"Ate, why are you blushing?" Hindi ko alam kung nagtatanong ba nang maayos si Karla o nang-aasar. May bahid kasi ng pang-aasar ang tono ng boses niya.

"Ako? Namumula? Baka dahil sa lamig…"

"Hellapig, you look like a pig now. You're blushing, huh? Girl mode is on, huh?"

Nagbaba ako ng tingin. Mga talipandas! Bakit nga ba ako namumula?

Lumabas na kami patungo sa garden. Sumunod lang ako kung nasaan sina Tita Ginnie ngunit sinama nila ako sa mga barkada ni Gariel. Mga ka-edaran ko lang din.

"D'yan na lang po ako, Tita."

"Stay there, Sane. Para naman magkaroon ka ng bagong friends!"

Hindi na lang ako nagreklamo pa. Bahagya kong inusog ang upuan ko at nagtago sa likod ni Gariel. Mabuti na lang medyo madalim sa pwesto ko kaya walang masyadong makakapansing sa akin.

Itong si Gariel, abala sa kausap niya. Ang narinig ko kanina, ka-member niya yata ito sa gig na pinupuntahan niya.

Bored na bored na ako rito. Wala akong makausap. Natanaw kong nagse-serve na ng mga pagkain sa ibang table.

"Good evening, Miss Beindz."

Umangat ang tingin ko roon. Nakita ko si Syrone. Ngumiti ito sa akin.

"Did you cut your hair?"

"Obvious ba?" asik ko. "Mukha bang pinahaba ko?"

He chuckled and shook his head. "You haven't read my messages, have you?"

May isang bakenteng upuan sa katapat ko. Umupo siya roon. Hindi pa rin niya inaalis ang paningin sa akin.

"Nabasa ko, wala akong load kaya hindi ako nakapagreply."

"Ah, okay. By the way, you look more prettier today."

"Thanks," bagot kong wika. Gumaganda naman talaga ako bawat araw.

Maya-maya pa ay may narinig naman akong ngumisi ng matunog. Napalingon ako sa taong iyon.

"Torpe," bulong niya pa. Hindi ko naman masyadong naintindihan ang sinabi ni Gariel.

"Miss Beindz..." si Syrone ulit.

"Bakit?"

“Sorry about last time. Na-review na namin ang CCTV footage—”

"Wala na akong pakialam doon."

Naglapat siya ng labi. Nagbaba ng tingin at mahinang tumango. Tinutukoy niya siguro 'yung sa pagitan naming dalawa ni Jameson.

"Okay, Miss Beindz. Still, I want to say sorry."

Tinanguan ko na lang siya. Wala naman na akong sasabihin. At saka, bahala na sila doon. Nasa kanila na ang pera at hindi ko naman talaga ninakaw iyon.

May narinig akong tumikhim. Sa kabilang side ko. Nakita kong nakatayo roon si Ohne.

"Are you guys hungry now?"

Sumagot ang ilan sa kaniya. Binaling ko ang paningin ko sa harap kung saan may bandang nagpe-perform.

Mayamaya pa'y napalitan ang kantang pinapatugtog. Sumakto pa talaga sa favorite song ni Gabrielle. Ang One Day.

My hands started to tremble. Napahinga ako nang malalim at kinuha ko ang isang basong tubig sa table.

Hindi dapat ako nangingnig ng ganito. Kumalma ka, Rosane! It was just a freaking song!

Dumating ang mga pagkain sa hapag. Doon nabaling ang atensyon ko kaya hindi ko na masyadong napansin ang tugtog. Nakita kong puro karne ang nakahain kaya konti lang ang kinuha ko.

MADNESS IN LIFENơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ