1

326 11 0
                                    

"What the!?"
Angil ko ng biglang higitin saking kamay ang binabasa kong libro, I took a deep breath to control my anger, sinong hindi magagalit at magugulat right? Someone is invading my space! Matapos ang sampung segundo nag angat ako ng tingin para mapagsino ang pangahas na sumira ng pagbabasa ko.

"Hello there grumpy, sorry to interrupt but Im your new house mate"
Masiglang bati sa akin ng bagong dating, ngunit ng mapagtanto ko kung sino ang kaharap para akong binuhusan ng malamig na tubig, sa dinami dami ng tao sa pilipinas bakit kailangang sya pa? Ngumiti sya ng maluwag sa akin na akala moy maganda ang naging paghihiwalay namin dati.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo malapit sa malaking bintana gusto ko pa sanang mag stay dun at panoodin ang magandang tanawin na nakaugalian ko ng gawin twing wala akong ginagawa habang nakaplay ang mga fingerstyle guitar music. But maybe not this time, tamad na humarap ako sa bagong dating at minasdan syang maigi nagmature na ang itsura nya hindi kagaya noong nasa college palang kami, mahaba parin ang itim at tuwid nyang buhok I remember vividly that she wants it that way, maayus at maganda ang pagkakaguhit ng kanyang kilay mapang akit paring tignan ang kulay asul nyang mga mata na naliligirin ng mayayabong na pilikmata, matangos at maliit ang pagkakalilok ng kanyang ilong na namana nya sa mestisong ama. Umarko ang kanyang mapulang labi ng tumama ang tingin ko doon, alam nyang pinag aaralan ko ang bawat detalye ng kanyang mukha at wala akong balak na itago yun sa kanya. Nakasuot sya ng puting crop top dahilan para ilabas nito ang flat at nagmamayabang nyang tyan pinarisan nya ito ng faded blue high waist jeans na lalong nagpalabas sa magandang hubog nyang katawan pansin kong wala na syang panyapak hinubad nya siguro kanina pagpasok, maputi parin ang kulay ng kanyang balat at mas mataas na syang tignan ngayon but Im taller than her. Hindi kalayuan sa tabi nya ay mapapansin ang isang itim na maleta at malaking duffel bag na malamang na kilalagyan ng mga gamit nya. Ibinalik ko ang mga mata sa kanyang mukha trying my very best to stay calm despite of my raging anger inside me.

"Who let you in?"
In my usual low voice, kinuha ko sa kamay nya ang librong kaninang binabasa at nilagpasan sya. A glint of sadness is visible in her eyes but I wont fall twice on it.

"A-ahm the landlord let me, binigyan nya ako ng susi ng apartment matapos nya akong ihatid sa may pinto. I knocked twice by the way, pumasok na ako after waiting for like 10 minutes"
I sigh, gusto ko syang hilahin palabas at sabihing sa iba nalang sya umupa dahil ayoko syang makasama sa iisang kwartong kagaya nito, matagal ng lumipas ang panahon pero sariwa parin ang naiwang alaala at hindi parin ako nakakalimot. Nandito parin yung galit, akala ko pag nakita ko sya magiging okay na ako turns out not. But what can I do? Ako ang may gustong magpahanap ng makakasama sa apartment dahil na din sa may mga pinag iipunan ako. I just need to keep my distance, magkasama lang kami pero hindi ibig sabihin na kailangan kong makisama sa kanya isa pa, tig isa naman kami ng kwarto at may kanya kanya naman kaming trabaho na uukupa sa maghapon namin.

"Ukupado ko yung kwarto malapit sa pinto, banyo yung pangalawa pangatlong pinto yung sayo, kumpleto ang gamit dito pati na ang sa kusina pagkain nalang ang bibitbitin mo. Kuryente ilaw at upa hati tayo"
Hindi ko na sya hinintay na magsalita at tuloy tuloy na akong pumasok sa aking kwarto. Matapos kung ipinid ang pinto ay pinawalan ko ang kanina ko pa pinipigil na marahas na paghinga, nagtaas baba ang aking dibdib dahil sa pakiramdam na muling nabuhay sa ibinaon ko ng kahapon. I groned in frustration gusto kong pawalan ang nararamdaman why Im acting this way? Inihinagis ko sa kama ang binabasang libro dahilan para lumikha iyon ng mahinang tunog, kailangan kong kumalma I need to run mabilis akong nagpalit ng damit panakbo, wearing also my favorite bonnet. Palabas na ako ng kwarto ng maalala ang bluetooth headset at cellphone ko na nakapatong saking study table, kinuha ko yun at agad ibinulsa sa jogging pants just in case someone call me for emergency plus I need a music to pump me jog.

"Hey Jackie?"
I halt abruptly
"Are you going to eat here for dinner?"
She called from the kitchen, mukhang inuna nya munang mag asikaso ng makakain kesa ayusin ang mga gamit nya. I heavily sigh before answering.

"No Talia, and please dont act like we are okay cause were not"
With that I exited the door not wanting to hear any word from her, masyado na bang pangit ang pinapakita ko sa kanya? Well, I think she deserved it.

Pain of Yesterday (gxg)Where stories live. Discover now