CHAPTER 10

118 12 0
                                    


"Bibili ako nang pagkain sa canteen. Anong gusto mo?" sabay kaming pumasok ni Kyle. Hindi pa rin mawala sa isio ko si Kyle at si Juliet. Kanina ko pa sila tinitingnan dalawa pero wala naman akong napapansin. Maliban na lang sa lagi nalang nakaharao si Kyle sa cellphone niya at may ka text.


"Anything, Rian. Ikaw nalang pumili ha." hindi siya nag-offer na samahan ako. Napapansin ko na talaga ang pagbabago niya.


Hindi ko na siya tinanong ulit at tumalikod nalang. Dali dali naman akong pumunta sa canteen. Mahaba ang pila kaya kailangan ko pang maghintay nang ilang minuto.


Maya-maya'y narinig ko ang malanding tawanan at ang matinis n boses ni Juliet, kasama ang mga kaibigan niya. Pumila rin sila at sakto namang magkasunod kami.


Naguusap-usap sila tungkol sa kung ano at bigla na namang magtatawanan. Madami tulog ang tumitingin sa gawi namin dahil sa ingay nila.


"Ang bilis nga niyang magreply eh! Hindi na ako naghihintay nang ilang minuto!" pagyayabamg ni Juliet sa mga kaibigan niya.


"Ang swerte mo Juliet! Ang bilis mong nasungkit ah. Mabuti at pinansin ka na. Hindi na ba nababakuran nang maayos?" nagtawanan ulit sila nang sobrang lakas. Naptigol ako at pinilit na pakinggan ang mga sasabihin niya. Nararamdaman kong pinaparinig talaga nila sakin.


"Oo nga eh, baka nagsawa na sa bestfriend. Isa pa, boring rin kayang magbaby sit palagi. Baka gusto na niya nang thrill amd fun" rinig na rinig ko ang pang-uuyam sa boses ni juliet. Baby sit?! Hindi niya ako hinebaby sit! He is just protecting me! And he is doing it voluntarily!


I can already feel the ache in my heart. Parang namumuo na ron ang luha sa mata ko. Pero hinding hindi ko ipapakita sa kanya na naaapektuhan ako. Malay ko bang nagsisinungaling lang siya at nagpapasikat. Hindi dapatsko magpa apekto.


Sa wakas at ako na ang oorder. Bumili lang ako nang mac n cheese para kay Kyle at carbonara sa akin at dawang bote nang tubig.


Habang nagbabayad, napatigil ako at mas sumakit ang puso ko sa narinig.


"At alam niyo ba, hinatid niya 'ko sa house yesterday! Ang gentlman nga eh. We went to the mall kasi after class. And I can see na he really enjoyed my company. Sa bagay, hindi naman siya laging nakakapagsaya kasi busy siya kakasunod sa isa jan"


Nakumpirma ko na talaga na ako ang pinaparinggan niya. So, totoo nga. They were together yesterday. And Kyle never bothered telling me. Hindi ba talaga siya masaya sakin? Nabobored ba siya sakin?


Sa tagal naming magkasama ni Kyle, never niyang sinabi sakin na napapagod at nabobore na siya sakin. Pero kusang loob naman siyang sumasama sakin ah?


Dali dali akong naglakad pabalik sa classroom, nakita ko pa ang nang-aasar na ngisi ni Juliet at mga kaibigan niya pagkaalis ko.


Inilapag ko lang ang pagkain ni Kyle sa harap niya ang lumapit kela Troy para kunyaring makisali sa usapan. Nagtatawanan sila Troy pero eto ako, pinaglalaruan ang Carbonara habang nakatulala at nag-iisip.

EVER SINCE WE WERE TENWhere stories live. Discover now