Tip No. 3 - Think Positive

Magsimula sa umpisa
                                    

Inabutan nya 'ko ng tissue nang natapos na 'ko at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Alam mo, hindi one hundred percent effective ang condom. Hindi ako against sa premarital sex, naiintindihan ko na part ng nature natin ang urge na 'yon kaya hindi kita masisisi, pero mas maganda talaga na maging handa ka sa consequences ng kahit na anong kilos mo." Sabi ni dok.

Malumanay ang boses nya pero lalo lang ako napa-iyak. Hindi man one hundred percent ang effectiveness ng condom pero malamang more than ninety percent 'yon. Bakit ba minalas ako at nadali ng less than ten percent na 'yon?

Hindi ako gumagawa ng isang bagay hangga't hindi ko muna pinag-iisipang mabuti pero nung gabi ng birthday ko, hindi ko lang talaga napigilan ang sobrang lungkot at hinayaan na lang na i-comfort ako ni Benedict sa paraang alam nya.

Nagpatuloy sya sa pagsasalita. "Hindi ko pa kilala ang parents mo pero, katulad ng iba, I'm sure matatanggap din nila 'to. Halos ganito rin nangyari sa'ken noon kaya sigurado ako."

Napanganga ako sa narinig at gusto ko tuloy malaman kung ano nangyari sa kanya. Buti na lang at hindi ko na kinailangan itanong dahil nag-supply na sya agad ng kwento.

Fourth year high school daw sya nang nabuntis ng boyfriend nya noon. Pinilit ng parents nya na ipakasal sila pero nagtago raw ang walang kwenta nyang boyfriend at hanggang ngayon wala syang balita dito.

Hindi naman sya pinabayaan ng pamilya nya, kahit halos araw-araw daw noon umiiyak ang mommy nya, at hanggang ngayon todo pa rin ang suporta nila sa kanya at sa anak nya. Hindi rin daw nila gusto pa makita ang tatay ng anak nya dahil kumpleto na raw ang pamilya nila ngayon at masaya na sila ng ganito.

Tinuro nya ang picture sa desk nya na pinagmamasdan ko kanina at sinabing, "Tignan mo ngayon, mas mahal pa nila si Tin kesa sa'ken. Lagi nilang inii-spoil."

Kita ko ang pagka-amo ng mukha nya habang pinagmamasdan ang mga magulang nya at anak sa picture. Halata naman na mahal na mahal nya sila.

Gumaan tuloy kahit konti ang loob ko at napangiti sa kanya.

"Ilang taon na po ang anak nyo?" Tanong ko.

"Sixteen na si Tin." Sagot ni doktora. "Medyo nakikita ko ang sarili ko sa'yo, Shay, kaya gusto sana kitang tulungan."

Tumango ako bilang sagot at nagpasalamat sa kanya.

Katakot-takot na tanong ang ginawa nya pagkatapos ng heart-to-heart talk na 'yon at sinagot ko naman silang lahat.

Pinaalam nya saken na eight weeks na daw akong buntis at kailangang magpa-check up kada buwan o mas maaga pa doon kung may mararamdaman akong kakaiba. Normal daw ang morning sickness (weird kasi gabi ko sya naradaman kaya dapat hindi morning sickness ang tawag) at sya na raw ang titingin saken lagi at hindi ko sya kailangan bayaran.

Nahiya naman ako at sinabi na lang na sasagutin ko ang mga laboratory at utrasound na mangyayari sa future check ups, tutal naman may part-time job ako.

Tinanong din nya kung magiging part ba raw ng journey (talagang tinawag nyang journey ang pagbubuntis ko) ang ama ng bata pero sinabi ko na hindi. Hindi naman sya nagtanong kung sino o kung bakit ayoko kaya lalo lang tuloy lumaki ang pasasalamat ko sa kanya.

Mahigit isang oras din ang lumipas bago ako nakalabas ng office ni dok at pinuntahan na sila Kat. Lumuwag ng konti ang paghinga ko pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala. Hindi na siguro mawawala 'yon hanggang tinatago ko ang sekreto na 'to.

Si Kat lang ang naabutan ko sa waiting area at sinabi nya saken na inilipat na daw si Yumi sa ICU at doon na silang lahat nag-aabang.

Nadatnan namin sa labas lang ng ICU sila Claire at Jay na kakatapos lang dalawin si Yumi. Si Benedict daw ang nasa loob ng kwarto ngayon samantalang inaayos naman ni Nathan ang paglipat ni Yumi sa isang private na lugar.

Tinanong nila saken kung ano ang sinabi ng doktor tungkol sa kondisyon ko at sinabi ko na lang na na-food poison ako dahil wala na akong maisip na ibang excuse.

Nagtatalo pa kami ni Kat kung sino sa'min ang mauuna nang lumabas na si Benedict. Nakatago ang mga kamay nya sa bulsa ng pantalon at nakangiti sa aming apat na hindi naman umabot sa mata nya na mapupula at halatang galing sa iyak.

Naalala ko tuloy ang isa pa sa reason kung bakit hindi ko masabi sa kanya kung ano ang sitwasyon ko.

Gusto nya si Yumi at pinipigilan nya ang sarili nya na lumalim pa ang feelings na 'yon dahil isa sa mga best friends nya si Nathan pero alam ko na umaasa sya at naghihintay na tumingin sa kanya si Yumi.

Mapatingin man sya sa kanya o hindi, ang idea na nabuntis ako ni Benedict ay, malamang, hindi plus pogi points sa kanya. Panagutan man nya 'ko, wala lang sa'min ang magiging masaya.

Sino nga ba naman kasi ang gustong makasama ang tao na hindi naman nya mahal? Wala naman, 'di ba?

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon