Chapter 56: Speechless

133 11 0
                                    

Chapter 56 – Speechless

Written on Third Person

9th of November, 3:42 pm.

“SO how would you like your clothes be like?”

“Just simple and besides I already have one” Sagot naman ni DJ habang pinipilit na hindi mag-mukhang bored na bored habang kasama si Aria sa pamimili ng damit para sa engagement party

“Oh. Haha. Akalain mo yun no? Akala ko hindi mo na ako papakasalan and the thing is 3 days from now i-eengage na tayo and I can’t even wait for it.” Masayang tugon ni Aria habang papalabas na sila ng boutique

“Oh” Yun lang ang tanging sagot ni DJ.

Habang nag-lalakad ang dalawa biglang napatigil si DJ sa pag-lalakad nang may masilayan siyang tao na hindi niya inaakalang makikita.

“Oh DJ bakit ka napatigil sa pag-lalakad?” Tanong naman ni Aria kaya naman napayuko nalang si DJ at nai-kuyom ang kanyang kamao at pinipigilang hindi magalit dahil sa mga naalala niyang sinabi sa kanya ni Naomi.

Nakita kasi ni DJ si Naomi na nag-lalakad sa loob ng mall kasama si Rico pero emotionless lang din si Naomi.

Nag-patuloy sa pag-lalakad si DJ at Aria at sa hindi inaasahang pang-yayari nag-kasalubong pa sila Rico at Naomi kila DJ at Aria.

Diretso lang ang tingin ni Naomi habang tinititigan lang siya ni DJ.

Hindi niya ako napansin. I was like a stranger for her

Tugon ni DJ sa kanyang sarili.

“Why are you so gloomy?” Tanong ni Aria and DJ just smiled weakly

“Nothing…Masakit lang ulo ko” Sabi niya. Masakit daw ang ulo…Ulo o Puso?

“Tsk. Wag ka na kasing mag-pupuyat” Naka-ngising sabi ni Aria.

*

“ANO?!” Halos tumilapon naman sa kinatatayuan sila Relle at Yellie dahil sa sigaw ni Trixie

“Oh no! Bakit?! Bakit? BAKIT?! I feel so guilty! Kumusta na daw siya?” Nag-aalalang tanong ni Trixie

“Uh okay naman daw siya—“ Naputol ang sinasabi ni Relle

“DON’T TELL ME HE’S OKAY! HUHUHU! HE’S OBVIOUSLY NOT OKAY!” Tantrums pa more.

“Ehe *Twitching smile* Ehe *twitching smile*Ehe *Twitching smile*” Yun na lang ang tanging naging reaksiyon nung dalawa.

Akala ko ba hate niya yung tao base sa mga na-kwento niya? Tanong ni Relle sa kanyang sarili

Wow…Hate daw niya? How cool? Isip rin ni Yellie

****

Lumipas na ang halos Nakaka-lokong mga araw nila Naomi at DJ ng walang pansinan.

“Pupunta ka ba Naomi?” Tanong ni Trixie sa kanyang nag-luluksang kaibigan. Namatayan ata ng kuko

“Hindi” Malamig na sambit ni Naomi kaya napahawak si Trixie sa kanyang sarili kasabay ng pag-yuko niya

“Ang lamig ng sabi mo Naomi” Well hindi effective ang joke ni Trixie sa kaibigan

“Wala ako sa mood na puntahan ang walang kwentang engagement party nila mamayang gabi. Besides sa tingin ko galit si David dahil sa ginawa ko. I’m so evil” Sabi ni Naomi more like sa sarili na niya halos dahil pabulong ang kaniyang isinambit

LLY 2: The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon