"Inaayos ko lang ang sched ko," pinakita ko pa sa kanila. "Kakain na muna ako ng lunch, para masimulan ko na ito at para maaga akong makatapos. Ang hirap kaya ng pinapagawa n'yo at ako lang ang maniningil mag-isa."

Sinandya kong iparinig ang huling sinabi ko. Nakakabwisit!

Sinimulan kong pagsama-samahin ang mga folder at sinilid iyon sa bag. Tumayo ako, lumakad na ako patungo sa pinto ngunit napahinto rin ako nang sabay-sabay silang nagsalita.

"I'm going to eat na rin, Ate Rosane!"

"Sama mo ako witch!"

"Sabay na tayo!"

"Count me in!"

"Let's eat together, guys!"

Bahagya akong nagulat pero hindi ko pinahalata. Naglapat ako ng labi. Mga weirdo!

"Hindi kayo magluluto rito?"

"No," Syrone answered. "Sa Cafeteria kami kumakain kapag lunch. Can we have lunch with you?"

“Kayong bahala.”




_



When we arrived at Cafeteria, I felt awkwardness. Sinong hindi maa-awkward sa ganitong kalagayan?

Napapagitnaan ako ni Ohne at Syrone. Bwisit! Pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga.

Nag-unahan kasi sila sa pag-upo. Ang p'westo na lang kanina ay ang pagitan nilang dalawa, nahuli na rin kasi akong umorder ng sarili kong pagkain. Sila naman ay inutusan si Ramil at Jameson para bumili ng mga pagkain nila.

Nagsimula kaming kumain nang dumating ang dalawa. Habang kumakain ako, pansin kong may iilang pares ng mata ang nakamasid sa akin. Hindi ko na lamang pinansin at tinuon ko na lang ang aking atensyon sa kinakain.

Naubos ko na chicken curry with rice. Sa totoo lang, simula nung nawala si Chef Ronnie, parang hindi na maganda sa panlasa ko ang mga hinahain nilang ulam. Parang walang lasa. Ewan ko ba.

Sunod kong kinain ang cheese burger na binili ko. Ilang sulpakan lang ang nangyari dahil puro hangin at ang nipis ng patty. Nginuya ko nang nginuya iyon. Sunod kong dinampot ang siopao, sandali akong napasimangot dahil lumamig na ito.

Dapat pala ito ang inuna kong kinain.

"Ang lakas n'yang kumain..."

Nang maubos lahat ng kinakain ko, diretso kong ininom ang isang bote ng tubig. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng blazer ko at pinunas iyon sa aking bibig.

"Mauna na ako sa inyo," usal ko, sunod kong binalingan ang katabi ko. "Ohne, paraanin mo ako."

Nakaharang kasi siya at doon lang ang pinakamalapit para makaalis ako sa upuang ito.

"Later, woman. You still have 15 minutes, papabain mo muna ang kinain mo."

Napairap ako, mukhang wala talaga siyang balak na paraanin ako. Pansin ko ring hindi pa siya tapos kumain. Nagkibit-balikat na lang ako.

Nakapa ko ang aking cellphone sa bulsa ko, kahit barag-barag na ito, nagagawa pa rin nitong mag-function.

Nang ma-i-power on, sunod-sunod na messages ang pumasok. Galing lang iyon sa killer. Hindi ko ito binasa dahil marami tao ang nakapaligid sa akin.

"Daming ka-textmates," bulong ni Syrone. "Do you have already suitor?"

"Mukha bang kaligaw-ligaw ang mukhang 'to?" tanong ko. Ngumiwi ako, saka binalik sa bulsa ang cellphone.

MADNESS IN LIFEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant