"Yuck!"

Actually classmate ko yung isa. Si Dylan Shoyo. Others call him Dy as in "di" especially his friends and I think may lahi siyang Japanese dahil sa last name niya.He is the youngest of them and the most jolly and happy person among them.Isang beses ko lang siya nakausap nang magkaroon kami ng groupings. Ang nakakainis lang ay wala siyang ibang ginawa kundi ang magkwento. Wala siyang pakialam kung bumagsak siya o hindi.

The second one is Kiane na 3rd year and actually wala akong alam sa kanya kahit isa. Same sila ni Kiefer na 3rd year din.

Si Kuya Ross naman ay 4rth year. Mabait siya actually kasi ilang beses ko na siya na kasama sa club meetings. Though di kami nag usap kahit isang beses ay nakikita ko kung paano niya i-handle ang club.

I've just known them because of Sophie. Actually crush niya si Kuya Ross na mas matanda sa amin ng dalawang taon. At dahil dun ay nang-stalk siya hanggang sa nalaman niya ang tungkol sa kanilang lahat.

Paalis na kami sa locker room ng bigla na lang may bumangga sa dibdib ko.

Putcha! Masakit yun!!

Kahit wala akong hinaharap, tao parin akong may pakiramdam. Hustisya naman sa dibdib ko oh...lubog na nga eh!

"Kieee...." matinis na sigaw nito papunta kay Kiefer na parang walang nangyari.

Nag-init naman agad ang ulo ko. Humarap ako sa kinaroroonan ng bumangga sa akin at laking gulat ko ng makita kung sino ito. Sa lahat ng taong babangga sakin eh siya pa talaga.

Ang girlfriend ni Kiefer, si Veena.

I'm not afraid of her actually. But I just hate bumping my fate into hers kasi alam kong mamalasin ako.Aalis na sana ako ngunit narinig ko nalang si Sophie na nagsalita.

"Hey! Say sorry to her, you dumbass! Nakabangga ka na nga eh, kunwari ka pang walang alam!"

"Excuse me...FYI, ako yung dumaan ayaw niyo kasing tumabi eh...its not my fault"maarteng saad nito.

Hindi pa ito tuluyang nakakalapit kay Kiefer at humarap na ito sa amin. Nanatili namang nasa huling pwesto ang apat.

"Ah...kaya pala..kung gaano kakapal ang kilay mo..ganun din ka kapal ang mukha mo...bitch!"

" Well...atleast I have something to be proud of... how about you?"

"Oh...proud ka pala na tawaging bitch?"sarkastikong sagot ni Sophie habang ang iba ay pigil din sa pagtawa.

"It..It's not what I meant!"

"Then how about this...you say sorry to her and it's done..." saad ni Sophie habang nakataas ang dalawang kilay nito.

"No way... I'd rather die than saying sorry to her..duh," nandidiri na sagot nito na akala mo'y ikamamatay ang paghingi ng paumanhin.

"Bruh!!Grow up! Hindi lang yang hinaharap mo ang lumalaki okay...don't tell me maliit pa rin utak mo?"

Hindi makapagsalita si Veena dahil sa segundang tawanan ng mga nakarinig sa sinabi ni Sophie.Habang ako ay nanonood lang sa kanila habang simpleng hawak ng kanang dibdib ko. Masakit pa rin kasi ito.

Sophie and I are actually the same but mas aggressive siya kaysa sakin. Kahit papaano kasi ay natitimpi ko pa ang sarili ko.

Dahil sa kahihiyan ay hindi na mapigilan ni Veena na hablutin ang buhok ni Sophie na ikinabigla nito. Sandaling di nakagalaw si Sophie ngunit mabilis niya ring hinawakan ang maabot niyang buhok ni Veena.

Nagpatuloy ang dalawa sa hilaan ng buhok at pansin kong masaya ang lahat ng tao sa paligid dahil sa munting show na napapanood nila.

Bago pa tuluyang mawala ang kontrol ni Sophie sa sarili ay pilit ko itong inawat.

"Takte ka! Ikaw ang bobo!!" Veena said as she raised her right hand and pulled down Sophie's hair with a great force making her feel the pain instantly.

"Takte...hoy!! Kung gaano kalaki yang hinaharap mo ganun naman kaliit utak mo..BOBO!!" sigaw naman ni Sophie na ayaw parin paawat kahit na hinihila ko na ang dalawang braso nito.

"Bitch! Damn you Sophie!!" ganting sagot nito sabay hinila pa ng mas malakas ang buhok ni Sophie.

Kahit di ako ang nasa kalagayan ni Sophie ay parang ramdam ko ang hapdi sa halos ilang minuto nilang pagsasabunutan. Wala naman nagtangkang umawat since si Veena ang Vice President ng campus at anak ng isa sa mga stockholder ng school. And it's because power scares most of us.

"Stop calling me Sophie!! You're not qualified to say so!" mas malakas ngunit hingal na hingal na saad ni Sophie na pilit na gumaganti kahit sa pag padyak ng paa na lang dinadaan.

I tried to go between them but I know what risk I will take on doing it and to say na mukhang mas lumalala ang away nila. Second option is to call the school admin since walang naglakas loob na tumawag.

But still, I feel na makakalbo na si Sophie bago pa dumating ang school staff kaya pinilit ko na hawakan ang magkabilang kamay nilang dalawa at nang matagumpay ko itong nahawakan ay isang malakas na hampas ang dumapo sa kaliwang dibdib ko na galing kay Veena.

Putcha!!Double kill!!

"P*TA–!!!"sigaw ko at di ko na napigilan ang sarili at kusang gumalaw ang kanang kamao ko papunta sa mukha ni Veena.

Bago ko pa marealize ang ginawa ko ay isang malakas na pagbagsak ng katawan ni Veena sa sahig ang narinig ng lahat.

Takte!! Napalakas ata!

Pero shuta ka!! Dapat lang sayo yan!!

Pag ako nagka-breast cancer banta ka lang talaga Veena. Kahit walang laman ito...may nararamdaman pa rin naman. At hindi purket flat-chested ay exempted na sa pagkakaroon ng breast cancer!!

Maya-maya ay isang malakas na sigaw na ng principal ang narinig ng lahat kasabay ng pulasan ng mga mag-aaral sa paligid namin.


                                                                                                                          ...continue reading Chapter Two

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now