Napa-iling ako at saka lumayo.

"So, anong ginawa ninyo sa Flame Kingdom?"-tanong ko sa kanya, tumingin naman siya sa malayo at saka huminga ng malalim.

"As always, pinupush parin nila ako kay Roselyn."-saad niya at saka naglakad papunta sa isang bench kaya naglakad din ako papunta roon at saka umupo.

"Paano ba nakilala ng mga magulang mo si Roselyn?"-tanong ko sa kanya.

Nagiging matanong ata ako ngayon.

"Kilala naman lahat ang mga council hindi ba? Hindi magkalayong nagkasama na ang mga magulang ko at ang kanya."-kibit-balikat na saad niya at saka sumandal.

"Ayos ka lang ba?"-tanong ko bigla na ikinatigil niya at tumingin sa akin. Napa-iwas siya ng mapansin niya ang mga titig ko.

"No"-saad niya at saka yumuko.

"Kahit na ako ang pinakatahimik sa lahat, pinakacold at ano pang tawag sa ugali ko. Si Aiken ay isa sa mga nagtiis at tumanggap sa ugali ko. Si Aiken ay kasapi sa Royalties, isang gaya ko na maharlika at isang kaibigan. Hindi ko akalain na ganon lang siya mamamatay. Hindi ko tanggap na wala na siya."- mahabang saad niya at ramdam ko sa bawat salita niya ang pangungulila.

Nakatingin lang ako sa kanya dahil sa haba ng mga sinabi niya at saka walang alinlangan niyang sinabi ang lahat ng mga 'yon at ramdam mo talaga yung sakit.

Hahawakan ko sana ang kamay niya pero nakita ko sa Prim papunta sa akin, kaya napatayo ako at mabilis niyang pinuntahan saka binuhat.

"Ohhh Prim. I'm sorry"-saad ko at saka kinuskos ang mukha ko sa mukha niya.

Napansin ko na hindi gumagalaw ang buntot niya kaya napa-iling nalang ako.

"Yan ang alaga mo hindi ba? Can I touch that?"-Sabay turo may Prim pero lumabas ang mga ngipin ni Prim nagpapakita na ayaw nitong magpabuhat kay Caspian.

"Sorry Caspian, ayaw niya eh. So una na kami ah. Bye bye"-saad ko at mabilis na lumakad papalayo.

"Ang sungit mo ah"

Saad ko habang buhat ko siya.

" Grrr"

Napatigil ako sa paglalakad at saka siya tinitigan.

Grabe talaga siya magtampo. Parang babae hayst.

Nilagay ko na lang siya sa uluhan ko at saka nagsimula nang naglakad papunta sa Dark Mansion. Hindi pa ako nakakalapit sa Dark Forrest pero napatigil na ako dahil napalibutan na naman ang mga paa ko gaya ng dati.

Hindi ako gumalaw man lang, hinintay ko lang na lumabas ang may kagagawan nito.

Hanggang sa unti-unti kong naririnig ang mga tunog ng mga heels nila na papalapit sa akin.

Nakangising mukha ni Ava ang nakita ko at ang mga kaibigan niya. Nag stop sila sa harapan ko tas sabay sabay silang umikot at naglakad nang konti Tas ikot ang pose and pose.

Rumarampa lang naman sila sa harapan ko. Tinignan ko lang sila with my bored look.

"Tapos na kayong rumampa?"-bagot na saad ko na ikinangisi ni Ava.

"Of course..... not"-nag flip hair na saad niya at ilang ulit pang nag pose.

"Cut the crap Ava"-saad ko sa kanya pero nag gesture siya na hindi.

"It's Cut The Rope Fake mute"-saad niya at saka umikot ulit.

Hindi kaya siya nahihilo sa mga pinag-gagagawa niya? Kasi ako na nakatingin lang nahihilo na.

"Hello, Fake mute! Miss me?"-nakangising saad niya at nag pose ulit. Ang mga kaibigan naman niya at to do palakpak at hiyawan.

"It's nice to see you all again, Ava and her circle of friends"-bagot na saad ko at nag roll eyes sa kanila.

Komplet— hindi pala sila kompleto, nawawala pa rin yung ano na nga ba ang pangalan nun? Hayst, parang nasa dulo na ng dila ko eh.

"What are you doing?"-nandidiring saad ni Ava habang nakatingin sa ginagawa ko. Hawak hawak ko ngayon ang dila ko, baka maalala ko na.

Ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko makuha yung sagot.

"Nga pala, anong pangalan ng kaibigan ninyong nawawala?"-saad ko habang pinupunas sa damit ko ang kamay ko na may laway.

"She's Brena"- saad ni Ava kaya napatango ako.

Ngayon ko lang naalala, kapangalan niya yung alaga/aso ni Chibi Kendy na si Chibi Brena.

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

It's been a long time. Huhuh sorry guys.

I hope nagustuhan ninyo.

Keep safe and bye bye!

I love you all

The Soul KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon