CHAPTER 6

136 11 0
                                    

It's been a week simula nung encounter namin nila Juliet sa banyo. Hindi naman na nila ako ginagalaw pero sa tuwing nagtatagpo ang landas namin, they always have that annoying smirk on their faces.


Nararamdaman kong I become sadder and sadder everyday. Hindi ko alam and dahilan sa dami nang iniisip ko ngayon. I became a little distant to Kyle. I still act normal towards him pero hindi ko na sinasabi sakanya laha. He didn't even know about my encounter with Juliet. Alam kong napapansin niya 'yon but as usual, he still chose to be considerate and understanding.


Isang linggo na ring hindi umuuwi si mommy pati si daddy. Hindi naman na bago yun pero this time, none of them bothered to call kahit mangumusta man lang. It makes me sad of course. Kahit naman sabihin kong nasanay na ako, hindi ko rin maiwasang malungkot.


"Ate Melai, tumawag po ba sila mommy sayo?" tanong ko sa yaya ko. Anak siya nang Yaya ko noon. High School na siya nung nagtrabaho ang mamaniya dito, pero nung nagkasakit na ang mama niya, siya ang pumalit.


"Yung daddy nyo lang po ang tumawag. Ibinilin niya lang po na ipapadala niya ang credit card niya next week para sa birthday mo daw." atleast naalala ni daddy ang birthday ko.


"Ah, wala na po siyang ibang sinabe? Uuwi raw po ba siya?" alam kong hindi pero nagbabakasakali pa rin akong uuwi siya, sila, para sakin.


Tiningnan lang ako ni ate Melai, sanay na rin kasi siya kina mommy at daddy at alam na rin niya ang sagot sa tanong ko. Kita ko ang lungkot at awa sa mga mata niya kaya idinaan ko nalang sa tawa.


"Sige ate, wag mo nang isipin yon. Aalis na 'ko." agad akong nagpaalam at pumunta na sa bahay nina Kyle.


Paglabas ko nang bahay, nasa labas na pala ang kotse ni Kyle at andun siya sa loob nag sasound trio.


"Ang aga mo ngayon ah?" nagtataka ako kasi it's unusual for him na mauna sakin. Antagal niyang gisingin eh.


"Wala lang. Para maiba. Ayaw mo nun, maaga na tayong makakapunta sa school." hinayaan ko nalang siya at nag cellphone nalang rin ako.


Habang nasa classroom, wala sa klase ang isip ko. Kung saan saan nalang lumilipad ang diwa ko. Kay mommy, kay daddy, kay Kyle. Hindi ko na alam. Natatakot ako na baka isa isa silang mawala sa'kin. Wala akong gani buong maghapon at hinayaan nalang din ako ni Kyle.


"Are you ok? Kanina ka pa matamlay." he asked at pinakiramdaman ang noo ko kung may lagnat ba 'ko.


"I'm fine Kyle. Bilhan mo nalang ako nang juice sa cantee, pleaseee" inutusan ko nalang siya para makaiwas sa mga follow-up questions. Mukhang absent si Juliet kasi ang tahimik nang classroom eh.


Habang hinihintay si Kyle, I received a message. It's from Daddy.


Daddy

We have to talk about something when I get back home.


Tungkol saan naman kaya? Hindi ko  alam pero kinabahan ako. Ano na naman ba ang nasa isip ni dad? Is it about mom? 


Lumabas muna ako nang classroom and tried to call my dad. Hindi niya sinagot ang unang tawag ko, and the second call was answered by his secretary. May meeting pa daw kaya tatawag nalang ako ulit mama.


I tried calling mom too, hindi ko siya macontact. Maybe she's out of the country, pero I have a bad feeling about this.


I know, it looks like I'm over reacting, but my dad never asked me for a "talk" ever since. Minsan nga lang niya akong tinetext, that is why grabe nalang ang pag-aalala ko. I just decided to text my mom to ask her kung nasaan siya ngayon and kung kailangan siya uuwi then I went back inside the classroom.


Hindi pa rin ako mapakali. Lagi kong chine check ang phone ko, expecting a reply from mom or a call from dad. Pagbalik ni Kyle, he opened the water bottle and gave it to me. Without looking at him, kinuha ko ang tubig at mabilisang inubos. Kinakabahan talaga ako.


"Are you sure you're fine?" he really seemed worried.


"Yes, sorry may iniisip lang talaga 'ko." inilapit niya ang upuan niya sakin and held my hand to play with it.


"Mind to tell me what's bothering you?" he asked, still playing with my hands.


"No, nothings wrong. I'm just worried. Hindi ko kasi alam kung nasaan si mommy and daddy ngayon. And dad texted me na mag-uusap raw kami when he comes back." I gave in. Hindi ko kayang itago sakanya kasi alam kong mag-aalala siya nang sobra. Isa pa, I need his comfort. Siya lang yata ang kailangan ko to keep my sanity with all the stuff happening in my unusual family.


I am depending at him too much. Alam kong darating ang araw, I will suffer without him. Hindi ko kayang mawala siya saki, then I'll have no one with me. I'll lose my home. Kaya grabe nalang ang pag-iingat ko na itago ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero kung masisira lang rin naman ang pagkakaibigang meron kami dahil sa iba, I'll grab the chance to confess my feelings for him, atleast I did something about it kaysa magsisi dahil wala akong ginawa.


"Maybe it's about business again. Alam mo naamang workaholic silang dalawa diba? Just don't overthink. Everything's fine" sana nga about business lang. At ano namang kinalaman ko sa business nila dad? hindi ko nga alam kung nasaan at kung ano ang business namin. Something fishy.


Our day passed at wala pa rin ako sa sarili. Nakatulala lang ako and questions keeps popping up in my brain and some scenarios na hindi magandang isipin. And I didn't realize na hindi ko na napapansin ang presence ni Kyle sa gilid ko hanggang pag-uwi because of these chaotic thoughts in my mind.







EVER SINCE WE WERE TENحيث تعيش القصص. اكتشف الآن