Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang dami ng naipo-proseso ko sa utak. I don't know what to think anymore. Pati si Kuya Lean ay napapaisip sa mga sinasabi ko.

"Aly, stop forcing yourself. I'm here okay," sambit sa akin ni Kuya.

Siguro sa iba nababaliw na ako dahil kung ano-ano na ang iniisip ko. Napahawak ako sa buhok ko at pilit na inaalis lahat ng iniisip ko.

"Listen to me Aly," mahinahong utos sa akin ni kuya.

Hinawakan niya ang mukha ko at pilit na pinaharap sa kanya. Naiiyak na ako at for sure ay mukha na akong baliw na tulo ang sipon. But I don't care!!

"K- Kuya, paano...paano 'pag nangyari uli ito?! Ayaw ko nun, Kuya," umiiyak na saad ko rito. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko na siya namang pagpunas ni kuya sa mga ito.

"Shh... shhh, no Aly... hindi na uli 'yun mangyayari. At babantayan kita so don't worry okay? I'm here... Kuya is here," saad nito saka ako niyakap.

I feel so inferior to whoever I am yesterday. I'm still a crying baby just like when I was born and I think I'm not getting matured all these years. I'm still afraid. I'm the same Aly I was before back in my middle school years.

"I don't want to sleep kuya..." saad ko rito

Nakahiga na ako sa higaan habang binabantayan ako ni kuya sa tabi at hawak ang kamay ko. He's still here kahit hating gabi na. Naikwento ko na rin sa kanya ang nangyari sa akin. Mula sa paggising ko na kasama sa iisang bubong si Shokoy hanggang sa paglitaw ng dalawang pusit sa tabi ko.

"Shokoy? SIno yun?" takang tanong nito.

"Si Keifer Peterson kuya, " nahihiyang sagot ko.

"Ehh... sino naman itong dalawang pusit?" tanong pa nito na agad kong ikinaiwas ng tingin.

"M...May dalawang bata kasi dun Kuya...at feeling ko, umm a-anak...nmn?" mabilis na sambit ko sa kanya dahil sa hiya.

"Ha?" tanong nito saka inilapit ang tainga sa akin.

"Nasabi ko na," sagot ko naman rito. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanya na may anak ako sa panaginip slash ibang mundo na iyon.

"Hindi, 'yung huli 'di ko gets eh, yung anak...ano kasunod?" inosenteng tanong nito.

"Na...min," mahinang sagot ko.

"Hahahaha... seryoso? Don't get me wrong ah, kung may infatuation ka kay Keifer a.k.a Shokoy, 'wag mo naman pangarapin na magkaroon ka kaagad ng anak sa shokoy na iyon at dalawang pusit pa talaga?!" natatawang sagot nito.

"Kuya!!!" saway ko dito saka mahinang hinampas sa braso.

Akala ko hindi niya ako aasarin sa bagay na 'yun pero heto siya at nag-iisip na may gusto ako sa shokoy na 'yun. Ganun ba 'yun? Pero wala talaga akong gusto sa shokoy na yun...Like hello?? Aly Vasper ako, hindi ako magkakagusto sa kanya.

Maya-maya pa ay medyo inaantok na si kuya kaya kusang gumalaw ang mga kamay ko at napahawak ng mahigpit sa kamay niya. Naramdaman niya naman agad ito kaya pinisil niya pa ito ng kaunti.

"Babantayan kita okay, kailangan mong matulog. You need to take a rest... malay mo paggising mo babalik uli ang lahat sa dati 'di ba? Pagod lang iyan," nakangiting saad nito dahil alam niyang hindi ako matutulog.

"Pe...pero paano kapag paggising ko ay ibang tao na naman ako? Paano paggising ko ay may ibang katabi na ako??" nag-aalalang tanong ko sa kanya habang pinipilit na pigilan ang pagtulo ng luha ko.

"It won't happen okay...trust me. I know," paninigurado nito sa akin.

Napangiti na lamang ako saka sinuklian ang huling yakap nito sa akin saka muling ipinikit ang mga mata. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng bahagyang paggaan ng dibdib ko. Marahil ay dahil kasama ko pa rin si Kuya kahit sa ganitong sitwasyon.

****

Ano ba 'yan!!

Tinakpan ko nang kumot ang mukha ko. Masyado na kasing nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa bintana. Nakakainis naman kasi si Kuya eh!!

Bwisit na yun! 'Di man lang sinarado ang bintana!

Binuksan ko ang mata ko at tatayo na. Hindi ko na kasi kaya ang liwanag na tumatagos pa rin sa kumot ko. Tatayo na sana ako nang maramdaman kong may nakayakap sa akin. Pinilit ko itong tanggalin nang biglang may naramdaman akong gumapang sa paa ko. Kaya naman dahan-dahan ko sinilip kung sino ang taong yun.

What

The

Hell!!??

Nagsisisigaw ang kaloob looban ko! Bwisit!!!! Ano ba 'tong nangyayari sa akin! Bakit kasama ko na naman ang taong ito?!

Mahimbing itong natutulog sa tabi ko habang nakayakap ang mga braso sa tiyan ko. Kaya pala hindi ako makatayo dahil nakaharang siya. Maya-maya ay naramdaman kong may gumapang na naman sa paa ko.

Itinaas ko nang kaunti ang kumot at sinilip ang ilalim. Ngunit isang malaking pagkakamali ang ginawa ko.

Ang bastos mo Aly!!! Di ka na inosente...My God!! Ang eyes ko!!

Nakaboxer short lang ito habang ang paa ay pumapalibot sa paa ko. Sisipain ko sana siya para magising nang bigla itong umungol.

"Ughh..."

Nanlaki ang mata ko. Bigla ko na lang kasi na-imagine ang bagay na hindi naman dapat.

Arghh!! Andumi talaga ng brain mo Aly! Kailangan mo na talaga ng BrainWash!!

Dahil sa inis ay wala sa sariling nasipa ko siya kaya nahulog ito sa kama. The hell!!! Nakatabi siya sa akin? Bumalik ako sa mundo na 'to?

Nagmumura ako sa isip ko at pinatay na rin sa imahinasyon ko ang taong ito saka umalis sa kama.

"Shit! What is your problem?" reklamo nito.

Mukhang wala pa ito sa tamang sarili kaya nasabi niya iyon dahil nanlaki ang mata niya nang makita ako na nakatayo sa tabi ng kama.

"D-darling?! Anong problema?" takang tanong nito habang inaayos ang sarili.

Inipon ko lahat ng hangin sa bibig ko at sabay na malakas na sumigaw. Wala na akong pakialam kung sino ang makarinig. Hindi ako papayag na kasama ko na naman ang taong ito. Ano 'to lokohan?!

"Arghhh!! Anong ginagawa mo sa kwarto ha?!! Ikaw shokoy ka! Lu-lumayas ka rito! 'Dun ka dapat sa sofa!! Walang hiya ka!! Ang bastos mo!! Shokoy shokoy! shokoy!" sigaw ko sa kanya habang pinagbabato ito ng unan.

Napaupo ito sa sahig habang nakatingin sa akin kaya naman sinasalo lang niya lahat nang unan na binabato ko sa kanya. Ngunit imbes na mainis ay mukhang mas natuwa pa siya.


                                                                                                 ... continue reading Chapter Ten

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now