CHAPTER 3

165 14 1
                                    


"KYLEEEEEEEEEEEEE!" naglalakad kami sa school grounds para mamulot nang basura kasi naman, late nanaman po kami. Opo, at dahil ulit kay mahal na hari.


"Ang init! Antagal mo kasing magising eh, 5am kita ginising tapos bumangon ka nang 6:30! Antagal mo pang maligo, damay na naman tuloy ako!" ewan ko ba bakit nagustuhan ko to eh, ang bagal kumilos kapag umaga.


"Halika nga, upo ka muna dito, bibili akong tubig" pinagpag niya ang bench sa ilalim nang puno at pinaupo ako roon. Pinunasan muna niya mukha ko bago umalis at bumili nang tubig.


Pinapaypayan ko sarili ko habang hinihintay siyang bumalik. Tumabi ang isa kong classmate na babae, si Juliet. Kanina ko pa to napapansing padaan daan ah.


"Kanina ka pa dumadaan dito. Problema mo?" inismiran ko siya. Alam ko namang nagpapapansin lang siya kay Kyle eh. Plastic din 'to eh. Ang alam ko, kung ano anong fake news ang pinagkakalat nito tungkol saakin. 


"Ano kasi, ireto mo nga ako kay kyle hihi. Diba bestfriends kayo? Bigyan mo kong number niya, please" inangkla niya ang braso niya sakin ang plastic ha with matching puppy dog eyes. Parang asong pasmado.


"Off limits na siya no! Bawal!" inalis ko ang braso nya. Kung irereto ko man si Kyle, siguradong hindi sa kanya no! At talagang wala akong gustong ireto kay Kyle, maliban sa sarili ko.  Tumayo nalang ako para umalis at sundan si Kyle sa canteen.


"Kung makabakod akala mo jowa. Friendzoned lang naman, hmp" parinig pa nang bruha with matching irap pa. Sarap dukutin nang mata. Syempre hindi ako nagpatalo.


"Shut up, doggy" sabay middle finger at takbo paalis. Pake ko ba kung friendzone? kaysa naman parang hangin lang na dinadaan daanan niya. 


Pagdating ko sa canteen, agad ko namang hinanap si Kyle. Nagbabayad nalang pala siya. Kumaway ako sakanya para lumapit siya sa pwesto ko. Agad naman akong umupo sa upuan malapit sa entrance.


"Diba sabi ko maghintay ka nalang doon?" sabi niya habang binubuksan ang tubig na binili niya at pinainom saakin.


"Lumapit kasi si Juliet sakin eh. Nanghihingi nang number mo." pagalit kong sabi. Tinawanan lang niya ako at kinuha ang tubig ko para inomin.


"Hoy, akin yan eh! Dalawa binili mo ah, ba't ka nangunguha?" pilit ko pang inaagaw sa kanya ang tubig ko. Kahit deep inside medyo kinikilig pako. Indirect kiss hehe.


Well, hindi naman bago samin to kasi lagi naman kaming nagsheshare. Dati nga sinusubuan nya ako pag nanghihingi ako nang ulam niya eh. Gamit ang kutsara niya. Ako lang talaga tong nag ooverthink. Syempre, ako lang naman may feelings. hays.


"Para mamayang hapon tung isa. Damot mo naman" inubos niya ang tubig at tinapon ang plastic bottle sa malapit na basurahan. 


"Mag freshen up ka na, babalik na tayo sa classroom." sabi niya at binigay saakin ang face powder mula sa bag ko. Hindi ako ang naglagay nyan jan, siya mismo naglalagay nang mga ganyan sa bag ko.


"Absent nalang tayo, nasa labas nga si Juliet kanina eh. Nakita ko rin ibang classmates natin hindi pumasok." sabi ko pa, pero nagsimula na akong mag freshen up. 


"Lagot tayong dalawa kay mama kapag nalaman niyang umabsent tayo. Halika na, sa classroom nalang tayo tumambay." Inalalayan niya ako patayo  at inakbayan papuntang classroom habang bitbit ang bag naming dalawa. 


Si tita Anna kasi ang nagmomonitor sa pag-aaral ni Kyle, kaya damay rin ako kasi wala namang pake sila mommy at daddy kung pumasok man ako o wala.


Pagdating namin sa classroom, walang teacher. Kaya pala kung saan saan napapadpad mga classmates ko kanina. Naramdaman ko naman ang pagod sa pamumulot dagdagan kaya napahikab ako.


"Matulog ka nalang muna dito Rian. Hindi na talaga ako magpapalate bukas, promise" patawa tawa pa ang loko. Inilapit niya ang chair ko sakanya. Sa armchair ko inihilig ang ulo ko. Naramdaman ko namang nilaro-laro niya ang buhok ko kaya nakatulog agad ako.



Pagdating nang hapon, pumasok na mga teachers namin. Kaya pala walng teacher kaninang umaga kasi may meeting daw. Ginising naman ako agad ni Kyle nang dumating at teacher at nagkunwari lang akong nakikinig kasi yung utak ko nasa outerspace pa. Buong maghapon akong tulala. Sinusundot ako ni Kyle para magtanong nang kung ano, tumatango nalang ako kahit hindi ko naririnig ang tanong. Napapatawa nalang siya sakin at hinayaan nalang ako.


Nung uwian, sinundo kami nang driver nila Kyle. May driver naman kami, pero madalas kasi kela Kyle ako natutulog kaya hassle na kung ipapatawag pa ang driver namin. Nag fe-facebook lang ako tapos siya nakikinig nang music sa cellphone niya habang naka earphones. Sinuot niya sakin ang isang earbud. Mga kanta ni Taylor Swift pinapatugtog niya. Ako ang naglagay nang mga songs ni Taylor Swift sa phone niya, favorite ko eh, kaya nagustuhan narin niya kalaunan. 


"Kyle, pose nga!" nag se-selfie kasi ako, at sinasali ko siya. Ayaw niya talagang nag pipicture pero wala siyang nagagawa kapag ako ang nangungulit.


Ilang shots pa nakuha ko bago ko siya tinantanan. Napangiti ako habang tinitingnan ang pictures namin. May isang nakangiti ako sa camera tapos siya nakasimangot. Meron ring naka wacky ako, tapos siya medjo nakangiti. At ang pinaka favorite ko, nakangiti ako sa camera tapos siya naman ay nakatingin sakin. Napangiti nalang ako sa kilig tapos ginawang wallpaper ang picture na yon. Sinend ko rin sa kanya ang mga pictures namin.


"Omg, bat ang ganda ko dito?" patawa tawa ko pang sabi habang pinopost sa facebook ang pictures.


"Maganda nga, dugyot naman." Pang-aasar niya sabay kurot sa pisngi ko. 


"Panira ka talaga nang moment eh!" Pinalo ko kamay niya at hinayaan nalang siyang patawa-tawa.


"Oo nga pala, sa bahay ako matutulog nayon. Tinext ako ni yaya kanina eh, nakauwi raw si Daddy kaninang madaling araw tapos uuwi rin daw si mommy mamayang gabi" hindi ko talaga alam kung saan galing sila mommy and daddy. Hindi naman sila nagsasabi at nagagalit rin kapag tinatanong kaya nasanay na rin akong pabayaan nlang kahit minsan masakit pa rin at nakakapangulila.


"Sige, ako na bahala magsabi kay mama. Dumiretso kana sainyo para makapagpahinga ka kaagad. Ikumusta mo nalang din ako kanila tita. Chat mo ko kung may problema." sabi niya sakin habang hinihilig ako sa balikat niya.


Ganyan talaga siya kasweet saakin palagi. Noon, iniisip kong baka may gusto rin siya sakin pero nararamdaman kong gumuguhit siya nang linya sa pagitan namin. Palagi niyang pinaparamdam na magbest friend lang talaga kami. Ako lang talaga 'tong nag a-assume.



EVER SINCE WE WERE TENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon