayus na tulog kaka search sa internet ng mga naglahong account ni Jackie. Para na akong mababaliw kakaisip sa mga pinapaniwalaan nyang mali tungkol sa akin.

"Im sorry Talia I cant but dont worry, she will reach you pag okay na sya just give her time to recover Jackie is broken right now and vulnerable"

"Thats the reason why I really need to be with her, Im her best friend please kuya Migs"
Halata sa mata nya ang pag aalinlangan, makailang beses ding bumuka at sumara ang kanyang labi ngunit pinili nyang huminga ng malalim matapos.

"I really cant Talia, Im sorry"

"Alam mong hindi ko kayang gawin na saktan ka! Alam mo ding ako ang unang nasasaktan pag may nangyayari sayong hindi maganda, Puta naman Jackie kilala mo ako dapat ikaw ang unang naka alam kong totoo ba yun o hindi! Magkasama na tayo nasa mga lampin palang tayo pero bakit mo isinara ang pinto mo sa akin? Bakit ka naniwala without asking me?! Bakit di mo ako tinanong Jackie?"
Tuloy tuloy ako sa pagsasalita na parang nakalimutan ko na ngang huminga, kasunod nun ang kanina ko pa pinipigil na pag iyak at hikbi nakita kong lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Jackie.

"Tinanong mo ba ako kung bakit kumalat ang video niyo ni Samantha gamit ang account ko? Hindi diba? Bigla kang nawala na parang bola! iniwan mo ako, bawat araw halos mabaliw na ako kakaisip kung kumusta kana, kung kumakain kaba ng maayus baka kaku nangayayat kana, kung makikita pa ba kita, kung makakapag usap pa ba tayo at kung babalik pa ba tayo sa dati, Miss na miss na kita Jackie"
Wala na akong paki alam sa itsura ko pakiramdam ko din ang pangit pangit ko na ngayon at feeling ko naghalo na yung sipon at luha ko, matagal ko tong kinimkim at dinala sa dibdib ko and I wont let this chance to slip away.

"Do you remember Justin? Yung mestisong kulugo na feeling gwapo na nagkakandarapa sayo? Nalaman kung sila ang nagnakaw ng account ko at nagpakalat ng video tinulungan ako ni Samantha at ng pamilya nya para i block at burahin lahat ng videos nyo."

"Talia?"

"Alam mo ba, halos araw araw na akong binubully ng grupo ni Justin sa school nun, okay lang sana e kasu dinadawit ka nila nung hindi ko natiis nag drop out at lumipat nalang ako ng ibang school, total wala ka naman na dun"

"Im sorry Talia, Im so sorry"
Lumapit sa akin si Jackie hushing me like a baby, ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang mahahaba nyang braso na pumulupot sa akin giving me comfort and warmth just like before.

"I miss you too Talia, God knows how"
Hearing those words from Jackie made me calm pakiwari koy nasa dalampasigan ako at naglalaro sa mumunting alon ng dagat habang nasa dulo si Jackie at naghihintay sa akin.

"Jackie, I feel like Im home"
Naramdaman ko nalang ang kanyang labi sa aking noo bago magsimulang kainin ng itim na kulay ang buong kwarto.

Pain of Yesterday (gxg)Where stories live. Discover now