Inikot ko ang paningin ko sa loob ng kwartong ito.

"Wahhh!! Panaginip ba 'yun? HAHAHA," parang tangang tanong ko sa sarili.

Napatingin ako sa sarili at parehas naman ito sa suot ko noong gabing nalasing kami ni Kuya. Haist. Binangungot nga ako! HAHAHHHA

Napa buntong hininga ako. Akala ko habang buhay na ako makukulong sa bangungot na yun. Nang makapag-adjust na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Tulad ng tipikal na gawain ko ay nagluto na lang ako ng easy to serve na pagkain sa ref. Wala si kuya at marahil ay nasa sariling condo niya 'yun ngayon. Hindi na lang ako nag-abala na tawagan ito at kumain na lang agad saka naligo at pumasok sa school. 7:56 na ng makarating ako sa school. Maaga kasi ang performance namin ngayon.

Pagdating ko ay walang tao sa hall. Masyado ba akong maaga? O baka naman inurong ang sched. Para makasigurado ay chineck ko ang phone ko.

<MESSENGER CONVERSATION>

Ang Hukom(Ms.Gia): Congrats sa inyong lahat. Naging matagumpay kahit papano ang performance natin.

Fein: Walang anuman po.

Sharell: Ang ganda nga po maam ng banner niyo eh.

Gio: Oo nga po maam, tapos si Vince epic ang recital niya.

Vince: Hahahahha

Agad na kumunot ang noo ko nang mag-back read ako sa conversation ng klase. Tiningnan ko pa ang oras kung kailan ito na-send. Wa-wait. Tapos na? What the fuck! Paano nangyari 'yun?!

Dahil sa pagtataka ko ay napatakbo ako ng wala sa oras para hanapin kahit sino basta kaklase ko. Pa- panong tapos na? Hindi pa ako nakapag perform ah? O baka naman...

NO WAY!!! WALA AKONG GRADES PAG GANON!

Kung ano-ano na lang ang pumasok sa utak ko at hindi ko na alam ang dapat gawin. Basta takbo lang ako ng takbo hanggang sa may mabangga ako. Hindi ko na na tingnan kung sino ang nabangga ko kahit na nag-sorry ito. Tumayo na lang agad ako at pinagpatuloy ang pagtakbo. Hanggang sa natanaw ko si Sophie sa kabilang wing sa building 2.

"Sophiee!!" sigaw ko rito habang ikinakaway ang kamay ko.

Nakita naman niya agad ako at kumaway rin pero napansin kong hindi ang totoong ngiti ang nasa labi niya kundi isang pilit na ngiti na konti na lang ay nakangiwi na ito. Medyo napahinto pa ako nang biglang tumakbo ang kasama nito ng makita ako.

Eh? Bakit parang natatakot ang mga ito?

Hanggang sa makarating ako sa tabi ni Sophie.

"Anong meron 'dun?" tanong ko habang nakaturo sa tumatakbong kasama niya kanina.

Ngunit wala akong narinig na sagot mula rito at nang lingunin ko ito ay nakatingin lang din ito sakin. Maya-maya ay hinawakan niya ang noo ko.Nagulat na lamang ako nang hawakan nito ang noo ko.

"May sakit ka ba Aly?" tanong nito.

"Ha?" nakangangang tanong ko rito.

"Hindi ka na emo?" dugtong na tanong pa nito.

"Emo? Kailan ako naging emo?" halos matawa-tawang tanong ko rito ngunit seryoso pa rin ang mukha nito.

"Ehe, kasi 'di ba-"

Hindi na niya naipagpatuloy ang sasabihin niya dahil pinutol ko na ito. Mas mahalaga ang itatanong ko kaysa sa kaweirduhan niya.

"Wait," pigil ko rito habang iminumustra ang kamay sa harapan nito. "Anong oras ang performance natin? Nakapag-perform na pala ang iba?" takang tanong ko rito.

Pero siya pa ata ang mas weirdo sa'ming dalawa.

"Tulog ka pa ba Aly?" tanong nito.

"Ha?" tanong ko habang nakataas ang kilay.

"Kahapon pa ang performance," sagot nito na para bang pinapaalala sa akin na kahapon nga ang recital.

"Eh? Anong oras?" tanong ko rito.

"Nung tanghali!"

Natulala ako sa sagot nito. Kung kahapon ng tanghali ang recital ibig sabihin ay hindi nga ako nakapag-present. Pero hindi eh... may mali.

"Teka!! 'Di ba may klase tayo kahapon?" tanong ko rito.

"Klase? Hahaha, suspended ang class natin kasi nga sa performance!!" paalala nito sakin.

Ayaw ko man aminin pero may nararamdaman akong kakaiba. May mali talaga eh! Bakit wala akong maalala? Bakit hindi ko alam ang mga sinasabi niya?!

Sana wag naman..please....

"S-sophie, anong araw na ba ngayon?" natatakot at kinakabahan na tanong ko. Napa-cross finger pa ako dahil sa kaba.

"17 na ngayon, kahapon ang performance bhe" nag aalala na sagot nito.

W-wait. Ibig sabihin ay tama ang hinala ko.

WHAT THE FUCK!!!

THIS CAN'T BE HAPPENING! I'm not in my right mind yesterday!


                                                                                      ... continue reading Chapter Eight

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now