"Wala rin naman akong alam na pwedeng gawin dito. If you know someone na taga rito, baka pwedeng magtanong tayo kung anong magandang gawin besides, we're here for a week, right? Sulitin na natin."

"I can ask the caretaker of this house to tour us around the area. For sure naman, kahit probinsiya 'to ay may exciting na magagawa rito."

"Yeah. Gusto ko ring ikutin itong bahay mo. Parang luma na? Spanish style, but it looks really good. I like the design." Puri ko sa bahay niya.

Habang papunta kasi sa kusina ay napansin ko ang ilang disenyo ng bahay. Hindi naman 'to sobrang kalakihan para hindi mapansin. Nalaman ko ring may pagka spanish style ang design dahil nabasa at nakita ko ito sa libro sa condo ni Archer.

"Tama ka, spanish style nga ang design ng bahay. This house is really old at panahon pa ng mga Espanyol itinayo ang bahay na 'to. My Mom and Dad said that they were fascinated by the design of this house that's why they bought it and gave it as a gift for me."

"Sabi mo first time mo lang din makapunta dito? Maybe we can look around here in the morning. You're an Engineer, so i guess you can educate me with terms like this, right?"

Tumawa siya kaya naman napangiti ako. Hindi ko naman kasi talaga maipagkakailang gwapo siya. Para siyang isang anghel dahil sa maamo niyang mukha. Kabaligtaran ng pagkatao niya.

"I'm an Engineer, Kiana, not an Architect."

"Pero pwede pa rin naman, ah? May subjects ka naman sigurong related sa ganito,"

I really love to learn. Although, hindi ako kailanman naging interested sa Engineering at Architecture, aaminin kong talaga namang nakakamangha ang field na 'to. And besides, this can help me in creating a design for my future home.

"Of course, Kiana. I can teach you everything that i know, pero baka mawalan naman ako ng trabaho niyan?"

Napairap ako.

"Hindi ko naman pinangarap na maging Engineer," Bulong ko sa sarili ko na mukhang narinig niya kaya muli siyang natawa. Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. I can't believe that i will be with him under the same roof for a week. I'm sure that this will be a disaster.

"I'll wash the dishes," Agad na sabi niya pagkatapos naming kumain na dalawa. Umiling ako. Kaya ko namang hugasan na 'to dahil kaunti lang naman.

"Ako na,"

"Kiana." Nagbabanta ang boses niya kaya naman nilingon ko siya.

Seryoso ang mga mata.

"What?"

"Ako na ang maghuhugas. You cooked, i'll wash the dishes. Go upstairs and have some rest. Your room is on the right side beside mine."

Nakipagtitigan ako sa kaniya. Tinitimbang naming pareho ang titig ng isa't isa hanggang sa ako na ang kusang umiwas ng tingin

"Alright. Magpahinga ka na rin pagkatapos."

Tipid akong ngumiti sa kaniya saka siya tinalikuran, pero hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko at ang sunod ko na lang naramdaman ay ang labi niya sa noo ko.

He kissed me in my forehead and i was there, too stunned to even lift a finger.

"Have a good night sleep..." he said.

He smiled at me at tumalikod. Dumeretso na siya sa sink habang ako ay nanatiling tulala at iniisip kung ano ang nangyari kani kanina na lang.

"What the fuck?!" Pabulong na sigaw ko sa sarili ko nang matauhan.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon